Family...

94 1 0
                                    

Pagkalipas ng halos limang taon, dumating din ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Natupad din ang pangarap nilang makasal. Handa na silang bumuo ng sarili nilang pamilya. Walang kahit sino ang tumutol sa kanilang dalawa. Alam ng lahat kung paano at kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Love... okay ba sa'yo tong bahay na naipundar ko? Hindi ba maliit oh ano?

Love naman oo naman okay na okay to para sa atin at sa magiging pamilya natin. Kung ano ano nanaman mga iniisip mo dyan.

Sorry, syempre gusto kitang mabigyan ng marangyang buhay lalo na yung magiging pamilya natin.

Alam ko naman yun, pero tingnan mo oh sobra sobra na to para sa atin. Huwag ka na mag isip. Napaka nega mo eh.

Sorry Love...

Oh siya halika na at iayos na natin tong mga gamit natin. Bagong lipat lang tayo ang dami nating gagawin.

Love... hindi ba pwedeng mamaya na yan? Sulitin muna natin yung bakasyon natin oh....

Ano na naman ba yang iniisip mo? Rj magtigil ka tanghaling tapat po oh...

Anong masama dun? Paano tayo makakabuo ng Sebastian at Celestine niyan?

Hindi magandang biro yan Rj ah! Ang daming gawain oh.

Lumapit ito kay Maine at binuhat papunta sa kwarto. Nagsisigaw naman si Maine at pinagpapalo si Alden.

Rjjjjjj..... Rrrrjjjj ano ba?! Nakakainis naman ! hhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaa... Nakikiliti ako! Ayoko na!

Ang bango talaga ng Misis ko! Huwag kang ano dyan Nicomaine ah... Hahahaha

Nakakaasar.... Mga ano mo Rj ah...

Hinalikan ni Alden si Meng habang buhat niya ito at sabay silang napahiga. HInawi niya ang buhok ni Meng na nakaharang sa mganda nitong mukha. Nasa ibabaw siya nito at nakatitig sa magandang mukha nito.

Bakit ang ganda ng misis ko? 

Bakit ang pogi ng mister ko?

Syempre may maganda kasi siyang misis kaya dapat laging pogi.

Talagang naniwala ka?

Oo bakit hindi ba Nicomaine?

Oo na pogi ka na! Pero ang dami pa natin gagwin oh....

Bago ang lahat eto muna gawin natin. Honeymoon stage naman tayo ah...

Rj... May umaga, tanghali, gabi at nakakailang miryenda ka pa nga eh...

Dagdagan ko pa yung miryenda ko! hahahahaha

Ewan ko sa'yo Richard!

Hinawakan niya ang mga kamay nito sabay halik sa mga labi papunta sa mga leeg nito. Walang nagawa si Maine sa sarap ng sensasyong nararamdam niya. Nag uumapaw na pagmamahal ang nangibabaw sa kanilang dalawa sa mga oras na yun. Pagkatapos ng ginawa nila na yun ay nakatulog sila. (Masyado ng SPG kaya ganyan na lang hahahaha)

Mga ilang oras ang nakalipas ng biglang may mag door bell. Nagising si Maine sa tunog na yun. Dali dali siyang nagbihis at bumaba para buksan ang pinto. Hindi na niya ginising ang natutulog na si Alden.

Oh kuya, Dean kayo pala. Asan sila tatay at nanay? Sila Matti?

Susunod daw sila, dito daw mag dinner. Magluluto daw si nanay.

Ah okay sige, nga pala Dean ayos pala tulungan mo kami ng kuya Rj mo mag ayos nitong mga gamit namin. 

Nicomaine hanggang ngayon hindi ka pa nakakaligpit?

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon