Soyokaze 14:

41 2 0
                                    

Umiwas ako ng tingin saka yumuko. Takte. Sya yon! Yung babaeng nakabunggo namin kanina. She's here at groupmate ko sya! A-anong gagawin ko?

Lumakad na paalis si Irwin at sinundan naman sya ng kanyang grupo. Bago pa man maubos ang grupo ng Coup De Main ay sumunod nang tumalikod si Sevanne kasunod ang Defense. Tumingin ako kay Levi. Nakatingin lang sya sa amin without any expressions.

Umayos ako ng pagkakatayo at nilagay ang dalawang magkahawak na kamay ko sa likod ko.

"I see we're good in numbers," sabi nya. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Good in numbers? Eh iilan lang kami dito. "Few is great," he said like he read my thoughts. "In that way, you'll feel the dreadfulness of your training with me." He said and smirked. W..wait. Did h-he just smirked?

"One, two, three..." Nagsimula na syang magbilang kung ilan kami dito. Yumuko ako nang magtama ang paningin naming dalawa, ako pala ang pandulo sa pila. "...eight."

"Say your name out loud." Utos nya. Mahina ang boses nya pero sobrang ma-authority. Na tipong kapag hindi mo sinunod ang sinasabi nya ay malilintikan ka ng sagad. Nararamdaman ko uli ang hindi ko maintindihan kung ano--takot ba o ano--na naramdaman ko noong una kaming magkita. 

"Rada Ruelos!" Pagsigaw ni Rada na water user kaya napatingin ako sakanya. Nagsisimula nang magbanggit simula sa una.

"Leone Jaun!" Sumunod si Leone. Napansin kong hindi nila tinitignan ang nasa likuran nila at nakatayo lang sila ng maayos na nakaharap kay Levi. Buti nalang at sa dulo ako.

"Lara Deflaur!" Sabi noong babaeng nabunggo namin kanina. Lara pala ang pangalan nya. Ano kayang mojo nya?

"Kia Montero!" Sigaw naman noong babaeng may pagkagreen ang baba ng buhok. Teka, sino tong nasa likod nya? Kilala ko to eh.


"Dustin Ashton!" Sigaw nya kaya halos mapaatras ako. D-Dustin? Sya yung nakaalam ng mojo ko. Should I thank him?


"Mary Regalado!" Sigaw naman noong babaeng susunod sakanya sa pila. Sya yung katabi ko noon sa Induction Ceremony!

"Tristan Bury!" Sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Ako na ang susunod.

Huminga ako ng malalim at sumigaw, "Heather Andreu!" Pagsigaw ko. Nagulat nalang ako nang lumingon sa akin ang pangatlo sa pila--yung Lara. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tingin nya. Binalik na nyang muli ang tingin nya kay Levi na nakapikit lang ang nga mata.

"I hope your decision was the right one." He said and opened his eyes. He looked at us.

Naglakad sya mula sa pwesto nya at lumapit isa isa sa amin, "Aegis is serious. It is the toughest job of all," he said at bumalik na sa pwesto nya. "We hold the biggest responsibility. Why, you ask? Because we're the support. We need to run like hell in where the help is needed; in Coup De Main or in Defense." Kapag pala seryoso ang usapan, mahaba sya magsalita pero yung mukha nya. Expressionless pa rin.

"So training in harshly ways is a must. Aegis must always be ready." Tumalikod sya sa amin at napapitlag nalang ako nang, "Ow!" Pagharap nya ay napahiga nalang si Rada sa sahig. Lalapit na sana ako nang tumingin sa amin si Levi. Pagkaharap na pagkaharap nya nakadiretso ang kamay nya--tinampal nya si Rada. Kabaligtaran ng sampal. Gamit nya ang likod ng kanyang palad.

Tumayo si Rada at nagbow, "Sorry." She murmured. Bakit sya ganoon? Nagsusurprise attack sya, eh hindi pa naman talaga kami ready.

"Like I said earlier, Aegis must always be ready. Walang surprise attack na sasabihin mo sa pagaatakihin mo na aatakihin mo sya." Woah. Nagtagalog sya!

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon