Soyokaze 7:

80 7 0
                                    

Lumipas ang araw nang nakatulala lang ako. Paulit ulit na nagfaflashback sa isip ko yung sinabi ni Dustin kanina.

Ako daw ang may gawa ng sugat na yon. I don't get it. Kung power ko yun, edi sana na-feel ko syang lumabas sa akin.

Kanina, nagulat din si Celestine at kinwento na lumabas nga daw ang power ko pero ni sya, hindi nya alam kung ano ito. Ang bilis daw kasi ng pangyayari dahil pagkapaupo nya ay nakaupo na din si Dustin.

Tumingin ako sa side table ko at nakitang 1:04 am na. Pumikit nalang ako. Hindi kasi ako makatulog. Samantalang si Celestine ay humihilik na. Grabe tong babaeng to e, magkikikilos parang hindi babae. Still pretty tho. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"GISSSSIIIIIIIIIIINGGG!!!!" Napabalikwas ako ng bangon nang sumigaw si Celestine sa may tenga ko. Bigla naman syang tumawa na halos mapaupo pa.

"H-ha, akala ko kung ano." sambit ko nang nakahawak pa sa dibdib. Loka to. Kinabahan ako. Akala ko may sunog na.

"Hahahahahah!" Sa wakas ay nakabawi na sya kaya tumayo na uli sya. "Anyways, the breakfast is already ready. Kain na tayo. Sevanne called us earlier. Kinwento ko ang nangyari, sabi nya bakit daw tayo nakagamit ng powers sa loob ng dojo, e bawal daw yun. Siguro daw e, nakalimutang patayin ni Miss Raro yung switch kaya naka-deactivate yung concealer." Paliwanag nya. Napatango naman ako saka tumayo na.

"Oh, and Sevanne also apologized kasi di nya tayo na-guide. Bawi daw sya later."

Nagbreakfast na kami at nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na kami ng dormitory ng girls. Today is the last day. bukas we need to decide which group are we going to. And with that time, I need to figure out kung anong type ako.

Papunta sana kaming Coffee Bean nang biglang tumunog ng tatlong beat ang transponder ko. Akala ko kung ano kaya sinabi ko ka agad kay Celestine. Akala ko nasira na. Sabi ni Celestine ay tawag daw ito, kaya sinagot ko. Ang weird nga kasi biglang parang may hologram sa kanang mata ko kung saan bahagi ng tenga ko ang transponder. Nakita kong number lang ito. Ibig sabihin ay hindi pa nakasave and TN nito sa akin.

"Hello, Heather." Bati nya sa akin. Agad ko namang nakilala ang boses.

"PG?" tanong ko. naninigurado lang.

"Yes, hija." sagot nya sa akin. "Would you come here in my office?"

"Yes sir." agad ko namang sinagot at niyaya ko na si Celestine.

Nandito na kami sa main entrance ng building. Ilang hakbang nalang at malapit na kami sa may pintuan. Biglang humangin. Napatingin ako kung saan nanggaling ang hangin at bigla akong kinabahan. Teka, pano magkakahangin dito e nandito na kami sa loob?

"Heather, tara na." Aya sa akin ni Celestine. Tumango nalang ako pero kinakabahan talaga ako.

Dahan dahang binuksan ni Celestine ang pintuan at pumasok na kami. Nakita ko naman agad ang nakangiting mukha ni PG.

Hanggang ngayon e, hindi pa rin ako naniniwala na 208 years old na sya. Paano ba naman, mukha lang syang 18. Pati ang pangangatawan nya. Ang gwapo nya nga e.

"G-good morning sir." Agad na bati ko sakanya saka nag-bow. Ganoon din ang ginawa ni Celestine. Saka ko lang napansin na may paa sa tabi ko. Hindi ito paa ni Celestine. Pang lalaking paa ito.

"Hmm, balita ko you already found out your type? Bukas na yung pagpili mo ng group ah? Have you made up your mind?" Sunud-sunod na tanong ni PG. Kaya dumako nanaman sakanya ang atensyon ko.

"Ah, sir. The problem is, we don't know her power yet. Masyado pong mabilis ang nangyari kahapon." Paliwanag ni Celestine. Ngumiti naman lalo si PG at in-intertwined ang kamay nya sa may bibig nya.

The Last SoyokazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon