Instagram Hacking...

85 4 0
                                    

Love are you okay?

Okay naman pero sobrang nalulungkot ako.

Rehearsal ka pa ba?

Oo, ikaw?

Malapit na ko kami matapos, puntahan kita ha?

Sure ka ba? Baka naman pagod ka na?

Love naman, kahit anong pagod ko basta makita at makasama kita okay lang.

Salamat Love...

Saan???

Sa lahat lahat, sa pagmamahal at pag aalala. Alam kong hindi man natin maipakita sa buong mundo yung tayo eh ramdam na ramdam ko yung sobra sobrang pagmamahal.

Love, basta kahit anong mangyari huwag tayong bibitaw ha? Kahit anong pagsubok!

Oo naman, nandyan naman ang pamilya ko at syempre IKAW...

Huwag ka nang malungkot tungkol dun sa IG mo ha? Gagawin daw nila lahat maibalik lang yun...

Nakarinig si Alden ng maghikbi galing kay Maine.

Love, umiiyak ka ba?

Sorry, sobrang nalulungkot lang ako. Huwag ka ng mag alala please.

Sinong hindi mag aalala sayo eh ilang araw ka ng walang tulog tapos nadagdag pa yang mga hacker na yan!

Sige na, balik na ako. See you later Love.

Love... Please huwag ka na umiyak ha? Mamaya lang nandyan na ako. I love you...

Okay see you... I love you too... Bye..

Bye...

At ini END na nga ni Alden ang tawag na yun.

Oh Rj bakit mukhang nag woworry yang mukha mo?

Ma, si Meng kasi eh. Di ba nga nahack yung account niya sa instagram? Sobrang naaapektuhan siya dahil dun eh.

Pati ikaw nga naaapektuhan din eh, sambit naman ni Mama Ten.

Alam ko kasing sobrang importante yun para sa kanya. Andun yung mga memories nia na inipon. Mga comments ng mga nagmamahal sa kanyang mga fans at marami pang iba.

Huwag ka ng mag worry. Dapat nga mas malakasin mo pa yung loob niyang girlfriend mo eh.

Tama ka Ma, salamat sa paalala.

Sige na ayusin mo na yung mga gamit mo at tara na.

Ah Ma, mauna na kayong umuwi pupuntahan ko pa si Meng eh.

Sasabay na lang ako sa kanila nak, dalin mo na yang sasakyan mo.

Maraming salamat Ma.

Pagkalipas ng ilang oras nasa location na si Rj.

Oh Rj, ikaw na pala yan. Malapit na kaming matapos. Si Meng nandun pa senyasan ko na nandito ka na.

Sige maraming salamat Jecker.

**************************

Meng... nandyan na si Love mo!

Ahhh okay sunod ako, salamat.

Nang makita ni Meng si Rj, agad agad itong lumapit at yumakap.

I miss you...

Na miss ako talaga ng baby Menggay ko?

Ayaw mo maniwala?

Syempre naniniwala. Okay ka na ba? May dala akong mga food baka gutom ka na.

Medyo lang mamaya na sabay natin kainin.

Tapos na ba kayo?

Okay guys pack up na po tayo.

Oh yun pala tapos na kayo eh. Nasan gamit mo?

Nandun sa tent, wait kunin ko na tapos tara na.

Samahan na kita.

Kinuha na nga nila ang gamit ni Meng at nagpaalam sa mga kasamahan.

Nagkwentuhan lang sila sandali sa sasakyan at pina iglip niya muna si Meng. Alam niyang halos isang linggo na itong walang tulog.

Pagdating naman sa parking lot ng Condo ni Maine, hindi na niya ito ginising. Bagkus ay maingat niya itong binuhat papunta sa Condo nito. Bago pa man niya ito binuhat tinawagan niya muna si Dean upang salubungin sila at pagbuksan ng pinto.

Oh kuya, bakit di mo ginising si Ate?

Okay lang Dean. Masyadong napagod sa work Ate Meng mo. Ihiga ko muna siya dito sa Sala ha. Hindi pa naman ako uuwi. May mga pagkain pala sa sasakyan. Hindi ko na nabitbit at binuhat ko nga tong Ate mo.

Oh sige Kuya kunin ko na lang nasaan ba yung susi mo?

Eto oh. Sige salamat Dean.

Pumunta si Alden sa kwarto ni Maine at kumuha ng blanket para sa natutulog na si Meng.

Pagbalik niya ay kinumutan ito at umupo sa dulo ng sofa para makaunan sa kanyang mga hita si Maine. Matagal niya itong tinitigan, halos lumilipad na ang isip niya kakaisip sa magiging future nila. Mahal na mahal niya ito at pag nasasaktan ito ay mas lalo ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya namalayan naka iglip na pala siya. 

Maya maya ay nagising na si Meng. Nagulat siya na nandoon na pala siya sa Condo at nakaunan na siya kay Alden. Nangiti siya dahil nakatulog na din ito sa pagbabantay sa kanya. Tumayo siya at hinalikan ito sa labi, dahilan upang magising ito.

Ikaw ha? Nagnanakaw ka ng halik dyan purkit natutulog ako.

Bakit masama? Ikaw din naman ah...

Hehe, okay ka na ba? Gutom ka ba?

Okay ako... Okay na okay kasi nandito ka. Tsaka hoping na maibalik pa yung IG ko.

Maibabalik yun huwag ka na mag alala. Basta huwag na natin pansinin ang lhat ng mga yan. Ang importante okay ka at mahal mo ako mahal din kita. Yun lang sapat na.

Asus.... Napaka sweet naman ng Tisoy ko...

Ikaw Meng ha... Mga banat mo dyan. Halika nga dito payakap ako.

hmmmmmmmmm.... Namiss talaga kita Tisoy.

Mas lalo ako Meng... Tara kain tayo alam kong gutom ka na.

Love, hindi ka ba uuwi? Madaling araw na pala ah...

GUsto mo ba ko umuwi?

Ayaw ko sana eh... Kaso baka hanapin ka.

Tumawag na ko kay Dad. Tapos nagpaalam din ako kay Tatay na sasamahan ko kayo dito ni Dean at baka kako magpakamatay ka kasi nawala yung IG mo.

RRRRRRRRjjjjjjjjjjjjjjjj..... Hiyaw ni Meng ay sabay takbo naman ni Alden...

Napaka mo....

Ayoko na ayoko na... Joke lang naman... Pinapatawa lang kita...

Oh sige na halika na dito. Sabi mo kakain tayo.

Lumapit naman si Alden at yumakap dito sabay halik sa noo.

Okay na okay na ang baby ko oh...

Ewan ko sayo, shokoy...


One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon