My one and Only...

93 2 0
                                    

My Richard... calling....

Hindi napapansin ni Maine na may Tawag na pala si Alden sa kanya. Maraming beses na din tumatawag si Alden pero hindi ito napapansin ni Meng. 

Takang taka si Alden kung bakit ang dami na niyang tawag eh hindi pa rin nakakasagot si Meng. Nag iisip na tuloy siya kung may nagawa ba siya. Alam niya kasing walang shooting o kahit ano mang schedule ito kaya nagtataka siya kung bakit ayaw nitong sumagot.

My Richard... calling... 24 missed calls

Nagulat na lang siya ng biglang may nagsalita sa likuran niya.

Hoy! Ayaw ba sumagot? Kanina ka pa dyan ah? Sambit ni Jerald.

Nakakagulat ka naman. Kanina pa nga ako tumatawag eh pero hindi pa din siya sumasagot.

Baka naman busy lang o baka naman may shooting lang.

Pahinga niya ngayon eh. Kagabi pa kami hindi nag uusap eh.

Miss mo na noh??? Alulululu... Sasagot din yan makita mo.

Sana nga. Pero kinakabahan na talaga ko. 

Eh tara na mag rehearse na tayo ulit.

Sige sige sunod na ako.

Sunday ngayon at alam niyang free time ni Meng kaya nagtataka siya kung bakit hindi man lang nito napapansin ang mga tawag niya mula pa kagabi.

Iniiwasan naman niyang mag isip ng kung ano ano pero di niya pa rin mawala yung mga bumabagabag sa kanya. Nilibang na lamang niya yung sarili niya. Nagsimula na ulit siyang mag rehearse at maya maya lang mag airing na yung show nila.

Break time na nila at nasa back stage siya tinry ulit niyang tawagan si Maine pero wala pa din. Tumawag na siya kay Dean para ma confirm kung bakit o kung ano ang nangyayari.

Kuya Rj calling...

Hello kuya bakit?

Hello Dean, sorry sa abala nasaan si Ate Maine mo? Kagabi pa kami hindi nag uusap eh. Anong nangyayari? Medyo kinakabahan na ako eh. There's something wrong?

Hah? Kuya? Wala siya dito eh. Hindi ko din siya kasama. Mag isa lang siyang umalis kanina. Maaga nga siyang umalis eh. Hindi na kami nakapag usap.

Umalis? Saan naman pupunta? Ano naman nangyayari sa Ate mo na yun. Hindi na ko mapakali eh.

Kuya sige try ko siya tawagan ha? I'll call you later kung may update sa kanya. Alam mo naman din yung kapatid ko na yun daming trip sa buhay.

Sige. Salamat Dean. 

Natapos na ang tawag na yun. Napabuntong hininga na lamang siya. Parang nawawalan na siya ng ganang magtrabaho. Masyado na siyang nag aalala.

Pagkatapos ng Sunday Pinasaya niya may mall show naman ulit siya at siguradong gagabihin siya ng uwi. Napakadaming text at tawag na ang ginawa niya pero wala pa rin. Nagsisimula na siyang mainis. Kasi ang natatandaan niya sobrang sweet pa ni Meng nung huli nilang usap tapos ganito.

Natapos na ang lahat ng commitment niya ng araw na iyon. Marami ang nakapansin ng pagkayamot niya. Pauwi na sila ng Laguna.

Rj, ano ba problema mo kanina ka pa ganyan. Hindi na maipinta yang mukha mo. Samit sa kanya ni Mama Ten Ten.

Wala to Ma. Okay lang ako pagod lang. Iglip muna ko.

Anak alam ko yang mga style mo. Wag ka nga! Si Meng ba?

Ma naman sabi ko okay ako!

Ewan ko sayo Rj! Bahala ka na nga.

Nakarating na si Alden sa bahay. 

Pagpasok niya tahimik na siguro mga tulog na malapit na din kasi mag 12am. Pag bukas niya ng pinto nagulat siya kasi sobrang dilim naman kaya binuksan niya yung ilaw. Nagulat na lang siya ng may nakatayo sa harapan niya.

Natulala na lamang siya sa babaeng nakaharap sa kanya.

Ang ganda ng Menggay niya. Hindi tuloy niya maalis na tumitig lamang dito.

Hi Love. Sorry kasi hindi ako nagparamdam. I just wanna surprise you! Don't be mad na ha?

Sabay yakap nito kay Alden. Yumakap naman pabalik si Alden kahit na naiinis siya kanina, nawala lahat ng iyon dahil sa yakap na yun.

Anak, kanina pa yang si Menggay dito. Isusurprise ka daw niya. Ang dami niyang niluto. Yung mga paborito mo. Sobrang effort niyan para isurprise ka kaso mukhang pinagalit ka muna hahaha. Sabay tawa ng daddy ni Alden.

Niyakap ulit ni Alden si Menggay.

Mahilig ka talaga sa mga ganito kahit na mamamatay na ako sa pag aalala. Ang dami mong alam eh. Pero na appreciate ko. I love you...

I love you too... Happy monthsary Love... It's already 12 midnight. Sakto pag uwi mo.

Kaya pala ha? Hindi na niya napigilang halikan ito.

Happy monthsary din Love. Your Da best! I love you I love you I love you....

Ofcourse your my one and only. You're very very special so I prepare something special. Tara kain na tayo!

Tara... nawala yung pagod ko ah... Dito ka magstay? Sabay na tayo bukas?

Ayoko nga...

Love naman eh... Please... Yan na lang kabayaran sa pagpapagalit mo sa akin kanina.

Ayaw ko pa din...

Please........

Okay okay... I'll stay...

Yessssssss.... Dad..!!! Maine will stay here overnight. Is it okay?

Ofcourse! Sige na at mag dinner na kayo ako eh matutulog na. Enjoy the night. Love you mga anak.

Love you din po Dad. -Alden

Love you din po Dad. Thanks a lot. -Maine

Yesss masosolo ko din ang Love ko. Salamat sa surprise. 

Isinurprise na nga kita pinag overnight mo pa ko dito.

Syempre! hahaha Daan na lang tayo sa condo mo bukas para sa mga clothes mo.

Okay na may dala naman ako.

Oh my handa siya oh! hahaha

Kinurot siya ni Maine sa tagiliran.

Syempre alam kong dito mo ko papatulugin. Kaya handa na ako.

Hahaha. You know me a lot my Love! Nga pala Love alam ba ni Tatay na dito ka matulog? Gusto mo tawagan ko siya para di siya mag alala. Wait I'll call him muna.

No.. no.. no.. Okay na! Nakapagpaalam na ako. Everything's Okay na kaya don't worry.

Asus asus... Handa ka talaga ha? Halika nga dito payakap nga dali. Susulitin ko na. Hahaha

Nakakarami ka na Love ah...

Okay lang... Hahaha I love you. Namiss kita sobra.

Mas namiss kita. I love you too..

Happy Monthsay my Love...



One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon