Michael, ano ka ba talaga?

794 31 6
                                    

Angels do exist

Samuel PoV

Hindi nanaman ako makatulog. Ayaw nanaman mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Biglaan kasing lumitaw sa harapan ko si Michael para alisin ako sa pool. Malalim kasi at hindi ko na halos maarok ang ilalim.

Magpapasalamat sana ako sa kanya pero pagmulat ng mata ko ay wala na siya.

Hindi ko na iyon sinabi sa Kuya ko. Alam ko naman na papagalitan ako nun at hindi siya maniniwala sa sasabihin ko.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 1:30am. Takte! Simula nung nakilala ko si Michael palagi nalang akong hindi makatulog. Hindi kaya kinukulam niya ako?

Ano kaya siya?
Ang bilis niyang tumakbo, nakakapagteleport siya, kakaiba ang mga sinasabi niya, sa tantya ko kaya rin niya yung mind control, at higit sa lahat...ang gwapo niya.

Mangkukulam?
Maligno?
Aswang?
Hunyango?
Shokoy?

Potek! Ano ba itong mga pumapasok sa isipan ko!

Bigla akong napabangon nung parang may napansin akong taong nakatayo sa harapan ng kama ko.

Binuksan ko ang ilaw.
Tiningnan ko ang bintana ng kwarto ko pero wala namang tao. Imposible naman may makapasok dito dahil una nakalocked ang pinto at pangalawa mataas ang bintana ng kwarto.

Susme! Naghahallucinate na yata ako!
Gusto ko ng matulog!
Please!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh Samuel bakit parang magang-maga ang mata mo? May nagpaiyak ba sayo? Sabihin mo lang!" Matapang na ani ni Kuya habang nakain kami.

"Wala kuya. Medyo napuyat lang ako kagabi" matipid na sagot ko.

"Sinasabi ko sayo Samuel ha! Ayokong malalaman na basta basta ka magpapaligaw o magboboyfriend! Unahin mo muna ang pag-aaral mo!" Agang-agang sermon ni kuya sakin.

"Opo!" Sagot ko.

Matapos kumain ay naupo ako sa sofa at binuksan ko ang laptop ko.

Facebook.
Youtube.
Watchop.com
Narutoget.com
Instagram.

Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatutok sa laptop. Nakailang episodes kasi ako sa onepiece at naruto. Tama! Paborito ko yun. Si Nico Robin sa onepiece at si Tenten sa Naruto. Astig yun eh. Pati rin sa Fairytale, si Levy. (Script Wizard).

Ni-shutdown ko na ang laptop at kaagad na akong nag-ayos ng sarili ko. Sunday ngayon kaya tulad ng nakagawian ko. Sisimba ako. 5:30 - 7:00pm ang misa kaya aabot pa ako 4:00pm palang naman kaya keri ko pa ang oras.

"Kuya! Simba muna ako." Paalam ko kay Kuya habang busy siya sa paglalaro ng basketball sa PS.

"Gusto mo bang ihatid kita?" Sabi niya.
"Wag na kuya. Kaya ko naman. Alis na ako" -Ako.
"Sige. Ingat ka" bilin niya sakin.

Sumakay ako ng tricycle at ilang minuto lang ay nasa simbahan na ako. Malapit lang naman kasi samin ang simbahan. Pwedeng-pwede ngang lakarin pero dahil sa naambon ay nagcomute na ako. Mahirap na baka mabasa ako ng ulan. Baka magkasakit pa ako. Laking problema yun! Hahaha!

Naupo na ako sa likod. Dun kasi ako lagi napwesto kapag nagsisimba ako. Dun sa malapit kay Tata Usteng (St. Agustin)

Narinig ko yung tunog ng bell na senyales na kailangan tumayo para sa pagpasok ng pari sa loob ng simbahan.

(Pls play: Sa hapag ng Panginoon)

Nakikisabay ako sa kanta. Karamihan kasi sa kanta sa simbahan ay alam ko. Nasimba kasi ako tuwing Linggo. Nakagawian ko na at nakasanayan ko na. Syempre naman kailangan magpasalamat sa lahat ng biyayang binibigay satin ng Panginoon.

Nagsimula na ang misa. Tahimik ang lahat ng tao. Lahat kami ay nakatuon ang atensyon kay Father. Ang ganda kasi ng homily, tungkol sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.

Habang patuloy ako sa pakikinig ng misa ay naramdaman ko nalang na may taong tumabi sakin. Hindi ko siya nililingon dahil natuon ang atensyon ko kay Father.

"Sa tagubilin ng nakakagaling ng utos..." -Father.

Inangat ko ng bahagya ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid. Naramdaman ko nalang na hinawakan ng katabi ko ang kamay ko.

Ang lambot. Mainit-init ang kanyang kamay. Pakiramdam ko ang pagiging panatag ng kalooban ko habang dinadama ko yung init na nagmumula sa kamay ng taong humahawak sa kamay ko. Korni man sabihin pero I feel so bless habang magkadikit ang kamay namin.

"Sumainyo ang Panginoon... Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa - Peace be with you" -Father.

Nauna akong nagpeace at nag-bow sa harapan tapos sa unahan at sa... sa..

"Michael?" Biglang tanong sa lalaking katabi ko.
Kamay pala ni Michael ang may hawak sa kamay ko kanina.

"Peace be with you" diretso niyang sabi sakin. Binati ko rin siya.

Nakakapagtaka.
Bakit nagsisimba ang mangkukulam? O anumang kampon ng kadiliman?
Saka bakit ganoon ang pakiramdam ko sa kanya kanina habang magkadikit ang kamay namin? Baka naman ginagawa niya lang ito para pagtakpan ang kanyang tunay na anyo!

Anong akala niya? Maloloko niya ako!
Neknek niya!

"Humayo kayo at ipahayag ang salita ng Diyos" -Father.

Huling sabi ni Father.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng simbahan.

Dumadagundong ang langit at nagsisimula ng lumakas ang kaninang ambon.

Walang masakyan at trapik.
Wala pa naman akong dalang payong.
Lumakas na ang ambon at naging ulan na ito. Sumilong muna ako sa 7/11 na malapit sa simbahan namin at napagpasyahan kong hihintayin ko nalang ang pagtila ng ulan.

Habang nakaupo ako ay pinagmamasdan ko ang labas.

Nagulat nalang ako ng biglang may naglapag ng noodles sa harapan ko. Si Michael.

"Kain muna tayo. Pampaalis din ng lamig" mahinahong sabi niya sakin.
"Salamat" sagot ko naman sa kanya at tinanggap ko ang noodles.

Teka? Baka may lason to? Baka paraan niya lang ito para kulamin ako?

"Hindi mo ba gusto yung flavor? Sige palit nalang tayo" -Michael.

Nakita kong nakahigop na siya ng sabaw ng noodles kaya sigurado akong walang halong kulam ang kinakain niya. Pumayag ako. Nakipagpalit ako sa kanya.

"Ang daming taong nagsisimba tuwing linggo no?" Basag ko sa katamihikan na bumabalot samin.

"Madami ngang napunta sa kaharian ng Diyos pero ilan lamang diyan ang totoong nananampalataya" sagot niya.

Ha? Adik ba tong kasama ko?

"Yung iba gusto lang ipagmayabang ang bagong sapatos, damit o pantalon. Yung iba dahil sa gusto lang makasama ang girlfriend o boyfriend, ang iba dahil lang sa required sa school ang pagsimba, meron din namang dahil sa sobrang gipit at sa Diyos na inaasa lahat" mahabang sabi niya.

"Alam mo Michael nagtataka talaga ako sayo eh" sabi ko sa kanya.

Tumitig siya sakin.

"Nung nasa bahay tayo nila Kenneth nagawa mong dalin ako sa tuktok ng bundok at nung muntik na akong malunod sa pool bigla kang lumitaw sa harapan ko at niligtas mo ako..." Sandali akong tumigil.
Tama! Tatanungin ko siya. Dapat malaman ko na ang totoo.

"Michael ano ka ba talaga?"

Anghel sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon