Soyokaze 15:

28 1 0
                                    

Huminga ako nang maluwag. Nandito kami ngayon sa hindi ko alam kung saan. Nakasandal kaming dalawa sa magkatapat na puno.

"T-thank you." I said. Tumingin lang sya sa akin.

"I'm the leader. I should be the first one to protect my comrades." He said at tumingala sya. "You really are such an idiot." Napatingin ako sakanya. Yan nanaman sya sa pagsasabing idiot ako. Pumikit sya.

"You'll get hit by that time, you know that?" Oo. Alam ko. Kasi may nakainkwentro ako kaya it's either ako or sya ang mababaril. "It's a trap. You should know that." Dumilat sya at tumingin sa akin. Napayuko naman ako. Hays. Oo na. Ang laki ko nang tanga. Hindi ko kaagad narealize na trap yun. Sa sobrang takot at gusto kong magkapoints hindi ko pinagana ang utak ko.

Trap yun na madalas kong napapanood sa mga movies. Magkukunwari ang isa na mag-isa lang sya. Pag nagresponse ka sa atake nya tatakbo sya. Susundan mo naman. Pag sinundan mo sya, talo ka na. Kasi may mga nakaabang pala doon and yes, I bit the bait. Ang pinagkaiba nga lang ay nagulat siguro sya sa inakto kong pagtakbo agad papunta sakanya kaya nagpahabol nalang sya.

Hay. Ang tanga ko talaga.

Pumikit din ako at sinandal ang ulo ko sa puno. Sumakit yung dibdib ko dun ah? Napasama ata ang pagtulak nya sakin kanina.

Tinaas ko ang kanang kamay ko habang nakapikit pa rin at hahawakan ko na sana ang dibdib ko nang hatakin ni Levi ang kamay ko at hinatak padapa. Napadilat kaagad ako at tinignan sya. Nakadapa kami at medyo nakataas ang ulo nya. Agad namang may tumamang kung ano sa punong sinasandalan ko kanina. Tinignan ko ito at hindi nga ako nagkakamali, it's an Artificial bullet.

Agad syang lumuhod at sumenyas sa akin na magtago sa puno. Sinunod ko naman. Hinawakan nya ang Artificial Gun nya saka mabilis na ipinagpupuputok ito sa kung saan nanggaling ang Artificial Bullet kanina.

"UGH!!!" Halos mapatayo ako sa sigaw na narinig ko. Sumenyas sya sa akin at tumakbo kami papunta sa pagsigaw.

Hawak hawak ni Kia ang braso nya at halos magpagulong gulong sya doon sa sakit na nararamdaman nya. Hahawakan nya sana ang Artificial Gun nya nang unahan na sya ni Levi. Binaril ni Levi ang hita nya. Nagulat naman ako nang biglang nawawala si Kia, na para lang syang isang hologram. Hinawakan ko ang kamay nya pero hangin lang ang nahawakan ko. Pati ang Artificial Gun nya ay ganoon din.

Tumingin ako kay Levi ng may pagtataka sa mukha. Nakatingin sya sa taas. Tumingin din ako sa taas at nagulat ako sa nakita ko sa hologram scoreboard.

GROUP A: 3pts
Levi: 2
Leone: 0
Dustin: 1
Heather: 0
Mary: -(out)-

GROUP B: 5pts
Irwin: 4
Lara: 1
Rada: 0
Kia: -(out)-
Tristan: 0

Lamang ang kabilang grupo ng 2pts! Ibig sabihin ay nauna silang bumaril. This is bad, may advantage kaagad sila.

Tumakbo si Levi sa kung saan. Sinundan ko naman sya. Hinawakan ko ang baril ko dahil pakiramdam ko ay nandito lang sila sa paligid.

Pero teka, kung may 4pts si Irwin, ibig sabihin, sya ang unang nakashot, at dahil out si Mary, ay sya ang na-shoot ni Irwin. Pero bakit may 1pt si Lara? So ibig sabihin, may nabaril din sya, at nakatakas lang ang nabaril nya? Pero sino? We need to go to him.

Nagulat nalang ako na sa kalagitnaan ng pagtakbo namin ay may biglang sumabog, siguro ay 3kms away from us. Napatingin kami ni Levi doon. Agad naman syang tumakbo papunta doon, at sumunod ako. Wala na akong pakialam sa mga sangang sumusugat sa braso at mga paa ko ngayon. Takbo lang kami ng takbo.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon