-5-
Dumaaan ang mga araw at nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. Di ko inasahang isa pala dun ang taong unang babasag ng puso ko.
Sya si Ryan dela Torre. Masasabing gwapo sya. Oo, gwapo talaga sya. Nung una di ko talaga sya gustong maging kaibigan. Kasi mukang playboy e. Pero mapaglaro talaga ang tadhana e. Naging bestfriend ko pa sya.
Ito ang kwento namin:
July nun at medyo marami na rin ang mga nangyayari sa school year na ito. Pumasok si Ryan sa room at may inabot na sulat
"Oh! Kaw nalang magbasa. Nakakaurat na e."
Pagkatingin ko sa binigay nya, Tae! Love letter na naman? At mula kay Chelsea. Again and again. Letche tong babaeng to. Napakacheap.
"Anung gagawin ko dito? Mabubusog ba ako dito?" Sabay grin sa kanya.
"Bahala ka. Tapon mo nalang babes."
Sabay pacute sakin. Letche ka talaga Ryan wag mo akong tawagin ng ganyan. Konti nalang talaga mamahalin na kita. Tss. Kung tinatanong nyo kung bakit ganto ang nasa isip ko, aaminin ko na. Nahuhulog na ata ako sa kanya. Yan na nga ba ang sinasabi ko e.
Nagdaan ang mga araw at nabalitaan ko nalang na gusto akong pabanatan ni Chelsea. Gago yun ah. Anu bang ginawa ko? Teka nga. Matanong nga kay kumag.
"RYAN! Anung pauso ng babae mo?"
"Tang ina nun e. Papabanatan ka daw. Nako subukan nya lang pagpapantayin ko ang mga ngipin nya. Hahaha"
Syet nakuha pa magbiro. Hello! Ayokong mabugbog dre. Inantay kong tumagas ng dugo sa tagiliran ko habang naglalakad sa labas ng school pero di naman natuloy. Buti naman. Haha.
Bigla nalang namatay ang issue kay Chelsea. Pero kumalat naman sa campus na kami na ni Ryan. Syet. Wala na bang katapusan ito?
Then one day, napadaan ako sa kumpulan ng mga babae bago pumasok. At may narinig akong nagpasama ng timpla ko.
"Oy di ba yan yung sabi nilang gf ni Ryan?" Girl 1
"Oh? Di nga? Si Joy de Guzman yan ah. Pero bakit sya?" Girl 2.
E anu naman kung totoo nga? Peste tong mga to ah.
"Di sila bagay te. E ang ganda nga ng ex ni Ryan e. Tapos biglang ganyan?" Girl 1
Bigla akong humarap sa kanila tapos tumingin ng masama. Tapos bigla silang nag hiwahiwalay.
Hayop na mga yan! Nasira tuloy ang araw ko. Tae talaga. >.<
Dumating ako sa room na nakasimangot. Napansin ata ito ni Fred. Sya yung taong sinasabi kong palaging nakatitig sa akin. Pero di pa rin nya ako nilapitan. Basta tinignan lang ako. Ewan ko ba dun. Introvert masyado.
Nilapitan ako ni Dane. Pinakaclose ko syang kaibigan.
" Problema mo?" Pang iintriga nya.
"Wala ka na dun." Tapos sumimangot ako.
"Sungit mo talaga e no. O ayan na pala yung makakawala ng inis mo e. Tss."
Tapos umalis na sya. Nasungitan ko tuloy.
Dumating na si Ryan. Tapos biglang tumabi sakin. Akmang ididikit yung mukha ko sa mukha nya. Lumayo naman ako agad.
"Babes, problema mo?"
"Haha. Layuan mo ako Ryan. Baka matsismis tayo."
"E ano? Edi totohanin natin."
"Baliw! Gago ka ba? Muntanga ka e no. Friends lang. Walang talo talo."
Kahit gustong gusto ko yung mga sinabi nya, pinilit kong maging tapat na kaibigan kasi mas magtatagal kami dun e. Tsaka palabiro syang tao. Malay ko ba kung funtime lang sa kanya lahat ng ito.
Napapansin ng buong klase at mga teachers namin yung closeness namin. Kaya napagkakamalan kaming dalawa e. Nakasanayan nya nang umupo sa tabi ko tuwing klase kahit di sya dun nakaupo talaga. At sa twing alam nyang nakikinig ako sa lesson, dinidistract nya ako. Ayan nang hawakan yung kamay ko at paghahaplos haplusin, pagkatapos nun ilalapit nya yung mukha nya sa akin na parang magkakahalikan na kami. Haay! Napakahirap ng mga nangyayari sakin. Pinipigilan kong wag mahulog pero di ko magawa kasi ayaw akong layuan ng tukso.
Klase namin sa Technology and Livelihood Education:
"Ok class, kelangan nyong magprepare ng tela para sa gagawin nating mga outputs this grading. Damihan nyo na ha? You are aware na ang project natin ay pantulog di ba?"
"Opo maam." Sagot naming lahat.
"Ok then I am expecting that by next week may tela na kayo ha?"
Pagkauwi ko sinabihan ko agad si Mama para di magahol sa time. Mahirap na e.
Fast forward
TLE na ulit namin. At yung tela ko na gagamitin e pang kurtina yung style. Tae mapagtatawan lang ako nito. Di ko na nga lang nilabas e.
Napansin ni Ryan na wala akong dala. Nilapitan nya ako at nilambing.
"Joy! Wala kang tela?"
"Wala e. Tss."
"Kawawa ka naman pala. Hmp gusto mo hati tayo?"
"Talaga.? E baka mashort ka. Wag nalang. Maiintindihan naman ako ni Mam e."
Kaya ko nasabi yun, kasi ako ang masasabing pinakamahusay manahi sa room. Ako rin kasi ang top 1 e. (Di po ako nagyayabang)
" Anu ka ba! Ang laki kaya ng binili ni Mama." Tapos nilatag nya sa sahig.
Oo nga naman. May kalakihan nga yung tela. At yung print, pangtulog talaga. Di tulad sa akin. Tss.
"Oh di ba? Sabi ko sayo e. Tsaka dapat lang na parehas tayo ng pantulog tutal naman katabi na kitang matulog. At cute pag tignan pag nakahiga na tayo." Tapos tumingin sa akin ng malagkit.
Grr. Kinikilig akoooo :))
Narinig ng tropa namin yun kasi ang lakas ng boses nya. Nakakahiya tuloy. Nga pala yung tropa namin ay binubuo nila Clarence, Dame, Fred, Ryan, Ako at Diane. Haha masaya kami pag magkakasama. Mga immature pero masaya. Haha.
Back to the story
"Tarantado. Anu ka ba. Haha. Yaan mo tutulungan nalang kita sa project mo bilang pasasalamat." Yan nalang nasabi ko kasi kinilig ako e. Haha.
"Joy, pag umalis na kayo sa inyo pwede kayong tumira ng Mama mo sa bahay. May isa pang bakanteng kwarto." Luh! Nababaliw na naman sya.
"Luh? Baliw ka ba? Nakadrugs ka ata e. Tss. Di kami aalis dun no. Amin yun e. Tsaka ang dami mung alam dre. Pang oscars ka rin e no."
Hay nako naka drugs siguro yun. Tae talaga o. Bakit nya ba ako pinapakilig ng ganto? Alam ko namang di ka seryoso pero bakit ganto? Bakit ka ganto ka sweet. Alam kong matatalo ako kasi naman e. Wala sa usapan ang mahulog. Nakakainis. >°<
===============================
Marami pa po. Please do Vote and Spread my story.
Thaaaanks. :>>>>

BINABASA MO ANG
Pure Regrets
Teen FictionYou will never forget how you loved a person once. Because Love teaches us to make great memories. Memories that are to be told, shared and to be proud of. Those moments you have shared with them will always be a part of you.