CEO23

17.8K 366 7
                                    

#23
The Confession

Andrea's POV

Nasa opisina ako nang magtext si William na magkita kami sa mall. After ng ginawa nyang pagligtas sa akin mula sa kamay ni Alrick naging magaan na talaga ang loob ko sa kanya.

Pagdating ko sa mall ay sinalubong ako ni William. He's wearing a plain white t-shirt and a cream shorts. Napaka-simple lang ng suot nya pero ang gwapp nya pa din parang si Tristan.

Akala ko talaga si Tristan sya nong gabing yun. Magkamukha sila eh.

"Let's go. Nag-lunch ka na ba? Don't tell me hindi pa."

Napangiti naman ako sa concern nyang mukha. Kung mas nauna ko lang nakilala si William baka sya ang minahal ko. Kaso nauna ang kumag na si Tristan eh.

"Nag-lunch na kami ni Zee. Let's grab some snacks na lang."

Hinila ko sya papunta sa isang ice cream parlor.

"Ate, dalawang soft ice cream po. Double dutch and cheese." Sabi ko sa tindera.

Ngumiti naman ito sa amin, kay William actually. Sa gwapo ba naman ng kasama ko sinong hindi mapapangiti.

"Eto po yung order nyo, ma'am. 350 po."

Iaabot ko na sana yung 500 pesos pero naunahan ako ni William. He gave 1000 peso bill.

"Keep the change, Ms. Beautiful."

Namula naman yung tindera sa sinabi ni William. Maganda naman talaga yung tindera. Konting ayos lang kalevel na nya si Emma Roberts.

"Thank you, Miss." Sabi ko sa tindera na kinikilig pa din.

Hinila ko na si William palabas ng ice cream parlor. Naglakad lakad lang kami habang kumakain ng ice cream. Sa akin yung cheese sa kanya naman yung double dutch.

"Andrea, diba nanliligaw sayo yung may-ari ng Salviejo Empire? Si Tristan."

Napatingin ako kay William. Paano nya nalaman ang bagay na yun?

"Ahm.. Oo. Bakit mo naitanong?" Tanong ko sabay kain ng ice cream. Ang sarap talaga ng cheese!

"You seemed to like him. Bakit hindi mo na sagutin?"

"Ganon na ba ako kaobvious?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Oo kaya! Ano pa kasi ang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa sagutin?"

Huminto ako sa paglalakad at tinitigan ang kinakain kong ice cream.

"Alam mo naman kung bakit diba? A month from now, ikakasal na tayo. Pareho lang kaming masasaktan kapag sinunod ko ang nararamdaman ko."

Huminto din sya sa paglalakad at humarap sa akin. Nalulungkot ako dahil nasa ganito akong sitwasyon.

"Sinabi ko naman sayo diba? Walang magaganap na kasal. Ayokong matali sayo kaya lahat gagawin ko para walang maganap na kasal!"

Natawa ako sa sinabi nya. We're on the same boat. Ayoko din naman matali sa kasal na walang involved na love. Although, hindi mahirap na mahalin si William iba pa rin yung taong sinisigaw ng puso ko.

"Makaayaw ka naman akala mo ba gusto ko din na makasal sa'yo! Eww lang ha. Hindi ikaw ang type ko!" Sabi ko saka nagmartsa palayo sa kanya.

"At sino ang type mo?" Sigaw nya habang papalapit sa akin.

"Si Tristan!!" Sigaw ko din saka humarap sa kanya at patalikod na naglakad.

Bigla akong napahinto nang mahagip ng mga mata ko ang nilalang na nakatayo ilang metro lang ang layo sa amin. Nilingon din ni William ang tinitingnan ko.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon