Love waits... Part 2

72 4 0
                                    

Dumiretso muna sila sa tahanan ng mga Faulkerson upang ipaalam ang nangyari at pumunta na rin sa Bulacan.

Dad...

Oh iho saan ka ba nanggaling? Meng??? 

Dad mano po. Pasensya na po kayo, sorry po.

Naku anak huwag kang magsorry, ang mahalaga bumalik ka na.

Dad may gusto sana kaming sabihin sayo. Ngayong bumalik na sa akin si Meng hinding hindi na ako papayag na umalis pa siya.

Ate??? Ikaw ba talaga yan?

Rizzzzzzaaaaaaaa....... Mabilis na tinungo nila ang isa't isa at yumakap.

Ate buti bumalik ka na? Kung hindi baka nabaliw na yung kuya ko.

Sorry ha? Siguro talagang kailangan namin ng space eh.

Basta huwag ka ng aalis ah...

Oo naman, promise yun!

Maistorbo ko na kayo... Riza, Dad at kahit wala si Kuya...

Maine and I are getting "Married".

Rj? Meng?

Kuya? Ate?

Yes po Dad. Yes Riza.

Wow mga anak, tagal ko tong hinintay.

Grabe, kuya sa wakas....

Congrats sa inyo...

Congrats Ate, Kuya. I love you both.

Love na love ka din namin bunso.

Nagyakap ang buong pamilya. Naghanda na sila sa pagpunta sa Bulacan. Tumawag na din si Rj doon upang ipaalam ang kanilang pagdating.

Love bakit ang tahimik mo?

Medyo kinakabahan lang baka kasi magalit sila Tatay eh kasi di ba ngayon lang ulit ako magpapakita.

Maiintindihan ka nila Meng, kaya natin tong dalawa. Huwag ka ng kabahan ha?

Isang buntong hininga lang ang pinakawalan nito.

Salamat, patay ka talaga sa Tatay ko.

Ang mga bagay naman nadadala sa magandang pag uusap.

Alam ko naman yun. Pero nakakakaba talaga. Parang yung una kitang pinakilala sa kanila grabe.

Kaw naman, halika nga dito. Yayakapin na lang kita ng mahigpit para mawala yang kaba mo.

Salamat Love... Hmmmmmmmmmpppp...

Mga anak tara na kayo at baka gabihin pa tayo.

Sige po Dad.

Matapos ang ilang oras na byahe nakarating din sila sa Bulacan.

Rj, bakit mo kami pinatawag lahat? May problema ba? Oh pare kasama pala kayo nitong si Rj.

Oo pare talagang sumadya na kami dito.

Ano ba yun Rj?

At dahang dahang bumaba si Maine ng sasakyan at tinungo sila Rj at ang kanyang pamilya.

Meng anak?

Menggay????

Maryosep anak san ka nagpunta pinag alala mo kami.

Sabay yakap ng buong pamilya kay Maine, nag iiyakan na ang lahat.

huwag mo na anak uulitin yun ha? 

Tumango lang na sagot nito sa kanyang ina.

Mga ilang saglit din ang yakap nila na yun. Yakap na sobrang higpit. Yakap na punong puno ng pagmamahal.

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon