Fred's POV
I saw her last week. It seems na parang ayaw nya pang umalis pero halos haltakin sya ng kaibigan nya. I'm happy to see her but I know this happiness won't last hanggang sya na talaga ang kasama ko hindi yung sapat lang na makita ko lang sya.
"Pare si Joy oh." Napatingin ako sa hagdan. Pababa sya at paakyat naman kami. Bakit sa twing nakikita ko sya parang naluluha sya? Pero di ba may Bf na sya at alam kong masaya naman sya.
Nag krus ang mga tingin namin at nagpalitan ng hi at hello. Bigla akong nalungkot at alam kong nakita nya yun sa mga mata ko. Iniiwas ko nalang ang tingin ko para di halata. God knows how much I want to be with this girl. Ilang beses na rin syang nawala sa akin pero hanggang ngayon nagpapakatorpe pa rin ako. Napakatanga ko talaga.
Alam kong nakatingin sya sa akin hanggang sa di na nya ako maaninag. Nasasaktan ako para sa kanya at sa Love story naming dalawa. Pero wala e. Di ako biniyayaan ng sapat na lakas ng loob para pasayahin sya.
-End of Flashback-
Pinilit kong maging masaya kasama ng mga kaibigan ko. Naging kasangga ko sila simula nang tumapak ako ng college. Nakakatuwa. Pero di nila alam ang totoong kwento ng buhay namin ni Joy. Kaya di nila maintindihan kung bakit ko hinahayaang magkaganto kaming dalawa.
Flasback
(June 2008)
"Good morning ako nga pala si Joy de Guzman. Blah blah blah. Nice meeting you guys. Sana maging friends tayo."
Nakatayo ngayon sa harapan ng buong klase ang isang babaeng di gaano maganda. Di rin matangkad tapos mukhang maangas pa. Tss. Uso kasi ang gangster sa school e. Naglipana sa bawat sulok ng school. Tapos umabot pa sa room. Bad trip talaga.
Umabot ang tingin nya sa akin. Siguro naghahanap ng kakilala. Luckily di sya umupo sa tabi ko. Baka kasi mahawahan ako ng pagiging gangster. Magalit pa sa akin sila mama at kuya.
Nung umupo na sya sa group 1 at tabi ng pintuan sa likod, kinausap nya agad yung nasa unahan nya. I think she wants to make friends with them. Tapos nag smile sya.
God!
Bakit ang ganda nya ngumiti. Mukhang na star struck ako dun ah. Ibang iba yung mukha nya pag nakasmile. Para tuloy ang sarap kaibiganin.
Yun ang unang araw na nakita ko sya. Simula noon di ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Grabeng hirap na dinaranas ko kapag panakaw akong tumitingin sa kanya para lang di nya mahalata.
One time Napansin nya sigurong palagi akong sumusulyap kasi parang nakikiramdam e. Kaya nung nahuli nya ako, tinignan nya ako ng masama. Shet! Ang cute nya lalo na pag kumukunot ang noo at nagsasalubong ang kilay kapag nagtataray.
Naging kaibigan ko sya pero di kami close. God knows how much I want to be with her. Kahit na padikit dikit lang ako at kunyari di namamansin e kinikilig ako pag malapit sya sa akin. Grabe nababakla ako. haha.
Then one day,
"Joy grabe bagay talaga kayo ni Ryan. Kayo na talaga. Ang swerte mo. Napakaspecial mo raw sa kanya." Nagulat ako. May nakauna na agad sa akin kay Joy? At kaibigan ko pa. Napakatanga ko naman at di ko napansin agad yun. Pinagwalang bahala ko lang yun. Pero inaamin ko nasaktan ako lalo na't alam kong kinilig si Joy. Fvckshit talaga.
Napansin ko rin na medyo iba na ang turing ni Ryan kay Joy. Parang more than friends na. Anu kayang gagawin ko?
================================
Vote Comment Share po. Thanks.
BINABASA MO ANG
Pure Regrets
Roman pour AdolescentsYou will never forget how you loved a person once. Because Love teaches us to make great memories. Memories that are to be told, shared and to be proud of. Those moments you have shared with them will always be a part of you.