CEO17

19.8K 391 1
                                    

#17
I'm watching you..

Tristan's POV

Mabilis akong sumunod sa ospital para malaman ang kalagayan ni Iza. Natatakot ako na baka may nangyari sa kanya na masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yon.

Hindi ko din lubos maisip na magagawa yon ni Wendy. Nag-usap na kami tungkol kay Iza at sinabi naman nya na okay sa kanya si Iza pero bakit nya ginawa yon. Bumabalik na naman ba ang sakit nya? Akala ko ba pinagamot na sya ni Tito sa America.

Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.

"Tristan!" Sinalubong ako ni Mommy ng yakap.

Kasunod naman nya si Dad na tinapik ako sa balikat.

"Kamusta po si Iza?" Tanong ko at kumalas sa yakap.

Si Dad ang sumagot. "Marami syang nainom na tubig. Nakasama din sa kanya yung chlorine content ng pool. Kakalagay lang kasi ng chlorine sa pool natin nong time na yon."

"Sana maging okay na sya." Saad ni Mom. "Ano ba kasi ang nangyari, Tristan?"

Napayuko ako sa tanong ni Mommy.

"Tinulak po sya ni Wendy." Mahina kong sagot.

"Sinabi na nga bang hindi gagawa ng maganda ang babaeng yon eh! Bakit kasi sinama mo pa yon sa bahay? Look what she have done?!" Galit na saad ni Mom.

"Mom, hindi naman daw po nya sinasadya yung nangyari." Pagtatanggol ko kahit alam kong hindi ko dapat tinotolerate ang ugali nya. Kahit papaano kasi may pinagsamahan din kami ni Wendy. Best friend ko sya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tristan?! Nasa kritikal ngayon ang buhay ng best friend ng kapatid mo dahil sa baliw mong kaibigan! Sinabi ko na sa'yo na layuan mo na ang babaeng yon." Nasaktan naman ako sa sinabi ni Mom.

Pero at some point, tama din sya. Napahamak ang best friend at taong mahal ko dahil sa best friend ko.

"Hindi lang best friend ni Zianina ang kritikal ngayon dahil sa kaibigan mo, Tristan." Makahulugan akong tiningnan ni Dad. "The woman you love is critical right now."

Nagkatitigan kami ni Dad saka ako tumingin kay Mom na dismayadong umiling sa akin.

"Nasaan ang room ni Andrea Jeniza Luna?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking humahangos na kausap ngayon nong nurse. Kilala ko sya.

How can I forget the man my sister loved. Jethro Luna.

Lalapitan ko na sana si Jethro nang makita ko si Zia na papalapit. Palinga-linga ito habang lakad-takbo ang ginagawa. Muntik pa nitong mabunggo si Jethro.

Nagatinginan yung dalawa pero si Zia ang unang bumawi ng tingin at tumingin sa gawi ko.

"Kuya!" Aniya saka lumapit sa akin.

Niyakap ko sya saka pinapunta kina Mommy. Nilapitan ko si Jethro.

"Ginagamot pa si Iza." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya nang tingnan ako. He must have been forgotten me.

"Tristan?" He asked.

Tumango naman ako.

"What happened to Andrea?" Nag-aalala nitong tanong.

Niyaya ko naman sya sa pwesto nina Mommy.

"Nalunod sya sa pool namin." Tanging sagot ko.

"What? How come? Alam naman ni Andy na hindi sya marunong lumangoy kaya bakit sya maliligo sa pool?" Naguguluhan na sya kaya sinabi ko na ang buong nangyari.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon