CEO64 - Anonymous

16.7K 291 4
                                    

#64 - Anonymous

.

Andrea's

.

Naging kliyente nga namin si Tristan at dahil kliyente sya nagawa nyang mapapayag si Ms. Rogers na ang team namin ang mag-asikaso sa kanya.

Nasabi ko na ba sa inyo na sa isang architectural amagazine company kami nagtatrabaho. Dahil doon madali kay Tristan na maging kliyente namin dahil may magazine din sya na minamanage, ang The Billionaire, na sister company pala ng kompanya namin. Ngayon ko lang yun nalaman dahil ngayon ko lang nalaman na si Ms. Rogers pala ay kaibigan ni Tristan. Napakaliit ng mundo diba? Baka nga more than friends pa sila eh.

Anyway, speaking of Ms. Rogers, nasa opisina nya ako ngayon.

"Pinatawag kita, Andrea dahil nalaman ko na may nakaraan pala kayo ni Mr. Salviejo and worst you were supposed to be his wife. Anong nangyari?"

Worst talaga? What a word naman.

Akala ko mahalagang bagay ang pakay nya kaya nya ako pinatawag, makikiusyoso lang pala sa nakaraan namin ng kaibigan nya.

"May bagay lang po na nangyari na kinailangan naming magdesisyon para sa sarili namin." Bahala na syang intindihin yun. Basta ayoko mag-open sa kanya.

"I see." Pinaglaruan nya ang sign pen na hawak. "What will you do now that he's our client and he chose to work with your team. Hindi ka ba naiilang?"

Ngayon ko lang nalaman, tsismosa din pala si Ms. Rogers.

"Why should I, mam? We're professionals here and professionals work with their personal lives out of the sheet." Beauty queen ang peg ng sagot.

Tinaasan nya ako ng kilay. Ano bang gusto nyang malaman at mangyari? Alam ko naman na masungit at suplada si Ms. Rogers pero hindi ko alam na mahilig din pala syang ungkatin ang buhay ng subordinates nya.

"You're right." She pursed her thin lips. "So, I'm expecting you to work with Mr. Salviejo professionally."

"I'll keep that in mind."

She sent me out of her office after that.

Ang mga ka-team ko naman na mga usyosero at usyosera ay nakaabang sa cubicle ko.

"Anong sabi ng CEO?" Keina asked.

"Bakit ka nya pinatawag?" Yeza followed me on my seat.

Umupo naman sa table ko si Viola. "May bonus daw ba tayo?

I looked at Viola in disbelief. Bonus talaga ang nasa isip?

"Is it about our new client?" Si Gio.

"Naku, baka naman may something yang si Madam kay Papalabs mo." Cyrus blurted.

Isa-isa ko silang tiningnan at mabilis na pinagpapalo ng hawak kong folder.

"Bumalik nga kayo sa tables nyo at gawin ang mga trabaho nyo."

Nagsibalikan nga sila sa kani-kanilang mga mesa. Ako naman ay hinarap ang libu-libong emails ng mga readers. Hindi pa umiinit ang mata ko sa pagtitig sa screen ay may tumawag naman sa pangalan ko.

Si Yeza.

"Ate Jen, someone's looking for you." Narinig kong sabi ni Yeza.

"Sino daw?" Nakapako pa din sa monitor ng computer ang mata ko.

"Si kuya na pogi."

Automatic na napalingon ako pagkarinig ng salitang pogi. Pumasok kasi kaagad sa isip ko si Tristan pero paglingon ko isang delivery boy ang bumungad sa akin.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon