Bonding....

76 3 0
                                    

Hello Love nandito na ako sa studio.

Ah Okay naman kung ganon, ako nandito na sa condo kakabalik ko lang galing ako sa Bulacan eh.

Oh sige sunduin kita dyan after ng SPS ah...

Okay sige see you later.

I love you, nood ka ah?

I love you too... Oo naman. Sige na sleep muna ko konti.

OKay. I miss you. Bye.

I miss you too. Bye.

Nagpahinga nga muna si Maine at si Alden naman may shoot ng SPS. Pagkatapos ni Alden nagpunta na ito sa condo ni Maine.

Meng..... Meng.... Nandito na ako!

Dumiretso siya sa kwarto at nakitang natutulog si Meng.

Love... gising na nandito na ako.

Oh sorry napasarap yung tulog ko.

Wait ayusin ko lang ulit sarili ko then tara na.

Okay okay sige pahinga na lang muna ko dun sa sala.

Okay okay wait for me.

Gumayak na nga si Maine at pagkatapos umalis na sila ni Alden. Habang nasa daan, nagkukwentuhan ang dalawa.

Kanina pa ko tinetext ni Riza naiinip na daw siya. Namimiss ka na, si Dad man namimiss ka na.

Oo nga eh miss ko na din naman sila.

Malapit na tayong umamin in public handa ka na ba?

Medyo kinakabahan pero handa na din naman. Mas maganda na yun kesa nagtatago tayo di ba?

Oo naman. Paano yun may show ako mamaya sa Binan Laguna?

Okay lang saglit ka lang naman dun di ba?

Oo sabi ko naman yun sa kanila eh.

Okay lang nandun naman si Riza at si Dad eh pwede ko naman sila maka bonding dun.

Nakakahiya nga sayo eh. Sobrang busy ko na lang palagi. Hindi ko maibigay yung full time ko sayo.

Love.... alam ko naman na pareho tayong may mga priorities. Tsaka wag ka na mag alala naiintindihan ko naman atleast kahit pasanda sandali ay may time pa rin tayo sa mga ganitong bagay.

Salamat, maraming salamat. 

Gusto mo ako muna mag drive tapos umiglip ka muna. Kasi ako kakatulog ko lang ikaw ang aga ng call time mo kanina tapos nag live pa kayo sa SPS.

Huwag na okay lang naman ako.

Sige na ako na, please. Namiss ko din mag drive eh.

Sige, thank you. Sobrang napaka maintindihin mo talaga.

Love lang kita kaya ganun.

Salamat. I love you.

I love you too.

Si Maine na nga ang nagmaneho hanggang sa makarating sila kila Alden at si Alden naman ay mahimbing na nakatulog. Pagdating sa bahay sobrang excited ng pamilya ni Alden na makita si Maine.

Ateeeeeeeeeee..... I miss you.. Buti nakarating ka?

Hello Riza, sobrang namiss din kita. Oo naman basta wala akong ginagawa why not.

Oh mga anak nandyan na pala kayo. 

Hello po Dad. Kamusta po? Sabay mano at beso ni Maine sa Daddy ni Alden.

Eto okay naman. Natutuwa ako at nakapunta ka ulit dito. Grabe naman kasi sched niyong dalawa ni Rj. Buti nagkikita pa kayo ng katulad nito?

Oo nga po pero po kinakaya naman po namin. Malapit na din naman po namin sabihin in public humahanap lang po ng magandang tyempo.

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon