Soyokaze 6:

101 6 1
                                    

Kinabukasan, nag-ayos kami ng maaga ni Celestine. Gusto kasi naming malaman kung anong type ako. Actually, mas excited sya kesa sa akin.

May nakuha kaming envelope sa may pintuan kanina at nakitang galing kay Sevanne yun. Nang mabuksan, nakita naming isa itong mapa ng school. Nagulat pa nga ako kasi pagkabukas na pagkabukas e, hologram ang lumabas. Sobrang laki nga e. Yun nalang ang ginamit namin nung lumabas kami ng dorm.

"Uy teh, saan ba tayo pupunta? Gusto ko nang malaman kung anong type ka!" Excited na sabi ni Celestine na nakahawak sa braso ko. Kalalabas lang namin sa dormitory hall at ngayon nakatingin sa mapa na hologram na hawak ko.

"H-hindi ko alam e," sagot ko.

"Hays, I'll call Sevanne." Sabi nya kaya agad ko syang pinigilan. Kasi syempre diba? May klase yung tao. "No, it's okay. Sabi nya naman kasi kahapon, call him when we need him," sabi nya uli kaya pinabayaan ko na sya.

Naka-connect na ata sya kay Sevanne kasi nag-usap na sila.

Ako naman napatingin sa paligid. Nandito kami sa fountain na pabilog na makikita mo paglabas ng dormitory ng babae at lalaki. Sa kanan ng dormitory ng babae, ang main building naman kung saan ang parang bahay ni PG at office nya. Sa kanan noon, and dormitory ng mga lalaki at sa kanan ng dormitory ng mga lalaki ay ang isang building na sobrang laki na hindi ko pa alam kung ano. Kumbaga magkatapat ang dorms ng girls and boys. Ang ibang buildings naman, dadaan ka sa gilid na daan ng mga ito. Kumbaga ang center ay ang fountain at first base ang mga ito. Second base naman ang mga pamilihan at kung anu ano pa.

Natapos na silang mag-usap kaya hinigit ako ni Celestine, "doon daw tayo sa Dojo. Saka hanapin si Miss Raro."

Dojo?

"Dojo? Diba yun yung sa tuturuan ka ng taekwando o ano?" Tumango sya. "Eh yun kasi sabi ni Sevanne. Hanapin nga natin ang dojo." sabi nya saka kinuha sa kamay ko ang nakarolyong papel saka nya binuksan at lumabas nang muli ang hologram map.

"Ay," napahimalos sya sa mukha nya. "eh, ayan lang pala ang dojo e." Saka nya tinuro ang malaking building na nasa kaliwa ng dormitory ng babae.

"Edi tara na. Haha." Aya ko sakanya saka nagsimulang maglakad.

Nakapasok kami sa loob at nagulat ako kasi sobrang tahimik. Sobrang ganda nga lang talaga ng lugar kasi ang bawat rooms parang walang wall kundi puro glass. Ang tanging wall lang e yung nasa sides nila, which is yung parang pagitan ng dalawang room. Kulay puti lang lahat pwera sa mahabang pulang carpet na maaapakan mo pagkapasok mo dito at ang magagandang chandelier na bawat ata tatlong metro ay meron. Pero, diba this is supposed to be a dojo? Edi dapat puro sigaw ang naririnig ko. E bakit tahimik? Sobrang laki nito at mahaba. Para syang dorm din namin. Ganon yung passageway.

"San tayo dito papasok?" Tanong ko kay Celestine pero hinatak nya lang ako. Naglakad kami sa passageway habang pinagmamasdan ko ang nadadaanan namin. Sobrang busy ba nila sa pag-eensayo kaya di nila kami nakikitang dumadaan?

"Ayun!" Sabay hinto ni Celestine. Napatingin naman ako sa hinintuan nya. Siguro ay pang-apat na kwarto ito sa kaliwa ng passageway. May nakita akong isang babaeng nakaupo sa desk nyang puti na nasa harap. Nagbabasa ata sya ng libro. May nakita din akong dalawang upuan na puti na nasa harapan nya. "Heather, listen. Sya si Miss Raro. Ewan ko kay Sevanne basta sabi nya pumunta tayo di--." Nasa kalagitnaan sya ng pagsasalita nang biglang nagslide ang maliit na bahagi ng glass wall.

"Come inside, ladies." Sabi ni Miss Raro habang hindi inaalis ang mata sa librong binabasa. Pumasok naman kami ni Celestine at umupo sya agad sa katapat na puting upuan. Uupo na din sana ako nang tumikhim si Miss Raro at nagsalita, "did I tell you to sit?" Napatayo naman agad si Celestine at tumingin sakin.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon