Soyokaze 5:

107 7 0
                                    

Nag-ayos na kami saka lumabas ng dorm. "Tara?" Aya ni Sevanne sa amin saka nagsimula nang maglakad. Nagsimula na din namin syang sundan ni Celestine.

Mahaba ang passageway na dinadaanan namin. Napatingin nalang ako nang magsalita sya, "ah, by the way girls.. eto ang girls dormitory. Actually bawal pumasok ang guys sa girls' dorm. Vice-versa. Pero this is a special case, kasi nagkataon na lalaki ang sumundo sa babae." Ngumiti sya kaya ngumiti din ako pabalik. Siguro ay nasa dulo kami. Sa haba ng passageway na to.

Nang makalabas ay may fountain uli sa gitna at madami ng estudyante. Siguro ay break nila.

"Ayun, doon naman ang dorm namin." sabay turo nya sa katapat na building ng pinaglabasan namin.

"Eh, saan naman tayo pupunta? Sabi mo mag-sho-shopping tayo?" Tanong ni Celestine.

"Yup, shop ng goods diba?" Tanong na pabalik ni Sevanne. Tumango naman sya bilang sagot. Shop ng goods? What does he mean?

"M-may iba't ibang shops ba?" Tanong ko pero ngumiti lang sya saka simula nang maglakad. Nagkibit balikat nalang kami ni Celestine at sumunod sakanya. Ang dami namang building!

Ang daming likuan!

Matapos ang ilang liko ay huminto sya, kaya huminto na din kami. Binasa ko ang pangalan na nandoon, 'Goodies shop' ang nakalagay. Pumasok na kami sa loob at puro damit, at sapatos ang mga nandoon.

Halos naman magningning at magkaroon ng mga stars ang mata ni Celestine sa nakikita. Hmm? Mahilig siguro to magshopping? Fashionista siguro sya? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Kanina ko pa sya kasama pero ngayon ko lang napansin na maganda pala ang porma nya!

Naka-3/4 syang polo na tinupi ang dulo at naka-pants na ripped jeans. Tinernuhan nya pa ng boots na hanggang tuhod atsaka nagbun. Sobrang ganda nya lalo na sa suot nya!

"Okay, so since this is your first day, sagot ko na muna lahat ng bibilhin nyo. Since wala pa kayong points." napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Points?"

"Yep, points are everything. Lahat dito points ang kailangan. Kumbaga sa labas ng school na to, ang points ay parang pera. And ang points ang magsasabi ng rankings nyo, which is wag nyo munang itanong. Malalaman nyo din yan." sagot nya. Nacurious naman ako bigla. Anong rankings?

"Eh, paano naman kami makakakuha ng points?" Tanong ni Celestine. "Mamaya na. Mag-shop na muna kayo." Sabi nya. Ginawa naman namin.

Kung anu-ano ang kinuha ni Celestine at kitang kita ko ang pagkaexcite at kasiyahan sa mata nya. Confirmed, she's a shopaholic! Hindi na ako nanguha ng akin, since meron naman ako sa bag ko. Sinasamahan ko lang sya.

"Uy, tignan mo to! Bagay sayo to!" Sabi nya na may hawak na isang black dress. "H-hala! Ano ka ba. Hindi ako naggaganyan." Sabi ko habang naghahandgesture pa na ayaw ko.

"Nako ka, i-try mo na. Kahit ito lang. dali naaa!" Pilit nya. "Ayoko tal-talaga! Sayo nalang."

"Nako, kahit anong sabihin mo, isasama ko to at isusuot mo. Ang ganda mo kaya!" Sabi nya saka nilagay sa isang basket na hawak nya.

Ano daw? Ang ganda? Nino? Ako?

Hindi ko alam anong irereact ko sa sinabi nya. Di ko alam kung joke ba yan o ano. Yun ang unang beses na sabihan akong maganda. Hindi ko na namamalayan na napangiti na ako sa sinabi nya. "Ayan, mas lalo kang maganda pag nakangiti. Hahaha." sabi nya saka naglakad na uli. Hinawakan ko ang bibig ko. Mas maganda ako pag nakangiti?

MATAPOS mag-shop ni Celestine ay halos manlumo si Sevanne sa binayaran nya.

"Hahahaha! Sorry, sabi mo kasi libre eh. Hahahahahah!" Sabi ni Celestine. Napahawak naman ako sa bibig ko kasi natatawa din ako. Si Sevanne naman kasi paramg inagawan ng kendi. Nakapout pa e. Hahahaha.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon