Chapter 10

9 0 0
                                    

-10-

Joy's POV

Grabe yung araw ko. Nakakapagod pero masaya. Kahit na super sakit na ng paa ko kakalakad, at least naging memorable naman.

Nilapag ko yung supot na hawak ko sa lamesa. Muli kong tinignan yung laman nito. At nakita ko yung kahon ng sapatos na binigay ni Fred.

Napangiti ako nang makita yung sapatos na di ko akalaing mapapasa akin. Ang ganda kasi. Haha.

"Uy ung ngiti mo anak, baka mag lock na yung panga mo." Kanina pa pala ako tinitignan ni Mama.

"Mama naman! Di ah. Nakakatuwa lang. Biruin mo ang ganda ng sapatos! Bigay lang sa akin yan." Binigyan ako ni Mama ng nang iintrigang tingin.

"Hulaan ko. Kay Baby Ryan yan galing no!" Nako naman! Si Mama feeling bata na naman.

"Di po. Kay Fred po ito galing." Tapos tumaas yung kilay nya.

"Sino naman tong Fred na ito Aberr?" Ayan na naman si Mader Earth. Tsismosa talaga. tsh.

"Friend po Mama. Wag mong bigyan ng malisya." Nag walk out na ako. Hahaba lang yung usapan. At di ko alam kung saan yun papunta.

Narinig ko tumawa si Mama. "Good Luck. Alam ko namang hinihiling mong si Ryan nalang sana ang nagbigay nyan e."

Napatigil ako sa paglalakad.  

Bakit di ako affected? Parang di ko hiniling na sa kanya to manggaling, Ewan ko ba. Bahala na nga!

Habang gumagawa ako ng diary naisip ko yung nangyari kanina. Kung paano sa akin magpacute si Ryan. At nalaman kong napapasaya ko pala sya. Nakakatuwa. I felt na may puwang talaga ako sa buhay ni Ryan. Na at least nagagawa kong mapasaya sya in my own little ways. God ano po bang ginawa ko para mapasaya nyo ako ng ganto!

Tapos Napagastos pa tuloy si Fred dahil sa kakulitan ko. Haha. Biruin nyo nilibre na nga ako ng pinakamamahal kong Jollibee tapos binilhan pa ako ng doll shoes. Nakakatouch naman. :))

Di ko inakalang may ganoong side pala si Fred. Letcheng babae yung sinasabi nya ha! Over! She doesn't even know how much she will loss kung pakakawalan nya lang si Fred. I know how much he truly loves that girl sa paraan pa lang ng pagkukwento nya. Ah Basta! I will find a way para lang malaman kung sino yang babaeng yan. Pag nakita ko sya, I will make her realize na dapat di nya sinasaktan si Fred. 

i will call this,

.

.

.

.

operation: Sagip puso <3

(Medyo Korni pero bakit ba kayo!)

--- 

Ilang araw na rin mula nung last naming pagkikita ni Ryan. Grabe bakit kaya napakatagal ng oras?

Bawat araw na lumilipas di ko maiwasang mainip. Ang tagaaal!

Naisipan ko tuloy magsimba sa Baclaran kahit mag isa lang.

Naglalakad ako papuntang simbahan, medyo maraming tao kasi Linggo nang may nakita akong bata sa di kalayuan. Ang cute nya kasi nakapony tail at may bangs pa. Lalapitan ko sana sya nang may nagsalita sa tabi ko.

Pure RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon