Cause I care...

95 3 0
                                    

Love, Okay ka lang ba? Bakit parang balisa ka?

Okay lang ako Love. 

Rj, umayos ka ng sagot. OKay ka lang ba?!  Tingnan mo nga yang sarili mo. Ako na mag drive sige na.

Kaya ko naman tsaka ngayon lang ako nagkatime sayo tapos ikaw pa mag drive. Okay lang talaga ko.

Richard ihinto mo na ako na magdrive!

Inis na si Maine! Hindi na niya mapigilang hindi magpakita ng pagkainis. 

Please naman Love huwag na natin to pagtalunan. Pagkahatid ko sayo uwi na din ako para makapagpahinga na ako. Please huwag ka na magalit.

Hindi na kumibo pa si Maine. Tahimik lang ito hanggang sa makauwi sa bahay. Alam ni Alden na naubos niya ang pasensya nito. Pero ang gusto kasi niya bumawi kasi halos isang linggo silang hindi nagkita dahil sa dami ng sched niya.

Love, I'm sorry na huwag ka ng magalit please. Uwi na ko then papahinga ako agad. 

Sabay yakap at halik nito sa pisngi. 

Sige na Goodnight, ingat ka. Matabang na pagkakasabi ni Maine.

Umalis si Alden na alam niyang may tampo pa din si Maine pero ayaw niyang sabayan ito kaya naman minabuti niyang bukas na ito suyuin tsaka gustong gusto na din niyang magpahinga.

Kinabukasan nasa barangay na si Meng. Nakatanggap naman siya ng tawag kay Alden pero di niya to sinasagot. Nakatanggap din siya ng text dito ng umaga na yun pero hindi pa din siya nagreply. 

Gusto niya kasing makinig naman sa kanya si Alden pagdating sa pagpapahinga. Masyado na din kasing inaabuso yung katawan kaya palaging may sakit.

Meng, hindi daw makakapasok si Alden kaya si Baste muna ang makaka usap mo sa screen.

Ate Pat bakit daw? Ano nangyari?

Meng, hindi mo ba alam? Ikaw ang girlfriend ah?

Ate Pat naman eh, nagkatampuhan kasi kami.

Eh kaya hindi pumasok!

Ate Pat naman...

May sakit yung boyfriend mo! Sus ikaw talaga Meng.

Hah? Yan na nga ba sinasabi ko eh. ANg tigas kasi ng ulo niya.

Biglang tumunog ang phone niya, nagtext pala si Daddy Bae.

from: Daddy...

Meng anak, hindi makakapasok si Rj. Eto may sakit. Ang tigas kasi ng ulo. Kanina nga gusto pa pumasok. Pinigil ko lang. Sabi ko ako na magsabi sayo kaya pinatulog ko na.

To: Maine...

Thank you Dad sa pagsabi. Ang kulit po kasi niyan eh. Pakisabi po magpagaling siya agad. Hindi ko po sure kung makapunta po ako pero gawan ko po paraan may sched po kasi ako mamaya eh. Salamat Dad love u po.

from: Daddy...

Love u din nak. Sige huwag ka na pumunta kung may sched ka. Makakapahinga naman tong si Rj. Ingat ka. Naka inom naman na siya ng gamot baka mamaya lang okay na siya.

To: Maine...

Sige po Dad. Salamat po ulit.

Hindi na mapakali si Maine. Hanggang matapos ang EB alalang alala pa din siya. Alam niyang kailangan siya ni Alden pero may shooting pa siya. Papunta na sila sa location.

Oy Meng tulala ka dyan? Iniisip mo si Alden?

Oo ate Pat eh. Alam mo naman yun ayaw paalaga sa kanila.

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon