I miss you...

168 2 0
                                    

Nabigyan si Alden ng out of the country na projects kaya kailangan niyang umalis. Syempre malulungkot siya dahil mapapalayo nanaman siya sa pamilya niya at specially kay Maine.

Love, two days na lang aalis na ko.

Wala naman tayong choice eh, trabaho mo yan eh.

Mamimiss kita Maine.

Tahimik lang si Meng na nakatingin sa labas ng sasakyan. Traffic nun at kakagaling lang nila sa shooting ni Maine. Sinundo siya ni Alden at sinusulit ang mga oras dahil magkakalayo nanaman sila.

Love, huwag naman tayo ganito. Ayoko ng iiwanan kitang malungkot. Smile ka na dali.

Sorry Love, hindi ko kasi mapigilan na hindi maging malungkot. Ang tagal mo kaya dun! Naka pout pang sabi ni Maine.

Hinawakan ni Alden ang kamay nito ng mahigpit.

Love, alam ko naman yun. Pero para din naman to sa atin, sa future. Tsaka kung mamimiss mo ako mas mamimiss kita. Ayoko lang ng nakikita kang ganyan. Please smile ka na dali.

Kahit na ayaw ngumiti ni Maine dahil nga sa nalulungkot siya ay pinilit pa rin niya ang sarili para naman din kay Alden.

Ayannnnn... Nagsmile na ang baby ko. Huwag ka na malungkot ah? Promise lagi tayo mag uusap. Facetime, tweeter, Instagram at email tapos lagi akong magtext at tatawag. Huwag ka na sad ah? I love you... Sabay halik nito sa kamay ni Maine na mahigpit niyang hawak.

I love you too... Promise mo yan ah? Pag ikaw di tumawag o nagtext bahala ka sa buhay mo! Hindi talaga kita papansinin pag uwi mo.

Grabe ka..... Pag ako hindi mo nireplayan hindi na ako uuwi. Kaya dapat magrereply ka at sasagot sa tawag ko. Hano Love?

Opo.... Subukan mong di umuwi! Susundan kita dun tapos dadalin kita sa Amazon River tapos itutulak kita dun! Sabay tawanan naman nilang dalawa.

Papakain mo lang pala ako sa mga crocodile dun eh! Hahahaha

Talaga! Kaya dapat umuwi ka. Kung hindi lang busy din sched ko sasama ako. Baka mambabae ka lang dun eh. Malay ko kung makakita ka ng ipapalit mo sa akin! Malay ko kung nagsasawa ka na sa pagka sira ulo ko. Tsaka malay mo........

Ssssshhhhhh.... Tama na yan! Kahit kailan hindi ko yun magagawa sayo tandaan mo yan! Ayoko ng nag iisip ka ng ganyan. Di ba nangako ako sayo na ikaw lang at ako? Kaya tama na yan ha? Please...

Sorryyyyyy.... Sabay yakap nito kay Alden.

Mahal na mahal kita Menggay ko....

Mahal na mahal din kita Rj ko...

Mga ilang sandali lang umusad na sila sa magkakastock nila sa traffic. Ihahatid na ni Alden si Maine sa condo nito.

Habang nasa byahe masayang nagkukulitan ang dalawa hindi muna inisip ang pag alis ni Alden.

Maya maya lang nasa condo na ang dalawa...

Condo....

Tara Love pasok ka muna.

Oh Ate kayo pala. Hello kuya Rj. Kamusta? Pasok ka...

Hello din sayo Dean. Eto oh may pasalubong kami ng ate mo sayo. Kamusta school?

Ay salamat kuya Rj. Okay naman. Ikaw kamusta? Buti hindi ka pa bumubigay sa ka O.A yan ng kapatid ko? Hahaha

Akin na nga yang pasalubong na yan...

HAhahahahaha.... Tawanan nilang tatlo.

Joke lang naman ate. Sige maiwan ko na kayo dyan. Pasok na ko sa kwarto. Goodnight kuya, salamat dito ah. Pagpapasensyahan mo na lang yang kapatid ko.

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon