-Chapter 11
'Nope. Walang aalis. Sasamahan ka namin ni Fred. Sa ayaw at sa gusto mo."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa nakayukong si Fred.
"May sasabihin ka ba Joy?" Tapos nag smile si Ate.
"Aaa E, Sige po tara na po at baka maabutan tayo ng bugso ng tao." Naglakad kami papunta sa may tyangge sa bandang simbahan ng Baclaran. Si Ate di mo rin mapigilang magbibibili ng mga gamit pamasko. Ako naman namili na ng mga laruan para sa mga inaanak ko. At ito namang kasama naming prinsipe e nakatayo lang at pinagmamasdan kaming dalawa.
Lumapit ako sa kanya kasi mukang bored na bored na sya.
"Ui. Anong problema mo? Nabobored ka na no??" Tapos umiling sya.
"Di ah. Medyo napagod lang ako. Kanina pa tayo lakad ng lakad e." Sabi na e. Magrereklamo to.
"Hoy Kayo dyan!! Baka gusto nyong tumabi at baka naman nakaharang kayo sa daanan." Nagulat ako sa nagsalita. Galit na yung tindera. Mukang nagmamadali ata e. Tsh.
"Tara na nga! Muka tayong nagdedate sa gitna ng maingay na daan e. Medyo di maganda yung venue." Ano daw?? Hinila nya ako sa tabi dahil mukhang galit na galit na yung aleng dadaan.
Nakita kong nakangiti si Ate Dawn sa may gilid tapos kumindat sa akin. Naloloka na ho ako sa mga taong kasama ko ngayon. Isa lang ang alam kong tamang word na i describe sa kanila.
"WEIRD"
-----
Lumipas ang Christmas Vacation na masaya. Palagi kaming magkatext ni Ryan. Kahit anong maghapon pa kaming magkatext di ako nagsasawa. In fact kahit na gumastos ako ng load para lang makatext nya, ginagawa ko. Grabe di ko talaga inexpect na mamahalin ko sya ng ganto.
Dumating na ang araw ng pasukan at marami na naman kaming pag uusapan ng mga kaibigan ko. Pagpasok ko sa room, bumungad sa akin ang isang teddy bear na may chocolate na nakalagay. Nang nilapitan ko, nagulat ako dahil di pala yun para sa akin. :D Medyo pahiya ako kasi nakalagay sa upuan ko e. Malay ko bang di pala sa akin yun.
Nacurious ako kung kanino galing at kung kanino papunta. Kaya nakialam ako since nasa upuan ko naman sya. Ang gara ng Greeting Card. Mukhang special talaga ang pagbibigyan nito. Pagbuklat ko ng card.
Steph,
"I think I am starting to fall for you"
WOW. Ang sweet naman, *-*
From,
Mr. Right
Di ko mapigilang kiligin sa nakita ko. Grabe sana may lalaking gagawa sa akin ng ganyan. Kung meron lang talaga di ko na papakawalan, CHAROOOOT!!
Nagdatingan na ang mga loko kong classmate at nilagay ko na rin yung bear sa dapat nito kalagyan which is yung desk ni Steph. Kinilig din yung iba namin tropa sa Teddy Bear na yun. Kasi naman e. Ang sweet kaya talaga.!!
Nagreview agad kami since malapit na yung periodical exam. Di ba and galing after ng saya ng Christmas Break, paghuhhukom naman sa exam. Tsh. Buhay estudyante nga naman oh!
Bago matapos yung klase namin sa Mapeh, kinausap kami ng teacher namin na sasama daw kami sa Milo Marathon next week. Kailangan daw ng parent's consent and chooo chooo para makasama. Maraming sinabi si Maam pero di ko na inintindi. Magkatabi kasi kami ni Ryan ngayon e. Ewan ko ba parang napaka safe ko sa tabi nya.
"Uy Babe, Sama ka?" Bigla bigla na naman syang nagsasalita.
"Babe ka dyan!! Ewan ko e. Baka Oo, Baka Hindi" Medyo pakipot kong sagot ^-^
"Sama ka na. Para masaya ako. Promise sabay tayong tatakbo." Ayan na naman po sya sa mga pakilig factor nya.
"Tsh. Kaya kong magisa. Di mo na kailangan pa akong sabayan."
"Ayaw mo nun. Inggit sila sayo. May gwapo kang kasabay. Gusto mo holding hands pa tayo para mas sweet." Tungunuuuu. Please pulang pula na po ako dito.
"Tarantado!! Para kang sira Ry." Tapos umalis na ako. Di ko na kaya. Sya lang talaga yung nakakapagpatibok ng ganto sa puso ko. Ang hirap naman pag sinasabihan ka ng mahal mo ng gantong mga salita. Ang sarap mahimatay. Hahahaha.
Mag uuwian na rin nun at masaya kaming naghihintay ng mga Cleaners sa labas ng room. Cleaners kasi yung aking Beloved e. Paglabas nya kahit pagod sya dinala nya yung gamit ko. Yung pawis nya ang bango bango para bang perfume na nakakaadik amoy amuyin. Hahahah. Shocks ang Landi ko po!! Hahahahaha.
Pagbaba namin sa may gate may humarang sa aming mga lalaki na medyo gangster yung dating. Kinwelyuhan agad si Ryan tapos sinuntok. Di ko alam yung gagawin ko. Nagkakagulo na. Napaaway na rin yung mga tropa namin. Di ko alam kung sino uunahin. Pero ang napansin ko may sugatan; si Fred. Ang dami na nyang dugo sa damit. May sugat na sya sa bibig. Si Ryan naman medyo napalayo na ng mga ibang nakakakilala sa kanya. Di ko alam kung bakit nagkakaganto yung mga nangyari. Di ko na kayang makita si Fred na inuupakan. Pinaka close ko syang lalaki maliban kay Ryan. Kaya tumakbo ako para awatin yung sumusuntok sa kanya. You Gangster boy , not my Boy Best friend!! Not Him!!!!
Lahat ng lakas ko binuhos ko para lang itulak yung lalaki kaso di ko kaya. Sumisigaw na rin yung mga tao na umalis na ako. Pero di pwede. Nakita ko nalang na tumilapon si Fred at di na makatayo. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Naiiyak na ako. Pero nakangiti pa rin sya sa akin. Ano ba!! Bakit ganto!! Nilapitan ko sya tapos niyakap pero napansin ko na biglang umikot yung paningin ko. THEN EVERYTHING WENT BLACK.

BINABASA MO ANG
Pure Regrets
Teen FictionYou will never forget how you loved a person once. Because Love teaches us to make great memories. Memories that are to be told, shared and to be proud of. Those moments you have shared with them will always be a part of you.