Chapter 7

9 0 0
                                    

-7-

One time umuulan at sabay kaming lumabas ng gate.

Nakipayong sya sa akin. Medyo late na si Sir nagpalabas e. Sana hinintay ako ng mga kaibigan ko.

Nang makarating kami sa may hintayan wala akong naabutang kaibigan. May mga lumalabas pa naman e kaya inakala kong baka mas nauna lang ako. Sinamahan nya ako at naghintay ng matagal hanggang sa mga teachers na yung lumalabas.

Mukang iniwanan na nila ako. Biglang may inabot si Ryan sakin pero di nya pinakita agad. Binuksan nya yung palad ko at nilagay yung something tsaka sinara agad. Tinignan ko yung nilagay nya. PAKO?

-_-

"Anu to? Anong gagawin ko dito? Lakas talaga ng trip mo Ry. Nakakaloka ka."

Parang ayoko nang matapos yung oras na hawak nya ang kamay ko. Sana huminto ang oras. Pero alam kong di mangyayari yun e. Kasi kailangan naming mag part ways. God. Sana po mahal nya rin ako.

" Oh ano naman kung pako yan? Galing yan sa akin kaya itago mo ha? Hahanapin ko yan sayo. Tss. Smile ka na kasi. Kanina ka pa nakabusangot e. Yaan mo. Hahatid nalang kita sa inyo."

Tapos nag smile sya. Haaay. Ang swerte ko talaga. Salamat sa pagpasok sa buhay ko. Naging ganto ako kasaya.

"Wag mo na akong ihatid kaya ko na ang sarili ko. Tsaka malayo pa uuwian mo e. Mag 8 pm na rin. Gue bye. Itatago ko tong pako na ito. Wag kang mag alala."

Pinauna ko syang umalis. Ayoko kasing ako unang aalis e. Nasanay na akong tignan sya habang humahakbang palayo sa akin. Palagi naman syang lumilingon pabalik e. Tapos magsmile sya. Nakakatuwa di ba

Nakarating ako sa bahay na basang basa ang sapatos at bag. Syete baka yung mga notebooks ko nabasa. Pasahan pa naman nun sa monday. Bago pa ako makapagpalit ng damit e tumunog na yung phone ko.

"Joy nakauwi ka na ba? Txtb pls."

Nagtext si Ryan. Napaka sweet nya talaga. Inalala nya talaga ako huh.

Bago ko pa nareplyan yung tex nya e nagpagulong gulong muna ako sa kama. Sa sobrang ingay ko dahil nagtititili ako e binato ako ni mama ng remote. Tss. badtrip talaga si mama. Panira ng moment. Haha.

"SLR. Kumain pa kasi ako e. Oo nakauwi naman ako ng maayos. Thank you talaga sa pagsama sa akin kanina ha? Kahit umuulan sinamahan mo ako. The best ka talaga."

.

.

.

.

.

.

SENT

Haaaay. Para talaga akong nasa langit nung time na yun. Nababaliw na ata ako.

*Bzzzt*

" Anu ka ba. Ok lang yun Joy. Ikaw pa. Di naman kita pwedeng iwan nalang basta. Kasi special ka sa akin. Best friend kaya kita. Haha"

Sabi ko nga di ba? Kaibigan lang ako di ba? E ano tong inaasta ko. Nagpapakatanga ka na naman Joy. Tss. Assuming ka lang talaga.

"Haha. Alam ko. Nga pala gagawa muna ako ng assignment. Gawa ka na rin para di kana mangopya sa iba."

"Tss. Saka na. Sabado naman bukas e. Madami pang oras. Teka busy ka ba? Gusto pa kitang makatxt kasi."

"Ah. Di naman. Sige text muna tayo. Kaw pa e malakas ka sa akin."

"Salamat Joy maaasahan ka talaga. May tatanong sana ako sayo e."

Ano kaya yun? Mukhang seryoso sya a. Tss.

"Ano yun friend?" Bigla akong kinabahan. Di ko alam kung bakit.

"Ano bang gusto nyong mga babae? Ikaw? Ano bang hinahanap mo sa isang guy?"

Nang mareceive ko tong msg nya na to sa akin parang tumigil ang mundo ko. Bakit nya ako tinatanong ng ganyan? Liligawan nya na ba ako? OMG. Nananaginip ba ako?

At dahil malandi ang Lola nyo, Nagreply naman ako agad kasi ayokong paghintayin yung mahal ko.

"Para sa akin yung type kong lalaki e yung palagi akong napapangiti. Di nya kinahihiyang mahalin ako kahit na di ako maganda. Yung sasamahan ako pag nagiisa ako. Tapos yung gentleman, gwapo syempre, mabait tsaka makulit. Haha ang dami no? Kaya siguro walang nagkakagusto sa akin kasi di na nga ako maganda, choosy pa ako. :-)"

Parang ikaw lahat yun Ryan. Sana naman wag kang magpakamanhid.

*Bzzzt*

"Joy, di ka mahirap mahalin. Makakahanap ka rin ng taong kayang sabayan ng topak mo. Wag kang mag alala baka nasa tabi mo lang sya. Maghintay ka lang. Darating sya sa tamang panahon. Sige matutulog na ako. Good Night Babes. Mua :*"

Bigla nalang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Kasi naman e. Parang iba ang dating sa akin ng text nya na yun. Di na rin ako nagreply kasi baka di na sya magtextback e.

MONDAY

Malapit na pala ang birthday ni Dane. September 9 pala yun. Tae. Ininvite kaming magtotropa kaya pumunta kami.

FastForward

Birthday na ni Dane Marie. Wow. Ang daming handa. Big time talaga yong babaeng to. Nakakaloka. Naghintayan muna pala kami bago pumunta sa kanila. Nakakahiya kasi kung nag iisa lang akong pupunta ng maaga. Kaya naghintayan na kami.

Buti naman at maaga sila. Ako nalang pala ang hinihintay. Dumeretso na kami sa bahay ni Dane at sinalubong nya kami. Agad agad naman akong umupo kasi halos takbuhin ko yung tagpuan namin kasi tinatadtad na nila ako ng text.

"Pagod na pagod ha? O tubig. Kunuhaan na kita."

Bago ko kunin yung tubig tinitigan ko muna sya. Tapos bigla nyang niliitan yung mga mata nya. Automatic na to! Nagpapacute na po sya.

Alam mo bang napaka swerte ko? Kasi kasama kita ngayon. At alam kong mas matagal pa kitang makakasama.

"Salamat Ryan. Gutom ka na ba? Kukuha na ako ng pagkain. Papakuha ka na ba?"

"Wag na. Ok lang ako. Mamaya nalang."

Kumuha na ako ng pagkain. Dinamihan ko na. Di kasi ako nag tanghalian e. Kaya gutom ako. Pagbalik ko sa upuan ko tumabi sa akin si Ryan.

"Aaaaaa." Tapos binuka nya yung bibig nya. Ano to? Magpapasubo sya? Pasaway talaga oh.

"Kumuha ka ng sayo. Akin to e. Wag kang pasaway." Nagpacute pa sya lalo. Grabe di ko sya matanggihan.

"Fine. Sige share na tayo. Oh kumuha ka na." Tapos nilapit ko sa kanya yung plato.

"Aaaa." Teka. Talagang magpapasubo sya aa. Grabe na talaga. So no choice. Ako na ang magpapakain sa kanya.

"Thank you babes. Ang sarap ng chicken ah. Penge pa. Dali. Hahahaha" Sutil ka talaga Ryan. Bakit ka ganyan?

My God salamat naman at nabusog na si Kumag. Haha. Para kaming mag asawa. Nakakakilig talaga. Gabi na rin kaming umuwi. Napagalitan pa tuloy ako ni Mama. Tss.

Pure RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon