Future...

91 3 0
                                    

Hi Love...

Hello, oh bakit ganyan itsura mo? Bakit ka natatawa mag isa? Rj ah...

May naiisip lang ako. Halika nga dito, upo ka sa lap ko dali.

Rj mga ano mo ha?! Mamaya kung ano isipin nila sa labas pag nakita tayo tapos tayong dalawa lang dito sa tent.

Hayaan mo sila dali, tara na dito.

Okay fine, eto na nga oh...

Ahm Love, naisip ko lang kasi pano kung ikasal na tayo tapos magkababy na tayo. Ang saya siguro nun! Nakaka excite mag imagine.

Naku Rj mga iniimagine mo ha?! Utak mo ha?!

Susmaryosep Meng! Ang iniimagine ko yung family natin hindi yung....

Hahahaha i know! Bat ang defensive mo?

Naku ikaw talaga! Sabay kurot nito sa tagiliran ni Maine.

Ako gusto ko ipangalan pag boy Sebastian tapos pag girl Celestine. Di ba ang ganda? You like it?

Nakangiti lang si Alden habang nakatitig kay Meng. Alam niyang ayaw nito sa mga ganitong usapan pero ngayon mukhang game na game ito.

Love? ayaw mo?

Ha? Ah eh... Syempre gusto ko ang ganda nga eh.

Bakit ba natutulala ka?

Wala lang, sobrang happy lang ako. Hayaan mo love malapit na yun.

Malapit ka dyan? 3 years pa lang tayo ah. Sabi mo 5 years.

Paano kung ready na ko?

Oh tapos?

Meng naman...

Tapos nga???

Parang ready na ko eh, ikaw?

hah? eh....

Okay lang naman kung hindi ka pa ready, kaya ko naman mag intay eh.

Love... what if parang ready na din ako?

Then, we can make a plan!

Plan? for what?

Oh my Meng... Ofcourse to our marriage.

Hah? You think that can we make it?

Why not? We loved each other and we promised that it last forever.

Okay then make a proposal!

Really??? Totoo ba 'to??? Meng are you sure?

Mukha ba akong nagbibiro? Kakainis ka!

Oh my god., Thank you Lord for this wonderful day... Thank you, thank you.

Niyakap ni Alden si Maine ng sobrang higpit. Nang sandaling iyon pumasok ang isa sa mga staff at sinabi na magready na sila. After ng sho0t na yun hinatid na ni Alden si Maine sa condo at nagmamadaling umuwi.

Sa Laguna...

Dad, can we talk?

Oh ang aga mo ata? Sure...

Dad, ahm I think i'm ready to settle down. To have a family on my own. Is that okay? What do you think?

Anak, kung handa ka na why not?! Sa tingin ko eto na yun. Huwag ka mag alala sa amin kasi sobra sobra na yung binigay mo sa amin. Hayaan mo naman na maging masaya yang sarili mo. Wala akong katutol tutol sa inyo ni Meng. Kung nandito ang mama mo i think masaya siya for you. Do it for yourself anak. Mahal na mahal kita.

Tumulo na ang luha nilang mag ama, umiyak si Alden at yumakap sa ama ng mahigpit. "Thank you Dad, thank you. I love you too."

Makalipas ang ilang linggo...

Love sunduin kita dyan sa condo ha?! I'm on my way. See you soon i love you.

Okay I love you too.

Pagtapos sunduin si Meng dumiretso na sila sa location.

Ang ganda naman dito! Bakit ganito yung set up? Ang daming flowers akala ko ba Tide yung TVC natin?

Halika dito dali, lumakad sila papunta sa isang maliit na stage na may nakapalibot na bulaklak at mga ilaw.

Oh dito ka lang ha? Dyan ka lang...

Rj, ano ba nangyayari?

Nagulat siya ng mawala bigla si Alden. Tapos biglang bumukas ang isang malaking screen, nandun lahat ng happy memories nila pati mga pictures together at narinig na niyang kumakanta si Alden.

For all the times
I felt cheated
I complain
You know how I loved to complain

May dala itong bulaklak habang papalapit na kumakanta sa kanya. Unti unti ng pumapatak ang mga luha sa pisngi niya.

For all the wrongs
I repeated
Though I was to blame
I still cursed that rain

Nagulat si Meng ng unti unting nagsilabasan ang pamilya niya at pamilya ni Alden pati ang mga dabarkads at malakapit sa kanila.

I didn't have a prayer,
Didn't have a clue
Then out of the blue

Nasa harap na niya si Alden. Inabot sa kanya ang bulaklak at hinawakan ang kanyang mga kamay.

God gave me you to show
me what's real
There's more to life than
jush how i feel
And all that i'm worth is
right before my eyes
And all that i live for though
I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you...

Sabay luhod nito habang hawak ang kanyang mga kamay.

Meng alam ko na ready na ako at sure na sure na ko dito. Sa dami ng pinagdaanan nating dalawa alam ko kahit kailan hindi mo ako iniwan. Alam ko na ito na yung Gods perfect time! Alam kong talagang destiny na magkakilala tayo. Alam kong ikaw ang hatid sa akin ni Mama! Alam kong kakayanin natin lahat ng pagsubok kasi magkasama naman tayo. Maraming salamat sa pagmamahal, pag intindi, pag aalaga at laging nandyan sa tabi ko. Kahit na ayaw mo ng mga cheesy na bagay pero kahit gaano kacorny ng mga pinagsasabi ko alam ko kinikilig ka deep inside. Maraming marami pa akong gustong sabihin pero eto talaga yun!

"Nicomaine Dei Capili Mendoza, can you be my sister, my mom, my buddy, my bestfriend, my doctor, my nurse, my enemy!"

Sabay hampas ni Maine at nagtawanan ang lahat. Kinuha ni Alden at maliit na kahon sa kanyang bulsa at binuksan ito sa harap ni Maine. Nakapaloob dito ang singsing.

"Nicomaine Dei Capili Mendoza, will you be my wife forever? For the rest of our lives?"

Maririnig mo na ang mga hikbi ng pag iyak ni Meng. Nakaluhod pa din sa harap niya si Alden at hawak ang maliit na box na pinaglalagyan ng singsing.

Nakakainis ka, akala ko nagbibiro ka lang nung nakaraang linggo. Akala ko nag iimagine ka lang ng future natin pero eto na nagsisimula ka ng buuin yun! Alam ko kung gaano mo ako kamahal, alam ko din na ikaw na talaga yung nakalaan sa akin! Ikaw na yung pinaka pabebe sa lahat! Ikaw na yung nag iisang shokoy ko, Tisoy ko!

"Richard Faulkerson Jr. Alam kong eto na yung right time to say YES I WILL BE YOUR WIFE FOREVER AND EVER AND FOR THE REST OF OUR LIVES. I LOVE YOU LOVE."

Isinuot ni Alden ang sing sing at mahigpit na niyakap si Maine. Halos lahat naiyak sa mga orasa na yung lalo na ang kanilang mga magulang. Nagpalakpakan ang lahat. Isang matamis na halik ang ibinigay nila sa isa't isa.

Mahal na mahal kita Meng...

Mahal na mahal kita Rj...

Malapit na tayo magka Sebastian tsaka Celestine!

Rj!!! Manahimik ka nga! Kasal muna...

Alam ko Love... Nakaka excite lang...

Ewan ko sayo!!! Bahala ka dyan...






One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon