Soyokaze 8:

89 6 0
                                    

Napatingin ako sa pintuan na mga bato, kung saan kami pumasok kanina dahil may pumalakpak ng tatlong beses.

Nakita kong ito si PG. "Good for your first duel, Ms. Baes and Ms. Andreu." Nakangiti nyang sabi. Tumayo ako at umayos ng pagkakatayo. Anong good dun? E ni hindi ko nga sya nahawakan para mag-counter?

"And, nalaman mo na din kung anong type ka, Ms. Andreu." Ano bang type ang sinasabi nya? Ni hindi ko nga alam e. Saka ano ba yung Soyokaze? "But you need to train that power of yours, first. Same as you, Ms. Baes." Naglakad sya papalapit sa gitna namin ni Celestine habang si Levi naman ay nanatiling nakatayo doon sa pwesto nya kanina.

"Power can be both helpful and destructive. Ang magkaroon ng ganito ay hindi basta basta. Each student here's training for his/her power to be helpful. So, ganoon din ang gagawin nyo." He said saka tumalikod sa amin. "Mr. Soriano, ikaw na muna ang bahala sakanila. Mr. Stye can't guide them, at may pinagawa ako." Sabi nya saka sya umalis. Bumulong pa sya pero hindi ko na narinig. Wait, is he serious?!

Iiwan nya kami ni Celestine sa lalaking to?!

"PG!" Hindi ko alam pero bigla nalang akong nagsalita. Nagulat din ako sa ginawa ko pero humarap pa rin sya. "Yes?"

"A-ah, eh. Ano po ba ang type ko?" Binigyan naman nya ako ng 'what-look' saka sumagot. "Hindi mo pa ba alam? Or Mr. Soriano didn't tell you?" Pasagot nyang tanong.

"Hindi po malinaw," sagot ni Celestine. "Saka I bet na hindi nya din sasabihin sa amin kung ano man yon. He just said 'Ms. Soyokaze' kanina." Ngumiti si PG.

"Bukas na ang introduction nyo for your group. Aren't you excited?" Nagtaka naman ako sa tanong nyang walang konek. "Be ready ha. I want you both to know yourself better than anyone else, kasi katawan nyo yan. You should be honest sa grupong pipiliin nyo. Piliin nyo kung ano sa tingin nyong nababagay kayo, hindi lang dahil sa nandoon ang kung sinumang malapit sainyo." And with that, umalis na talaga sya ng tuluyan. Napatingin nalang ako sa likod nyang papalayo sa amin.

Eh, anong mangyayari sa akin? I don't know my group and type! Hindi ko malalaman kung saan ako nababagay kung hindi ko naman alam kung saan ako nag-e-excel.

Lumapit sa akin si Celestine, "huy, ano na? Hanggang ngayon di natin alam yang type mo. Bukas na tayo magdedecide ng forever nating grupo." She said worrying kahit na alam kong joke yung 'forever' part. I know, Celestine. I know. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.

I want to know what Soyokaze is. Kasi yun ang sinabi sa akin ni Levi kanina, and I think may alam doon si PG.

Lumingon ako kung nasaan si Levi. He is just staring at me with his famous facial expression-- pokerface. Yes, he is staring at me. I don't know, but I feel like he can see my very soul sa mga titig na binabato nya. Umiwas ako ng tingin, sya namang lakad nya papunta sa pintuan. Nilagpasan nya ako.

Teka, diba sasamahan nya kami ngayon?

"Hey! Diba you'll guide us?! Sabi ni PG!" Sigaw ni Celestine nang mapansin din nyang palayo na si Levi. But, instead of stopping.. he just continued to walk like Celestine didn't try to stop him at all. "Tsk! Puro nalang jerk ang nandito!" She frowned. Tama nga sya. Nakakainis ang mga lalaki dito.

Umalis kami sa barracks saka dumiretso sa dorm. Napagod daw kasi sya. Hindi naman ako napagod kasi konting konti lang ang nagawa ko sa sobrang bilis ng nangyari. Agad na humilata si Celestine. Ako naman, umupo lang sa may living room saka tinignan ang mga kamay ko.

I just really need to know what my type is! I'm desperate to know what my type is. Lalo na ngayon na maghahapon na, at kinabukasan pipili na ako.

Tinignan ko si Celestine. She is already sleeping. Kinuha ko sa table na nasa living room ang nakarolyong papel. Ang mapa ng school.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon