CEO65 - Unexpected

17K 308 5
                                    

#65 - Unexpected

.

Andrea's

.

Wala na akong nagawa kundi ang sumulat ng article. Since sinabi naman ni Tristan na gusto nya lang malaman ang nasa isip ko when it comes to marriage and wedding.

Nakadapa ako sa kama ko at nakatutok ang mata sa laptop habang abala ang aking mga daliri sa pagtipa ng mga salita na pumapasok sa isip ko. Tristan wants to have my article in their magazine kaya walang connect sa architecture ang isusulat ko.

I was busy doing my article when a call interrupted me.

My brow creased when Tristan's name appeared on my cell.

"Hello!" Bungad ko, hindi ako excited, ok?

"Oh? Galit ka?"

"Ay hindi! Masaya ako kasi inaabala mo ako. Ano bang kailangan mo?" Medyo naiinis kong tanong.
"Ang init naman ng ulo mo. Nakakasira ng ganda yan."

Napahawak naman ako sa mukha ko. Baka nga makasira sa ganda ko ang masyadong stress. I inhaled deep saka kinalma ang aking sarili.

"Much better.." Aniya.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.

"Mas gumaganda ka kapag gloomy ang aura. Kaoag relax at hindi stress. Wag ka kasi masyadong mainitin ang ulo saka wag masyadong workaholic. Stress ka na nga kaya pati ang condo mo stress din ang hitsura."

Paano nya nalaman na magulo ang condo ko? Wala na kasi akong time na maglinis saka every weekends ang schedule ko ng pagpapalinis. Since, Thursday pa lang naman, magulo pa talaga ang condo ko.

"Where the hell are you?" Bulaslas ko sabay bangon.

Doon ko lang napansin ang bulto na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"Hi.." He greeted as the call ended.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako papasok sa banyo. Sino bang hindi? I'm just wearing short shorts and spaghetti strapped sando at wala pa akong bra. Sh*t! 

"Tristan Salviejo, what the hell are you doing here?!" Sigaw ko para marinig nya kahit nasa loob ako ng banyo.

"Yayayain sana kitamg lumabas pero mukhang busy ka." He answered back and based on his voice, alam kong nasa labas sya ng banyo.

"Paano ka nakapasok dito?" I asked.

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo naman binubuksan ang pinto. Akala ko wala ka dito kaya tinwagan kita. I heard your voice inside and when I checked the door, it's not locked kaya pumasok na ako."

"I'll sue you. Trespassing ka!" Angil ko. I grabbed the robe and wore it. Pwede na siguro akong lumabas.

"I told you to always locked your door kasi baka pasukin kita. Your not listening to me, Iza." Aniya.
Lumabas ako ng banyo at sumalubong sa akin ang disappointed nyang mukha.

"What's with the face?" Para kasing ang laki ng kasalanan ko sa kanya kung makatingin. Eh sya nga itong namamasok ng bahay ng may bahay.

"Hindi mo sinusunod ang mga sinasabi ko, Iza. Paano na lang kung ibang tao ang nakapasok dito? What would happen if it's not me?"

Yun lang pala ang kinakagaliy nya. Akala ko naman kung ano nang kasalanan na kasama sa seven deadly sins.

"If it's not you then much better." Pang-aasar ko. Agad naman nagdilim ang mukha nya.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon