#16
You don't belong here..Andrea's POV
Pagkatapos namin magdinner ay kinausap na ni tito si Tristan kaya naiwan kami nina tita, Zee at Wendy.
"So, ladies maiwan ko muna kayo. Magpapaready lang ako ng snack." Tumayo na si tita at umalis.
Grabe, kakatapos lang namin kumain may snack kaagad? Okay na rin yun para may ma-burn naman na fats sa akin kapag nagwowork out ako.
"Shanina right?" Tanong ni Wendy kay Zee. Hindi yata nya tanda ang pangalan ni Zee. Yan ba ang best friend? My God!
"It's Zianina!" Pagtatama ni Zee sabay irap.
Hindi naman napansin ni Wendy ang ginawang pag-irap ni Zee dahil busy ito sa phone nya. Parang may katext sya.
"I just want you to know that I still hate you." Sabi nito na hindi man lang tumingin sa amin.
Napanganga naman kami ni Zee sa sinabi nya. Alam kong napakaprangka nyang tao pero yung sabihin ang bagay na yun sa kapatid ng best friend nya at nasa pamamahay pa sya nina Zee. Ang kapal ng mukha nya! Really.
Magsasalita na sana ako pero pinigilan ako ni Zee.
"I can handle this." She mouthed. "Don't worry, Wendy. I also hate you and just to tell you galit si kuya sa mga taong manloloko kaya good luck sayo."
Tumingin sa amin sya sa amin. Magkatabi kasi kami ni Zee. Nakaupo kami sa gilid ng pool while Wendy's sitting on the beach chair.
"Tristan knows the real me so I'm not worried at all." She said.
Nagkibit-balikat na lang kami ni Zee. Hindi na namin sya pinansin at naglaro na lang kami ng tubig ng pool. We were busy playing with the warm water from the pool when someone kicked my back.
"Hey! What's wrong with you?!" Tiningnan ko ng masama si Wendy.
Alam ko naman na sya ang sumipa sa akin. Nakaupo kasi kami malapit sa inuupuan nyang beach chair at kami lang naman tatlo ang nandito. Imposible naman na si Zee dahil magkatabi kami at ang alam ko wala namang multo dito sa bahay nina Zee.
"Oops! Sorry akala ko kasi walang tao." Nakangisi nyang saad.
Nagbilang ako ng sampu saka sya inirapan. Palalampasin ko ngayon ang kabaliwan nya pero kapag inulit nya pa, pasensyahan na lang.
"Hayaan mo na sya, Andz. Wala lang magawa ang baliw na yan." Bulong ni Zee.
Napatawa naman ako kaya napatingin sa amin si Wendy. Tinaasan ko lang sya ng kilay saka nakipagkwentuhan kay Zee.
Nagkwentuhan lang kami ni Zee. Yung tipong hindi maririnig ni Wendy. Bakit naman kasi ang tagal matapos ng pinag-uusapan nina Tristan at tito? Kanina pa yun ah.
Splasshh!!!
Nagulat ako nang biglang may tumulak sa akin kaya nahulog ako sa pool.
I can't swim.
What will I do? I don't know how to swim. Ginalaw ko ang mga kamay at paa ko pero useless dahil lumulubog pa din ako.
I can't breath.
Zee's POV
Nagkukwentuhan kami ni Andz ng tungkol kay kuya Tristan. Kanina pa kasi sya wala eh. Nawili ata sila ni Dad sa pinag-uusapan nila.
Kinukwento ko kay Andz yung nangyari kay kuya nong college nong nanalo siya na Mr. Popular. Biglang may tumulak kay Andz causing her to submerged into the water. Na-shock ako sa nangyari kaya hindi kaagad ako nakapag-react.
BINABASA MO ANG
Loved by the CEO: Tristan Salviejo Story
General FictionAndrea Jeniza Luna. She is the girl loved by the CEO. The girl who chose to break his heart. Tristan Salviejo. CEO of Salviejo Empire. He loves her so much that even though he's been hurt, he chose to love again. Paano nga ba magmahal ang isang Tris...