Love Waits...

87 3 5
                                    

Bakit ganito Ma? Bakit ganun ganon na lang para sumuko siya? Mahal na mahal ko siya Ma, hindi ko na yata kayang wala siya sa tabi ko. Ma, tulungan mo naman akong pabalikin siya sa buhay ko. Hindi ko siya mahanap, napapagaod na din ako pero ayoko pang sumuko. Ma, please gabayan mo ako kung nasaan ang Menggay ko. Please Ma, please.

Pagsusumamo ni Alden sa harap ng puntod ng kanyang ina.

Flashback....

Hindi ka ba nahihirapan sa ganito? Kasi ako hirap na! Iniintindi ko naman lahat eh pero minsan may hangganan din ako!

NICOMAINE! Ano ba to? Mag aaway lang ba tayo? Ngayon lang tayo nagkita tapos ganito pa? Ano bang problema mo?!

So ikaw pa ang galit?! Damn!

Please naman huwag na tayong mag away!

Kung ako ayoko naman talaga ng away pero sagad na ko! Kung hindi mo ko kayang isabay sa mga priorities mo edi okay, mas mainam pasigurong lumayo muna ko!

Maine naman alam ko napakadami ko ng pagkukulang sayo pero para din naman sa atin to eh.

Rj naman tao lang ako nasasaktan at nahihirapan din. Oras na nga lang hindi mo pa maibigay! Simpleng good morning at goodnight nga wala eh! Matagal ko tong pinag isipan, masakit na kahit sobra kitang mahal gagawin ko to para din sayo. Dahil alam kong hirap ka na din sa relasyong ito.

Huwag mong gagawin sa akin yan Meng, nagmamakaawa ako sayo!

Tuluyan ng bumuhos ang kanilang mga luha.

I'm sorry Rj but it's OVER!

Punong puno ng lungkot na tumingin ito kay Maine. Alam niyang hindi ito nagbibiro at alam niya ang sobrang sakit na nararamdaman nito pero oo gago siya eh, gago siya kasi sinasaktan niya ang babaeng pinakamamahal niya!

I'm sorry Meng. Pero huwag mo naman gawin sa akin to.

No Rj, balang araw magpapasalamat ka din sa akin kasi ginawa ko to. Maraming salamat sa lahat lahat. Mahal na mahal kita, salamat sa napakaraming taon natin hinding hindi ko yun makakalimutan. Sana mahanap mo yung buhay na para sayo. I Love You my Love!

Please Maine! Please..... I love you too my Love....

Bumaba na si Meng ng sasakyan at tuluyan ng umalis. Naiwan si Alden na umiiyak sa loob ng sasakyan. Dinukot niya ang isang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Matagal na niya itong laging dala dala, nag iintay ng tamang tyempo para maisuot sa daliri ng kanyang pinakamamahal na Menggay. Hindi siya susuko, hindi siya bibitiw sa kanyang mga pangako.

End of Flashback...

Ang tagal tagal ko na siyang hinahanap pero bakit ayaw niya sa akin magpakita Ma? Para na kong mababaliw, kahit pamilya niya hindi alam kung nasaan talaga siya dahil ayaw niya magpakita. Sobrang nag aalala na ko Ma. Sana gabayan mo siya ha? Papakasalan ko pa yun! Nagulat siya ng biglang mag ring ang telepono niya.

Hello Rj anak?

Po tay. Bakit po? May problema po ba?

Oh mukhang umiiyak ka na naman? Itatanong ko lang sana kung may balita ka na ba sa Menggay ko?

Patawarin niyo ako Tay kung pati sa inyo lumayo si Meng. Gagawin ko po lahat makita lang siya.

Alam ko naman anak kung gaano mo kamahal ang Menggay ko. Alam kong magpapakita din siya. Sige anak ha, mag iingat ka.

Salamat po Tay, maraming salamat.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan niya matapos ang tawag na yun. Alam niyang matagal na din ng wala si Maine. Halos mag iisang taon na.

One Shot...Richard & Maine...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon