Chapter 8

8 0 0
                                    

-5-

Napag usapan namin sa school yung mga nangyari. Syempre tinukso na naman kami ng barkada. Halos di ako makahinga sa kilig hahaha. Kasama rin pala namin noon si Trishia. Kaya ayun mukhang nasaktan na naman sya. Kawawa naman. Lalo na nung lumapit sa akin si Ryan at naglalambing.

"Joy!" Tapos tumabi sya sa akin na halos magkadikit na yung mga mukha namin.

"Ano? May ginagawa ako oh!"

"Ihh! Wag mo na munang gawin yan. Magkwento ka muna."

"Anong ikukwento ko?"

o_O

^.^

"Basta! Kahit ano. Nakakatawa ka kasing magkwento e. Ewan ko ba parang ang saya saya ko."

"Bakit mukha ba akong clown?"

Biglang natapos agad yung convo namin ni Ryan kasi umepal yung mga tropa namin. Dumarami na rin ang mga nagiging close namin. Extended na ang tropa. Nadagdag na sila Seth ung dati naming president (di ba nga nagka re election at ako na ang bagong president. Mukha kasi syang bata at mahinhin kaya napalitan. Samantalang ako mukhang tigasin at terror. Hihi) Pati na rin sila Jarred na isa sa mga pinaka pasaway sa room tsaka si Daryll na mahinhin din pero maganda.

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan kasi masaya ako halos araw araw. Pumapasok akong medyo masaya at umuuwi ako ng napakasaya! Gosh! Iba talaga ang feeling ng in love.

--

Malapit na pala ang Christmas. November na rin pala at magsisimula na ang 3rd grading.

My gosh.!

Kailangan ko nang mag ipon ng pera para naman may pangregalo ako sa mga friends ko. Haha. Dapat po kasing pag ipunan kasi walang budget e!

Fast Forward

November 14, 2008

Birthday pala ng dakilang introvert. Si Fred. Minsan lang kami magkausap nito pero kwela din. Gwapo rin naman sya. Matangos ang ilong, napakahaba ng pilik mata, ang ganda pa nya mag smile. Grabe ang swerte ng magiging GF nito. Pero syempre mas gwapo ang Ryan ko. Haha.

Di man lang nya pinaalam sa tropa na birthday na nya. Kung di ko pa nakita sa index card na ipinasa sakin for the attendance di pa namin malalaman. Haaaay. Parang napaka lihim nya.

"Guys, Attendance na! Mga group leaders may I have the index card please!"

Lumapit naman agad ang mga dakilang group leaders.

When Im about to call Fred, I saw his card and noticed that its his Birthday.

"Guys Attention!"

Lahat sila lumingon.

"Anouncement! Its Fred's Birthday!"

Narinig kong nagsalita si Clarence.

"Pakyu ka tol! Di mo man lang sinabi. Ayaw mong manlibre no!" Sabi ko sa inyo e malihim talaga sya. E makulit pa man din si Clarence kaya walang kawala to si Fred.

Binati sya ng mga kaibigan namin. Tapos umupo na ako sa upuan ko.

"Joy! Pasaway ka talaga. Sa harap mo pa sinabi. Tss. Nangungulit tuloy silang manlibre ako. Tsh."

"Kaw kasi e. Haha. Manlibre ka nalang kasi. Kuripot!"

"E may pinag iipunan ako e."

"Ano? Panlibre sa magiging GF mo? Joke lang. haha. Mukha namang di babae gusto mo e. Bakla ka ata. Hahaha."

"Ako bakla? Kung alam mo lang Joy! Kung alam mo lang talaga. Di mo kayang masabi sa akin yang mga salitang yan."

Biglang nag senti si Fred. Baka na offend ko sya.

Pure RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon