"Friend ano tatanga ka pa ba dyan? Aba't malelate na tayo. Konting bilis." Pero parang napako yung paa ko sa sahig.
Nakita ko na naman sya...
Minsan lang kasi kami magkakasalubong e. Bakit ba kasi ngayon pang test namin sa prelims. Pwede namang ordinaryong araw na lang para kahit di na ako pumasok sa subject ko gagawin ko. Nakakainis.
Gusto ko pa sanang tignan yung mga matang kaya kong titigan dati. Marinig yung boses nya kahit sandali lang. Makita yung mga ngiti nya na palagi kong nasasaksihan. Maamoy yung pabango nya na mild lang yung amoy at hindi masakit sa ilong.
Heto na naman ako...
Nagpapaka trapped sa nakaraang imposible nang maulit muli.
"Oh. Ito na wait lang. Pwede wag mo naman akong kaladkarin? Masakit kaya." Syete nakakaloka talaga tong GFF ko (Girl Friend Forever) parang wala akong paa kung makahila sa akin.
Nakakaurat talaga. Pero at least nakita ko ang inspirasyon ko. Masasabi ko bang inspirasyon ko sya kung sya yung dahilan sa pag iyak ko gabi gabi? Pero kahit na. Gusto ko pa rin syang makita kahit sandali lang.
God 1 minute lang....
kahit isang minuto lang solve na ako.
Pero hinaltak talaga ako ni Lanie e. Di nya talaga ako maintindihan. Haaay. Kung sya kaya nasa kalagayan ko.
"Be alam kong masakit. Alam kong mahirap pero ano ba ang dapat mong gawin? Kailangan nating umalis na. Syempre kailangan nating magtest kesa makipag usap ka sa taong yun. May next time pa."
Next time? Baka wala nang next time. Nakakainis. Ito naman si Lanie. Ayoko na ngang pag usapan yun e. Binabalik pa yung kanina e. Nakakainis. Napaka daya talaga ng tadhana.
"Oo na. Pasalamat ka at nakita ko sya. Nagrefresh ang utak ko at may napa kopya ako sayo. Pero sayang talaga yung kanina no? Sana magkita pa ulit kami. Laki kasi ng University na to e. Tapos di ko pa alam schedule nya. Tss." Nanahimik sya. Alam na nya kung san mapupunta yung topic e.
. . .
Fvck. Napakadami kong tanong. Napakarami kong gustong malaman. Mga bagay na matagal ko na dapat nalaman. Mga sagot na gusto kong sa kanya mismo magmumula. Pero madaya ang tadhana e. Kung kelan malalaman ko na saka pa naudlot. Haaay. Buhay nga naman.
Nag krus ulit ang landas namin pero di ko sya malapitan. Naduwag ako. Alam kong nasaktan ko rin sya. Alam kong kahit di sya nagsasalita e marami syang gustong iparating sa akin. Wala akong magawa kasi natatakot ako. Natatakot akong baka di totoo ang mga ineexpect ko. Alam kong minahal nya ako. Pero mukhang di nya alam na ang pag ibig pinaglalaban at hindi pinapakawalan.
Napabuntong hininga ako.
Ramdam na rin siguro ni Lanie ang higpit ng hawak ko sa braso nya. Na sesense na nyang kinakabahan ako.
Ilang dipa lang ang layo namin sa kanya. Nakatingin sya sa amin.
Ayan na...
Palapit na sya ng palapit...
Nakatanga lang ako habang pakonti ng pakonti ang layo namin.
Pero tanging hi at hello lang ang narinig ko.
Hanggang sa makalagpas na sya. Nanlambot ang mga tuhod ko at alam kong maya maya tutulo na ang mga traydor kong luha.
Wala na naman akong nagawa kung hindi sundan sya ng tingin. Napakaraming chances dati at hinayaan kong dumaan lang pero ngayon mukha akong tanga na halos mag makaawa sa Diyos na sana mag krus ulit ang landas namin kahit once lang.
Pinagmasdan ko lang syang maglakad palayo. Hanggang sa hindi na sya maabot ng tingin ko.
Ito na lang ba ang kaya kong gawin? Yung hayaan na lang syang mawala nang wala akong ginagawa?
Ano na namang nararamdaman ko? Kahit di kami nag usap ramdam ko yung mga salitang gustong iparating sa isa't isa. Salitang gustong mamutawi sa mga labi ko. Anu ba to. Bakit ba kasi nasasaktan ako ng ganto e. Sana ganun lang kadali kalimutan ang lahat. Para di na ako nahihirapan.
Bigla akong napahinto at humawak ng madiin sa railings. Wala na. Siguro nga mas maganda nang wag nang balikan ang nakaraan. Wala nang saysay. Mukha rin kasing di na sya interesado pa e. Nagsasayang lang ako ng panahon ko.
Napatingin sa akin si Lanie. Di sya nagsalita. Alam nyang anytime pwede akong mag hysterical at mapahiya sa maraming tao.
Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng makita ko ang mga mata nya. Kahit isang sulyap lang nakita ko yung pain and regrets. Pero bakit ganito? Bakit nya hinayaang parehas kaming nasasaktan. Kung di sya naduwag, sana sya ang taong kasama ko ngayon. Fred naman. Sana di ka nalang nagsimula. Sana naman may courage kang sabihin lahat. Kasi di ako magaling manghula e. Alam mo yun?
"Tumigil ka na. Andyan na ang Boyfriend mo. Baka mahalata ka nya." Natauhan ako at ngumiti. Oo nga pala may bf ako ngayon. Nakakaloka. Sana di ko kailangang masaktan at makapanakit ng tao. Nagmukha tuloy rebound si Mark. Pero mahal ko to ah. Kasi he gave me everything and he's willing to serve me as long as he can.
Nilapitan ako ni Mark at hinalikan sa pisngi. Tapos binuhat nya ang mga dala kong libro.
Hanggang ngayon si Fred pa rin ang nasa isip ko. Erase. Erase. Di to pwede. Past is past. There is no turning back. Pero I still want to stay at the past with HIM. Yung masaya kaming nagtatawanan. Nag aasaran at may kilig factor. May spark pero walang commitment. Kaso the guy I want to be with doesn't deserves to have someone like me. Because he can't keep me and fight for me.
================================
Pasensya na sa kwento. Nadadala lang po sa emotion.
pafollow naman po si tweeter.
@AubreyLoveMama
SALAMAT MGA MINAMAHAL NA MAMBABASA.
BINABASA MO ANG
Pure Regrets
Teen FictionYou will never forget how you loved a person once. Because Love teaches us to make great memories. Memories that are to be told, shared and to be proud of. Those moments you have shared with them will always be a part of you.