CEO9

24.2K 413 3
                                    

#9
You're nothing without me..

Andrea's POV

"Kuya, where are you now?"

Tinawagan ko kaagad si kuya pagatapos namin maglunch ni Tristan. May meeting pa na pupuntahan si Tristan kaya maaga kaming nagkahiwalay. Medyo may ilangan pa dahil nga sa sinabi nya na gusto nya ako. Ewan ko ba kung bakit ako naiilang. Sanay naman ako na nasasabihan ng ganon. Hindi nga lang ng tulad ni Tristan.

"Office, why?"

Shet! Anong oras na ba? Bakit nasa office pa sya?

"Wala naman. What time are you coming home?"

"I'll be home early. Bakit bigla mong naitanong?" Nakakahalata na siguro sya na may kailangan ako sa kanya. Kapag nalaman nya na makikipagkwentuhan ako about kay Zee baka hindi na yun umuwi sa mansion.

"Nothing, kuya. Be home at exactly 6 pm, okay?"

Hindi ko na sya hinintay na makasagot. Mabilis kong pinutol ang tawag at saka pinaandar ang kotse ko. Pauwi na din kasi ako pero dadaan muna ako sa puntod ni Mama. Ilang linggo na din akong hindi nakakadalaw sa kanya.

-----------

Nakaupo ako sa tapat ng puntod ni Mama.

"Mama, pasensya na po kayo ngayon lang ako nakadalaw. Masyado po kasi akong naging busy sa shop eh." Nilinis ko ang lapida ni Mama. "Alam mo Ma, may kapatid pala si Zee at sya yung tumulong sa akin para maisalba ang pinaghirapan mo. Ang bait nya Ma dahil tinutulungan nya din yung foundation ni ate Vuena. Nakakalungkot nga lang dahil parang ginagamit ko sya para maisalba ang mga mahahalaga sa akin. Am I being bad, Ma?"

Napabuntong hininga ako habang nagsisindi ng kandila. Inayos ko din ang bulaklak na dala ko para kay Mama.

"I miss you, Mama. Namimiss ko na ang mga yakap mo. Kahit matagal ka ng wala dito sa mundo pakiramdam ko kahapon ka lang nawala. Mama, pwede po bang magsumbong sa inyo?" Suminghot ako para pigilin ang pag iyak.

"Mama si Dad kasi eh..pinapahirapan ako. Gusto nya na igive up ko ang shop para ihandle ang business nya. Ayokong pumayag kaya dinadamay nya ang mga taong mahahalaga sa akin. Lalo na ang mga bata." Napaiyak na ako. Sobrang bigat ng kalooban ko ngayon at si Mama lang ang kaya kong pagsabihan ng mga nararamdaman ko.

"M-Mama..si tita Leslie gusto akong ipakasal sa anak ng best friend nya. Ayoko magpakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko gusto, Ma." Humagulhol ako sa harap ng puntod ni Mama.

Lahat ng sama ng loob ko ilalabas ko na ngyon dahil sigurado ako na magkakasagutan na naman kami ni Dad mamaya pag uwi ko. Lagi naman ganon eh. Wala na akong kalayaan. Kung hindi ako magmamatigas kokontrolin nila ako na parang isang manika.

"Mama.. miss na miss na kita. Bakit mo pa kasi ako binigay sa ama ko? Hindi naman sya mabuting ama eh."

Pinahid ko ang luha ko saka pilit na ngumiti. Kahit papaano nabawasan ang bigat ng dinadala ko.

"Mabuti na nga lang may mga taong nagpapahalaga sa akin tulad ni kuya Jethro, pati si Zee.. at si.. Tristan."

Tumibok ng malakas ang puso ko nang banggitin ko ang pangalan nya. Weird!

"Mama, posible ba na magkagusto sa isang tao kahit kakakilala pa lang? Si Tristan kasi sinabi nya na.. gusto nya ako."

Bigla namang umihip ang malamig na hangin sa bandang likod ko. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Hindi dahil sa lamig kundi sa takot.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon