Soyokaze 4:

132 6 5
                                    

"Hey, are you okay?" Saka sya nag-snap sa may mukha ko. Tumango nalang ako bilang tugon.

Nandito kami sa dorm ko-- I mean, namin. Kasi dalawa kami ditong mag-do-dorm ng hindi ko pa kilala kung sino.

Hindi lang kasi talaga nag-si-sink pa sa utak ko..

"Yes, Heather. I am actually 208 years old." Halos mabuga ko naman lahat ng nainom kong tubig simula kaninang umaga hanggang kanina sa narinig ko.

"2-208 YEARS OLD?!" Tumawa naman sila sa reaksyon ko. Teka! Hindi ko kasi maintindihan e. I need explanation!

"Hahaha, okay. Sit down, hija. Sevanne, you can go now. Just assist Heather pag labas nya dito. We need to talk." Utos nya kaya umupo na ako sa tapat nya. Si Sevanne naman ay nagbow saka lumabas ng pinto.

"S-sir Ge--"

"PG." Pagputol nya sa sasabihin ko.

"Sorry po. Sir PG, kaninang kanina pa kasi ako naguguluhan." Saad ko.

"Alam ko." Saka sya ngumiti. "Now, I need you to listen. Ako lang muna ang magsasalita and ask your questions later. Or you can ask Sevanne. Whichever you prefer." Sabi nito saka tumayo at nilagay ang dalawang kamay sa pockets nya. Ako nanatiling naka-upo at hinihintay ang sasabihin nya.

"So, first thing or should I say question that comes out in your mind is, What is the Sodality? Ano nga ba ang Sodality? Well, ang Sodality ay isang organization.." sabi nya saka may hinand gesture sa harapan ko at parang may projector sa hangin na nasusulat ang kung anong hinahand gesture nya! Ang astig lang! "Not a typical organization though. We are different. We have different types of people here. Including me, including Sevanne and including you. Lahat tayo dito sa lugar na to ay kakaiba." Sabi nya. Teka, different? Sa papaanong paraan? "I'll go straight to the point. We have this 'thing' that others don't have. Hindi ko alam kung na-feel mo na ba sya, pero eventually ma-fi-feel mo din." Dagdag nya. Eh, wala naman akong nafifeel na kakaiba e. Well, pambubully? I think that's normal.. to me, I guess.

"We believe that we are normal people, although we are different from them, pero para sa amin ay normal kami. Ngunit, ang mga nakaka-alam sa amin ay tinatawag kaming mutant." Sabi nya. Wait, may nakakaalam sakanila? I mean, sa amin? "And that is the government." Nanlaki naman ang mata ko.

So, is that mean.. "And yes, kami ang mga nasa wanted list nila na every single day pinapalabas at nadadagdagan. Hindi ka pa nga dapat papasok dito kung hindi ka lang napasama sa wanted list kanina. I saw what you did earlier kaya nagbakasakali akong na-feel mo na kung ano yung 'thing' na yon. Nafeel mo ba?" Umiling ako bilang sagot. Pero ano daw? He saw what I did earlier? Pano?

"Explanations aside, we are hunted by the government. Malalaman mo rin as the time goes by kung bakit at ano ang history ng school na to. In the mean time, eto muna ang sasabihin ko." Umupo sya sa swivel chair at biglang nawala ang prinoproject nya kanina. "I know what you are. I'll give you a day or three para ma-figure out mo kung ano ka. And sa pagpili mo naman sa grupo, just go here and I'll guide you with your decision. I need you to be honest at piliin ang kung ano sa tingin mong nababagay ka." Seryoso ang tono nya saka sya ngumiti. "Now, any questions?" Tumango ako.

"PG, first po. Hindi ko po maintindihan kung anong dapat kong 'mafeel' na sinasabi nyo." Sabi ko. Totoo naman e. As in sobrang wala akong naiintindihan simula pa kanina!

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon