Chapter 3

30 0 0
                                    

-3-

Lumipas ang mga araw at nakikita ko yung Joy na masaya sa piling ni Ryan. Yung mga ngiting gusto kong palaging nakikita. Yung spark ng mga mata nya na mas lalong nakakapag paaliwalas ng mga mata nya, alam kong nahuhulog na sya. Alam kong talunan na ako. Kasi di ko sya kayang pasiyahin ng tulad ng ginagawa ni Ryan. Masaya ako para sa kanya. Alam kong kasinungalingan to. Pero sana maconvince ko ang sarili ko.

Habang tumatagal mas nagugustuhan ko si Joy. Alam kong katangahan pero masisisi nyo ba ako? Sya lang ang nakakapagpangiti sa akin. Lalo na nung sya ang pumalit sa president namin. Mas responsible kasi sya at mas maangas. Ewan ko ba pero ang lakas talaga ng dating nya. Kahit na kumunot pa ang noo nya at magsalubong yung kilay nya na parang iginuhit ok lang. Mas nagiging interesting sya.

Nagmahal ako mula sa malayo. Nakita ko kung paano sya kiligin sa twing nilalambing sya ni Ryan. Aaminin ko, bagay silang dalawa. Alam kong nahuhulog na si Joy pero si Ryan alam kong playboy sya. Maraming umaaligid na kung sino sino. Kaya dapat malaman ko kung seryoso si Ryan.

Uwian nun at kinausap ko si Ryan.

"Tol pwde ba tayo mag usap?" Tumango sya. Mukhang ramdam nyang seryoso ako.

" Ryan, seryoso ka ba kay Joy? Kasi alam mong kaibigan natin sya kaya dapat di natin sya masaktan." Nagtaka sya at tumawa.

"Magkaibigan lang kami dude. Parang close friend lang. Ano ka ba. Wag kang mag alala. Kaibigan ko sya at ginagawa ko lang ang parte ko bilang kaibigan nya. Mahal ko sya more than friends pero its not enough to be lovers." Gusto ko syang sapakin pero alam kong masasaktan si Joy kung gagawin ko yun. Di nya deserve tong taong to. Sana naman matauhan na si Joy.

"Pero di gawain ng kaibigan yung mga ginagawa mo sa kanya. Alam mo ang limit bilang kaibigan pero lumalagpas ka dun. Babae sya kaya malamang mageexpect yun." Tumigil sya sa paglalakad. At humarap sa akin.

"Mahalaga sya sa akin at alam kong ganun din ako sa kanya. Ayoko syang mawala kasi masaya ako pag andyan sya. Pinapasaya ko sya kasi masaya ako dun. Pero alam mo namang hindi pwede di ba? Kasi kaibigan ko LANG sya. At di yun magbabago."

Naiwan akong nakatayo. Di ko alam ang sasabihin ko. Pero isa lang ang alam ko. Masasaktan si Joy sa dulo.

Pinilit kong maging close sa kanya para ma divert yung atensyon nya. Lalo na at pinalipat sya ng upuan ni Maam at sa tapat ko pa. Naks! Lakas ko kay God. Ang saya ko nun. Sana hanggang end of school year na to. Ginawa ko lahat para mapansin nya. Pero kay Ryan parin nakasentro ang atensyon nya.

Masaya na akong ganun yung set up namin. Friendzone kumbaga. Lumapit naman na ako sa buhay nya. Lumelevel up na. Haha. Marami na rin akong nalalaman sa kanya. At ramdam ko na rin kung malungkot o masaya sya.

Napansin ko na lang na bumababa na ang mga scores nya sa test. Bihira nalang syang tumawa. Wala na ring ganang makipag socialize sa iba. Namimiss ko na yung spark sa mata nya na palatandaan na masaya sya. Namimiss ko na yung babaeng lihim kong minamahal.

Napansin na rin ito ng teacher namin since teacher's pet sya. Top 1 kasi e tapos president pa. Di ba package deal na. Kinausap na sya ni Mam tungkol sa grades nyang unti unting bumababa. Pero mukhang walang pakialam si Joy. Tigas talaga ng ulo.

Nabigla ang lahat ng malamang nililigawan ni Ryan si Seth. Sya yung dati naming president. Ngayon alam ko na kung bakit sya tumahimik. Inaasahan kasi ng lahat na magiging sila. I pity her. Di sana sya masasaktan kung di ako nag alinlangan. Nakakaawa sya.

Joy's POV

Ang ganda ng school year na ito. Lalo na at nakilala ko si Ryan. Heaven na talaga. Nasa akin na lahat. Top 1, President at may Ryan na minamahal.

Pinaramdam nya sa akin na hindi ako nag iisa. Na may taong pwedeng magpahalaga sa akin kahit na ang lakas ng mood swings ko. Haha. Masaya na sana e. Kasi halos buong school year ko syang kasama. Pero nagpakakampante ako.

===============================

Vote Comment Share po :))

Pure RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon