Misunderstanding

110 3 0
                                    

Love akala ko ba pupunta ka dito?

Pagkatapos love nitong shoot.

Akala ko ba maaga kayo matatapos dyan?

Meng naman...

Ay sorry ha? Sige bye na...

MAy sasabihin pa sana si Alden pero binaba na ni Maine yung phone. Medyo bad mood kasi siya dahil akala niya sandali lang yung shoot na yun pero nagtagal dahil may nasirang wire na kailangan pang ayusin. Wala naman siya magawa. Hindi tuloy niya mapuntahan si Maine. Alam niyang pinangakuan niya ito at alam niyang iniintay siya nito.

Twitter:

@mainedcm

FINE!!!

Tumunog ang phone niya at may notification na dumating agad niya itong binasa at nadismaya siya sa tweet na yun. Alam niyang galit na ang Menggay niya. 

My Better Half...

Love, sorry na ha? Hindi naman sa ganun. Medyo na badmood lang kasi akala ko makakasama na kita agad tapos nagkaroon pa ng mga ganito. Don't be mad my love. I love you.

Kahit nabasa ni Maine ang text na yun hindi na niya ito nireplayan. Alam niyang mali din siya dahil alam naman niya ang trabaho ni Alden pero naging ganun pa rin siya, di ba dapat nga suportahan niya ito. Natulog na lamang siya para na din mawala ang pagkayamot, minabuti na lang niyang magpahinga kesa makipag away kay Alden. 

Pagkalispas ng ilang oras sa wakas natapos na din ang shooting ni Alden, dali dali niyang pinuntahan si Maine.

Pag dating ni Alden tulog pa din si Maine. Alam niyang may tampo pa rin ito sa kanya. Nilapitan niya ito at tinitigan habang natutulog. Napangiti siya at napaisip.

"Sobrang thankful ako kasi dumating ka sa buhay ko. Sa tingin ko ikaw na ang babaeng makakasama ko habang buhay. Parang hindi ko na ma imagine yung buhay ko ng wala ka. Ikaw yung nagpasaya sa akin ng sobra sobra. Mahal na mahal kita Menggay ko."

Sa mga sandaling iyon nagising si Maine. 

Anong nginingiti ngiti mo dyan? Hindi naman tayo bati ah? Bakit hindi ka pa umuwi? Hindi ito ang bahay mo!

Love naman, sorry na! Eto na ako oh wag ka na magalit please.

Eh bakit ka nakangiti kanina? May balak ka noh?

Susmaryosep! Nicomaine!

Eh bakit nga?

Ang sarap mo kasi titigan habang natutulog ka. Sobrang nakaka inlove. Tapos naisip ko lang na hindi ko na kaya pag wala ka, tapos sa tingin ko ikaw na yung makakasama ko habang buhay. Ikaw yung nagpasaya sa akin ng sobra sobra.

Walang nasabi si Maine. Tahimik lang siyang nakatingin kay Alden. Hindi na rin niya maimagine ang buhay niya na wala si Alden. Mahal na mahal niya ito.

Love ba't ang tahimik mo dyan?

Ewan ko sa'yo Rj mga banat mo nanaman ha?

Hindi ako bumabanat! Totoo yun. 

Sabay talikod nito kay Maine. Pagpapakita na nagtatampo siya dahil ayaw nitong maniwala.

Oh oh oi.... Joke lang... Para lang matago na kinikilig ako. Sorry na... Ako din naman eh sobrang hindi ko na din alam yung feeling pag wala ka. I love you...

Sabay yakap nito kay Alden. Naka back hug siya dito.

Hinawakan ni Alden ang kamay ni Maine at inalis ang pagkakayakap nito tsaka siya humarap dito at hinawakan ang mga pisngi nito.

I love you too.... Mahal na mahal kita... Sorry kung pinag intay kita ngayon. Miss na miss na miss na kita. 

Sabay halik nito sa mga labi ni Maine. Isang matamis na halik na parang ayaw na nilang matapos.

Love kumain ka na ba?

Hindi pa nga eh... Ipagluto mo ba ko?

Ano ba gusto mo?

Kahit ano basta luto ng misis ko!

Sige bangon na ko ipagluto kita. Pero teka ano ulit yung huli?

Hah?

Rj ano kako ulit?

Hahaha misis. Misis kita di ba?

Sabay hampas nito kay Alden. Magtigil ka nga dyan! Sa Tamang panahon. 

Basta! Gusto ko misis eh...

Ewan ko sa'yo! Sumbong kita kay tatay.

Hahaha... Sige papa alam ako kay Tatay Teddy.

Ganyan ka eh noh? Purket kakampi mo Tatay ko.

Huh?! Di ba kayo din ni Dad? Oh patas lang tayo.

Ikaw talaga halika nga dito, kakagatin talaga kita makita mo.

Sabay takbo naman ni Alden sa kusina at habol naman ni Maine.

Oh oh oh ayoko na Love, suko na ko. Asan nga pala si Dean?

Wala umalis. 

Solong solo ko pala ang misis ko ngayon eh, ay Love pala.

Magtigil ka Rj ha? Sasapakin na kita sa mga pinagsasasabi mo.

Joke lang naman. Hayaan mo malapit na hahahaha

Ewan ko sa'yo kahit kailan ka talaga!

Lumapit si Alden at yumakap kay Maine.

Love, dali na ipagluto mo na ko para makakain na tayo.

Opo na nga. Eh ang kaso hindi ako makakaluto pag ganyang nakayakap ka pa!

Hahaha sorry na... Sobrang namiss lang kita. I love you.

I love you too....

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon