Soyokaze 16:

45 5 1
                                    

"Huy!" Napakurap ako nang mag-snap sa harap ko ang nakahigang si Leone. Napaayos ako ng upo at humarap sakanya. "Ano bang problema mo? Parang ikaw yung naparusahan ha! Hahahaha!"

Napailing ako, "w-wala. Kamusta kana?" Pagbabago ko ng usapan. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko yung sinabi ni Irwin. Levi is dangerous. Paano?

"Okay na. Isang oras na akong nakahilata dito, isang oras ka na ding nakatulala jan. Ano ba talaga?" Pagbabalik nya sakin ng topic. Sumandal sya sa headboard ng kama nya.

"W-wala nga. Hindi ka pa daw ba makakabalik ng dorm?" Tanong ko.

"Siguro mamaya. Nako ayaw sagutin tanong ko! Hahaha. Anyways, ano na nga palang nangyari sa training? Si.." Tinignan ko sya. Yumuko sya. "..si L-Levi, a-anong sabi?"

"Hindi pa kami nag-uusap." Sagot ko. May problema ba? Bakit sya nauutal? Di naman sya ganyan magsalita eh?

"Ahh." Sagot nya. Awkward silence..

Napapitlag nalang ako nang biglang nag-beep ng limang beses ang Transponder ko at nakitang si Celestine ito. Limang beses? Diba tatlo lang? Bakit lima?

Nag-excuse lang ako kay Leone sandali at tumayo't tumalikod sakanya saka ko pinindot ang Transponder.

"HOOOOY!!" Halos mapalundag ako sa narinig ko. "HEATHER!" Sigaw nya uli. Napahawak naman ako sa kanang tenga ko kung nasaan ang Transponder. Ang ingay talaga nito.

Tawag pala ang 5 beeps.

"Pano mo nalaman pano tumawag?"

"Tinanong ko kay Sevanne! Hahahaha!" Sagot naman nya.

"Ayie ha, eh bakit ka tumawag?" Pangaasar ko pero sa totoo lang kinikilig ako. Hahaha.

"Hoy, loka loka! Tapos na kasi kaming kausapin ng palaging beastmode na Irwin na yun. Nandito na ako sa dorm and we need to talk!" She said excitedly. Nagtaka naman ako.

"Are we not yet talking?" Tanong kong nagtataka talaga.

"Hays ikaw talaga! Mapapasapo ako ng noo sayo eh, I mean, personal hindi sa Transponder lang." She answered.

"Is that really important? Kasi nandito ako sa Infirma--"

"Yup. So see you in 10-20 minutes okay? Luto muna ako. Byeee!" She said and hanged up. Hala hindi ko pa nasasabi na nasa Infirmary si Leone kasi naparusahan sya. She said na importante yun. Tsk.

Bumalik ako sa upuan ko kanina. "Leone, I'm sorry but I need to go to our dorm na. May sasabihin daw na importante si Celestine eh. Mauna na ako ha?" I said. He smiled at me at tumango.

"Sure, go ahead! Thanks din sa pag-a-accompany sakin ha? Thank you!" He said. Ngumiti ako sakanya at tumayo. Malapit na ako sa pintuan nang tinawag nya uli ako. Lumingon ako sakanya.

"Anong araw nga pala ngayon?" He asked.

Nagtaka naman ako pero sinagot ko pa rin. "Uhm.. August 7." Sagot ko. "Bakit?" Dugtong pang tanong ko.

Nanlaki naman ang mata nya. "Oh shoot!" He said at napahampas sa noo nya.

"Bakit?" Tanong kong uli sakanya.

"Wait, baka yun yung sasabihin ni Celestine sayo. You better get going! Haha. I don't wanna spoil her excitement na sabihin sayo yun! Gooooo!" He said. Nag-smile ako at tumakbo na paalis ng Infirmary ng Conference Building.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon