CEO60 - Moving On

16.1K 311 2
                                    

#60 - Moving On

.

Andrea's POV

.

"It's nice working with you, Ms. Luna."

Nakipagkamay sa akin ang amerikanong businessman na boss ko. Si Mr. Philips from US.

I gave him a smile before I headed towards the door of his conference room.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang palakpakan ng mga kasama ko sa team. Sina Keina, Yeza, Gio, Viola at Cyrus. Lahat sila ay mga pinoy na nagtatrabaho dito sa US. Sila ang una kong naging kaclose nang matanggap ako sa trabaho.

Magpipitong buwan na din siguro akong nandito sa US. Iniwan ko ang business namin ni Wendy sa Pilipinas kapalit ng offer na trabaho dito sa ibang bansa. Si Zia ang pumalit sa akin. Sa pitong buwan na nandito ako wala akong ibang inisip kundi ang maging maayos ang trabaho ko. Ayokong mabigo si mommy sa akin.

Speaking of mom, she's calling.

"Hello, mom!" Excited kong bungad.

"Anak! Kamusta ang presentation mo? Nagustuhan ba ng boss mo at ng mga client nyo?"

"Oo naman, mom. Ako pa! Bilib na bilib nga yung boss ko eh."

Sinenyasan ko ang mga kateam ko na maunan na silang bumaba sa lobby. May celebration kasi kami ngayon.

"Ang galing talaga ng anak ko. Oo nga pala, tumawag ba sa iyo si William?"

"Hindi po, bakit?"

Si William.. Natatandaan nyo pa naman sya diba? Well, simula nong dumating ako dito sa US, lagi na ako non tinatawagan at kinakamusta. Ewan ko ba don. Minsan naman pinapakausap nya sa akin si Eula. Namiss ko ang batang yun.

"Ah.. Wala naman. Baka mamaya tumawag yun. Sya sige anak, mamaya na ulit ako tatawag. Nandito na kasi ang tita Myra mo. Magsasayaw na naman kami ng zumba."

"Sige po, mom."

I ended the call.

Walang nagbago sa pakikitungo ni tita Myra sa amin simula nong malaman nya na hindi matutuloy ang kasal namin ni Tristan. Although sumama ang loob nya dahil hindi ko daw agad sinabi. Ngayon, okay na din naman kami. Walang nagbago maliban sa katotohanang wala na kami ni Tristan.

Well, that's life. I need to move forward.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

.

"Cheers para sa another successful project." Hiyaw ni Gio kasabay ng pagtaas ng aming mga alak.

Red wine lang naman for girls kaya pumayag na akong makipag inuman sa kanila.

"And another cheers para sa ating magaling na team leader.. Mam Jeniza!" Segunda ni Yeza na pangalawa sa pinakamatanda sa amin.

Actually ako yung pinakamatanda sa grupo. Mga fresh pa itong mga kasama ko. Thankful na din ako na mga bata pa ang naging kateam ko kasi mas madali pakisamahan kapag mas bata sayo ang katrabaho mo.

"Naku, kayo talaga. Hindi lang naman ako ang naghirap para sa project na yun. Lahat tayo nag-effort para don, kaya cheers para sa atin." Muling nagtunugan ang mga baso ng alak na hawak namin.

"Mam Jeniza, matagal na kayo dito sa US pero wala pa rin akong nakikita na boyfriend nyo. Don't tell us single pa din kayo hanggang ngayon?" Hindi talaga mapigilan ang bibig ni Viola.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon