Soyokaze 2:

131 5 8
                                    

Pagkatapos kong pumunta sa Sodality Academy, ay naisipan kong mag-shop para sa pagkain ko ng pang-isang linggo.

Binigyan kami ng bonus kahapon sa resto, kaya ko naisipang mamili at mag-grocery.

Pumunta na ako sa Pureblue, kung saan ang pinakamalapit na grocery store sa apartment na tinutuluyan ko.

At syempre, as usual, pinagtitinginan nanaman nila ako. Hindi ko nalang pinansin at pumunta na sa stall ng cup noodles. Nanguha ako ng lima. Nanguha na din ako ng blackening shampoo, mga sabon, canned goods pati na mga tissues. Nang matapos ay binayaran ko na sa cashier.

Lumabas ako sa Pureblue at naglakad pabalik sa apartment na tinutuluyan ko. Habang naglalakad ay napahinto ako dahil may binabalita sa tv, kaya tumayo muna ako pansamantala doon sa bilihan ng tv na yon.

"NEWSFLASH: Tatlong babaeng estudyante, nawawala! Base sa mga nakakakilala sa mga ito, nagsimula daw silang kumilos ng kakaiba. Sabi ng ina ng isa sa mga ito, nagkulong daw ang kanyang anak at tila depressed. Hindi malaman kung bakit dahil hindi man ito nagsasalita. Ayon sa mga pulisya, maaaring ang mga wanted ngayon ang nanguha sakanila. Ang mga babaeng ito ay sila: Rachel Sandiego. Laur Paige at Celestine Baes. Kung nakita nyo sila ay agad na magbigay alam sa nauuk..."

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ng babae sa news at nagsimula nang maglakad. Lagi nalang nila sinisisi ang mga wanted na yan. Hanggang ngayon, hindi pa nahahanap. Saka alam ko na din naman na sa huli ng balita, lalabas ang wanted list kasama ang mga litrato nilang mga walang mukha kundi puro drawing lang. Nagmumukha tuloy na fake lang ang pagsisisi sakanila.

Naglakad na ako pabalik sa apartment ko. Ang lakas ng hangin. tumataas pa ang paldang suot ko kaya nagmadali na ako. Paakyat na sana ako nang makarinig ako ng sigaw. Agad kong binitawan ang hawak kong supot at tumakbo sa kung saan ko naririnig ang pigil na hiyaw. Nagtago muna ako saka sumilip sa isang maliit na butas at nakita ko ang isang lalaking tinatakpan ang bibig ng isang ale at kinukuha ang bag nito.

Agad akong lumabas sa pinagsisilipan ko para tulungan ang ale nang mapansin ako ng lalaki. "SINO KA?!" Sigaw ng lalaki.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinulak ko kaagad ang lalaki palayo sa ale kaso nagulat ako nang maglabas sya ng patalim.

"Anak, t-tulungan mo ako." sabi sa akin ng ale. Naaawa ako sakanya. Nakita kong may pasa sya sa may mata, at nagrudugo ang labi nya. Agad na sumugod sa akin ang lalaki at gigil na gigil na saksakin ako. Sinipa ko ang kamay nya kaya nabitawan nya ang hawak nyang kutsilyo.

Agad kong kinuha ang kutsilyo at bago nya pa ako maunahan ay sinaksak ko na sya sa braso. "AH!! T*&/:-#!!" Sigaw nya saka hinawakan ang kutsilyong naiwang nakabaon sa braso nya.

Tinayo ko ang ale at tumakbo kami. "S-salamat apo. A-ang bag ko?" Tanong nya saakin.

"eto po," sagot ko.

"Salamat, nandito kasi ang litrato ng ka-isa-isang apo ko. N-na pumanaw na. Sya na-nalang kasama ko sa buhay, nawala pa." Ngumiti sya ng pilit. Gusto kong umiyak, naaawa ako sakanya. Pero hindi ito ang oras para umiyak dahil hinahabol pa rin kami ng lalaki. Marahil dahil sa natanggal ang mask nya at nakita namin ang mukha nya.

Mabagal ang takbo namin dahil na din sa katandaan ni lola. naabutan kami ng lalaki at nagulat ako nang..







Masaksak nya si lola sa likod. Napahiyaw ang matanda sa sakit at agad na nawalan nang malay. Nang masaksak ng lalaki ay tumakbo na ito palayo. Napaluhod ako at tuluyan nang naiyak sa nangyari. Kung hindi siguro ako nangialam ay baka buhay pa sya. Naiinis ako sa sarili ko!

Kinuha ko ang kutsilyong nakasaksak sa likod ng ale at binato ko sa tabi ko. Naiinis ako!

Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa likod ko. Napalingon ako. Kasabay naman non ang pagtakbo nya kaya hindi ako nakapagpaliwanag.

Tumingin ako sa damit ko at nakitang puro dugo ito, naiyak uli ako sa nakita ko.

A-anong ginawa ko? Dahil sakin, namatay sya. Diba..? Tumakbo ako papasok sa apartment ko at dumiretso sa cr saka nagsimulang magsuka.


Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.


Puro dugo ang damit ko at pati ang kulay puti kong buhok ay pula na din.



Agad akong nagshower at nagbabad ng sandali. Pagkatapos ay lumabas ako ng cr at binuksan ang tv. Nakalimutan ko nga pala yung plastic sa baba. Lalapit na sana ako sa pintuan nang biglang lumabas sa tv ang newsflash.

At..





Nakita ko ang mukha ko..


















Sa wanted list.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon