CEO41 - Acceptance

16.1K 336 4
                                    


#41- I'm wrong.

.

TRISTAN's POV

..

..

Mula sa aking sasakyan ay tanaw ko ang may kaliitan na bahay kung saan pumasok si Andrea. Two storey house yun pero hindi kalakihan at hindi kagandahan ang ayos. Halata na luma na ito.

Lumabas ako ng sasakyan at lakas loob na pumasok sa loob ng tarangkahan. Naiwang bukas ni Andrea ang gate dahil na rin sa pagmamadali siguro kanina.

Mabagal ang mga hakbang ko habang papalapit sa pinto ng bahay. It was half open kaya rinig ko ang ingay ng dalawang tao sa loob ng bahay. Sumilip ako sa pinto at mula doon ay nakita ko ang nakatalikod na si Andrea. Kaharap nito ang babaeng pamilyar sa akin. Her stepmother.

"Mom, you need to take these medicines if you want to get better." Pagmamakaawa ni Andrea sa kaharap.

Tulala lang naman ang babae habang nakatanaw kay Andrea.

"Sabi ko naman sayo, anak, magaling na ako. Hindi ko na kailangan nyan." Pilit na ngumiti ang may katandaan nang babae.
"Mommy, naman eh! Sabi ng doctor one month pa ang medication mo bago nya masabi na magaling ka na. Kaya please.. Take this medicine." Naiiyak na si Andrea sa pagpilit sa ina.

I was frozen when the woman's eyes averted on me.

"Iinumin ko yan, anak, kung papapasukin mo ang nobyo mo na nasa may pinto." Magiliw akong nginitian ng babae.

Automatic naman na napalingon si Andrea sa gawi ko. Nagulat ito pero nakabawi din kaagad. Binalik nya ang pansin sa ina.

"Hindi ko sya nobyo, mom. Inumin nyo na 'to para makapagpahinga na kayo."

Sinunod naman ng babae ang sinabi ni Andrea.

"Pasok ka muna. Ihahatid ko lang si mom sa kwarto nya."

Kahit di nya ako tinitingnan alam kong ako ang kausap nya kaya tumango na lang ako.

Pinanood ko silang mag-ina na umakyat ng hagdan. Ilang sandali pa ay bumaba na din si Andrea with her exhausted face.
"Upo ka." Saad nya saka ako nilampasan at dumiretso sa parang kusina ng bahay. "Gusto mo ng maiinom?" Alok nya.

"Tubig na lang." Tipid kong sagot saka umupo sa kahoy na upuan.

Binuksan nya ang maliit na ref sa sulok at nagsalin ng tubig sa baso saka inabot sa akin.

"Bakit sinundan mo ako?" Tanong nya nang makaupo sa upuan na kahoy malapit sa akin.
Sasagot na sana ako nang magsalita ulit sya.

"Inaalam mo ba kung saan ako nakatira or inaalam mo kung saan kami nakatira ng sinasabi mong asawa ko?" May panunudyo sa tinig nya.

A part of me wanted to answer yes to her question. Yun naman kasi talaga ang pakay ko kaya ko sya sinundan. Pero ngayon kinakain ako ng curiosity ko.

"Nasaan si William? Dito ba kayo nakatira?" Magkasunod kong tanong.

Ngumisi sya saka tumayo para ibalik sa kusina ang ginamit kong baso.

Is she avoiding my question?

Malapit lang yung kusina nila at mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang paglungkot ng kanyang mukha habang nakatitig sa kawalan.

Mukhan malalim ang iniisip nya kaya naglakas loob akong lapitan sya.

"May problema ba, Andrea?" Tanong ko.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon