Chapter 6

9 0 0
                                    

-6-

Malapit na pala ang birthday ko. Mag August 16 na pala. Anu kayang matatanggap ko? Haha. Sana regaluhan ako ni Ryan. Whew. Nako naman talaga. Nag de day dream na naman ako. Joy gising anu ba.

Recess namin yun at nasa canteen kami ng tropa tapos bigla akong nilapitan ni Trishia. Klasmate din namin sya. Simple, mautak din, at mabait. Bigla syang tumabi sakin at nagsalita:

"Joy, anung feeling? Anung feeling na kasama mo si Ryan?"

Nagulat ako sa tanong nya.

"Bakit di nya ako mapansin-pansin? Alam mo ba na mahal na mahal ko sya? Pero mukang may mahal na sya e. Ang swerte mo Joy"

Natigilan ako sa mga pinagsasabi nya. Grabe as in

O.o

o.O

-.-

"Mahal mo si Ryan? Di nga? Hay nako. Wag kang mag alala. Di ako yung mahal nun. Alam mo naman na mapagbiro sya di ba? Wag mong bigyan ng malisya" Tapos pinilit kong mag smile.

"Joy tanga ka ba? Sa tingin mo biro lang lahat ng ito? Kung makahawak sya sa kamay mo at amoy amuyin pa parang bubuyog na nakahanap ng nectar. Palagi kong nakikita na nilalapit nya sayo yung mukha nya at para kang hahalikan. Tapos palagi syang tumatabi sayo kahit napapagalitan pa sya nila Mam. Hinatian ka pa nya sa tela nya. Maraming sweet moments kayo na para kayong mag jowa. Sabay kayo umuwi tapos sinasamahan ka nyang maghintay sa mga kasabay mo kahit late na. Kulang nalang sabihan ka nya ng JOY I LOVE YOU sa harap ng lahat. Tapos sasabihin mong biro lang lahat ng to? Nakikita ko lahat Joy! Kahit masakit pinipilit kong buksan yung mga mata ko para masaksihan ko lahat." Anu daw? Parang nabingi ako. Bakit sumisikip ang dibdib ko?

Ang bigat.

Di ako makahinga.

"Trish. Bakit?"

Di na nya ako narinig kasi nag walk out na sya.

Di ko pa rin malimutan ang mga salitang binitawan nya. Ibig sabihin pala nun palagi nya kaming pinagmamasdan. Grabe. Di ako makapaniwalang may masasaktan ako sa mga nangyayari sa amin ni Ryan. Nakakapang lambot ng tuhod.

Bigla nalang akong kinausap ni Fred. Siguro napansin nyang medyo hirap akong gumalaw. Yung taong to minsan lang magsalita tapos para laging seryoso. Tapos na pala ang recess at kailangan na naming tumaas.

"Ok ka lang Joy? Mukang may problema ka ata e tska namumutla ka oh! Ano bang nangyari sayo?."

Nakakatawa si Fred. Mukhang apektado at nag aalala sa akin. haha.

"Ah ok lang ako. Wag mo nang pansinin tong mukha ko. Ganto na to matagal na." Tumawa sya. Isa lang naman ako sa mga taong nakakapagpatawa sa kanya. Masyado kasing seryoso e.

"Haha. Alam mo kahit kailan ang cute mo. Lalo na pag nagagalit ka. Nagsasalubong kasi kilay mo e. Nakakatuwa."

Tae pinagtawanan ba ako? Kung alam mo lang kung anong nangyayari sa akin. Baka maawa ka lang Fred.

Nakarating na kami ng room. Halos lahat andun na. Hinihintay na rin ako ni Ryan. Tapos may inabot sya sa akin.

"Happy Birthday Babes. Advance na to kasi walang pasok sa mismong birthday mo eh. Pasensya talaga kung ito lang ha?"

Anong ito lang ka dyan. Hershey's kisses to no. Kung alam mo lang first time ko talagang mabigyan ng chocolates. Hihi.

"Salamat. Thank you talaga." Tapos lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Thank you ha? Naalala mo pa pala yung birthday ko. Akala ko kasi di mo alam na mag bibirthday ako."

"Ano kaba Joy. Masanay ka na. Haha. Nga pala patulong naman ako sa project natin. Di kasi ako maganda magsulat alam mo naman. Kaya pasulat please.?"

Ano pa bang magagawa ko. E nagpacute na si Ryan. Tss. You really know my weakness Ryan. At sana naman ako rin yang weakness mo.

Sabi na nga ba e. May problema to e. Kaya pala sweet kasi may papakiusap. Haha nakakaloka talaga tong matalik kong Ka-ibigan. =.= akala ko seryoso na ee.

Ako lang po kasi yung taga gawa ng assignment nito. Kung di ako ang gagawa, ako ang kokopyahan. Taga sulat nya rin ako ng mga output na kailangan ng magandang sulat. Di ko tuloy mawala sa isip yung sinabi one time ni Dane na baka tinetake for granted ako ni Ryan. Na baka sya ganoon ka sweet para gawan ko sya ng mga bagay na pwedeng ikataas ng grades nya. Naku Lord, wag naman po sana. Di ko po kakayanin. Alam ko namang di gagawin ni Ryan yun e. Edi sana di rin ako nakakabenefit sa kanya di ba?

Back to the story

"Uy Joy. Buksan mo na. Gusto ko nang kumain ng chocolate." Luh bigay nya tapos sya rin kakain? Astig ah.

"Teka lang. Akin na to e. Bakit ka pa makikikain? Ang daya mo. Bumili ka dapat ng para sayo." Sabay nag smile ako sa kanya na parang nang iinis. Haha

"Ang sama mo naman. Pahingi na please. Isa lang naman e." Nagpuppy eyes sya. Tae talaga oh. Di ko kayang tiisin tong taong to. Sana naman di nya ubusin to no. Tss.

Tapos binigyan ko sya. Haha. Sabay na kaming kumain. Nakarami din sya. Ok lang kasama ko naman yung taong mahal ko e. OO MAHAL NA KITA RYAN DELA TORRE. Sana parehas tayo ng nararamdaman. Para walang masaktan sa ating dalawa. Tss.

Nagdaan na rin ang birthday ni kumag. Magkalapit lang kami ng birthday e. Sinwerte na talaga ako. Ako pa rin kasi ang top 1 sa klase e. Tapos nagkaroon ng re election at ako ang napili bilang president. Ayos!

===============================

Vote lang ng Vote. Thanks.

Pure RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon