Soyokaze 9:

85 7 2
                                    

Nag-thank you na ako kay Dar saka lumabas sa shop. Nagulat pa ako nang makita ko sila Celestine at Sevanne na nagmamadaling papalapit sa shop. Sinundan daw nila ako through tracing-- na type ni Sevanne. Nag-alala daw sila ng husto sa akin kasi gabi na daw. Alas syete na pala ng gabi noon, hindi ko manlang nahalata. Wag ko na daw uulitin yun, kasi nag-alala daw sila.

Lumipas ang gabi at kinaumagahan, heto, nakabihis na ako para sa gaganapin Induction Ceremony. Dito na kami pipili ng grupo. Pinag-suot kami ni PG ng kulay yellow na tshirt. Kailangan daw to para alam ng lahat ang grupo grupo.

Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sakanila na Wind ang type ko. Sasabihin ko nalang siguro pag nasa grupo na.

Nang ready na kami ni Celestine ay lumabas na kami ng dorm. Naglabasan na din lahat ng babae dito sa dormitory building kaya nahirapan pa kaming makalabas.

Agad naman namin nakita si Sevanne sa labas ng building, hinihintay kami. "Tagal nyo ha. Halatang pinaghandaan e. Hahaha." He said. tumawa din kami.

"Actually, stampede kasi doon sa building! Haha!" Biro ni Celestine. "Sus, lulusot pa e. Hahaha. Osya, let's go." He started to walk saka naman kami sumunod sakanya.

Nang malapit na kami sa building ni PG or the Master building, he stopped and he took a deep breath saka humarap samin. "Girls, listen. Ito na magdedecide kung ano ka talaga. I know this'll be hard but I know kaya nyo to. Make up your mind! Hindi pwede ang nagdadalawang isip. Please, please! Piliin nyo ang dapat. Wrong choice can end your life." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Halos lumuwa na nga ito. Kaya pala pinag-iingat kami sa pagpili ng grupo. Nakakatamay pala! Bigla akong kinabahan. Ayoko mamatay! "You'll only be given less than a minute pag nandoon ka na sa stage mismo." Lalo akong kinabahan sa sinabi nya. Nagkatinginan kami ni Celestine saka nya hinawakan ang kamay ko at halatang halata na kinakabahan din sya.

Nagsimula na uling maglakad si Sevanne kaya sumunod uli kami. Pumasok na kami sa loob kasabay ang ilang mga estudyanteng iba't iba ang kulay ng damit. Nang makapasok sa building, may pinasukan pa kaming isang pintuan at halos mapanganga ako sa nakita ko.

Napakalaki nito at para syang conference hall. Well, baka nga conference hall ito. May stage sa gitna at sa harap ay limang row ng seats na elevated. Napansin ko namang iba't iba ang kulay ng damit ng mga ito.

Sa pinakadulo or sa fifth row kung nakatayo ka sa harapan, nandito ang group T. Lahat sila doon naka-itim at sila ang pinaka-maingay. Katabi ng mga ito ang group M o ang bookworms. Mga naka-puti silang lahat. Katabi ng group M and group I, nakablue din silang lahat at same sa group S na katabi nito na naka-orange lahat. At sa pinakaunang row, and group naming newbies. Mga nakayellow naman sila--kami. napansin kong kami ang pinaka-kaunti. Wala pang kalahati ng row ang sakop namin at halatang mga bago lang kami dito.

Natigil ako sa kakatingin sa paligid nang nagsalita si Sevanne. "Sorry. Di tayo pwede magtabi ngayon. Kailangang umupo base sa grupo. So I need to sit in my group. Tatawagin kayo isa isa saka kayo pupunta sa harap at gagawin ang malaritwal na gagawin ang mga nauna sainyo. sasabihin naman yan kung paano." He said. "Sige, mauna na ako." Nagsmile sya sa aming dalawa ni Celestine atsaka umalis.

Dumako ang tingin ko sa mga nakayellow. Lahat sila hindi nag-iimikan. I wonder kung magkakilala sila?

"Natatakot ako," bulong ni Celestine habang papaakyat kami sa stairs na nasa kaliwa ng row namin.

"A-ako din." Bulong ko pabalik. Kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan, nagsisinungaling ako.

Umupo kami sa pinakadulo. Hindi kami nag-uusap ni Celestine dahil na rin siguro sa kabang nararamdaman namin. Tinitignan lang namin ang pagpasok ng iba't ibang uri ng estudyante.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon