#50 - Surprise
.
Andrea's POV
.Ang daming reports at projects ang dumating ngayong week. I can't even grab a snack dahil sa mga ito. Hindi ko na din naman maistorbo si Wendy dahil nagpapahinga na ito ngayon. Nagkaroon daw kasi ng complications ang pagbubuntis nya. Sana mga maging okay na sila ng baby nya.
Nakaharap ako sa laptop at abalang-abala sa pagchecheck ng mga reports nang may kumatok sa pinto.
Wala na naman siguro ang secretary ko sa desk nya kaya direct na ang mga bisita sa office ko.
"Come in." I said without lifting my head.
I heard the door clicked. I waa waiting for someone to speak but I heard nothing kaya nag-angat ako ng tingin.
I was shocked to see three pairs of innocent eyes looking at me. Literal akong napanganga.
I rose to my seat at agad na nilapitan ang tatlo. Sinalubong ko sila ng mahigpit na yakap.
"Naaalala mo pa ba kami, ate Jen?" Tanong ng pinakamatanda sa kanila.
I laughed at that thought.
"Oo naman!! Paano ko naman kayo makakalimutan eh mga alaga ko diba kayo?" Sabay-sabay naman na ngumiti ang tatlo.
Nasa opisina ko ngayon sina Joanne, Carlo at Hannah. Ang mga bata na naging malapit sa akin sa orphanage.
"Akala po namin nakalimutan nyo na kami. Matagal na po kasi kayong hindi bumibisita sa orphanage." Turan ng walong taon na si Hannah.
Nalungkot naman ako sa bagay na yun. After kasi ng nangyari kay Dad hindi ko na naasikaso ang orphanage. Akala siguro nila pinabayaan ko sila.
"Nagkaproblema lang kasi ako nitong mga nakaraang taon. Kumusta na nga pala ang orphanage? Si ate Vuena?" Usisa ko habang ginigiya sila papunta sa mini living room ng office.
Yumuko ang tatlo kaya alam kong may problema.
"May problema ba? Bakit hindi kayo nagsasalita?"Si Carlo ang nag-angat ng tingin. "Iniwan din po kami ni ate Vuena nong nawala kayo, ate Jen."
Hindi yun magagawa ni ate Vuena. Mahal na mahal nya ang orphanage.
"Bakit sya umalis?" Tanong ko.
This time si Joanne ang sumagot.
"Akala po kasi nya magsasara na ang orphanage nong nawala kayo kaya umalis po sya. Naiwan po kami sa pangangalaga ng mga social workers hanggang sa may dumating po na tulong galing sa mga kaibigan nyo, ate Jen. Nasalba po ang orphanage kaya ngayon po marami ng bata ang natutulungan."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa balita na yun. Akala ko nawala na nang tuluyan ang orphanage. Sino kayang mga kaibigan ko ang tumulong sa orphanage? I wanna thank them.
"Sinong kaibigan ko daw ang nagbigay ng tulong? Gusto ko silang pasalamatan."
Walang nagsasalita sa kanila pero si Hannah ay parang may gustong sabihin.
"Hannah?" Pukaw ko sa bata.
Parang naintindihan naman nya na sya ang tinatanong ko at gusto ko ng kasagutan.
"Ate.. Yung boyfriend nyo po ang tumulong sa amin. Yung lalaki po na kasama nyo dati na pumunta sa orphanage at binilhan pa po kami ng Jollibee." Sagot nito.
Si Tristan?
"Si Tristan ba mga bata?" Paniniguro ko.
Sabay-sabay naman silang tumango. Bakit naman nya ginawa yun? I thought he's mad at me that time.
BINABASA MO ANG
Loved by the CEO: Tristan Salviejo Story
General FictionAndrea Jeniza Luna. She is the girl loved by the CEO. The girl who chose to break his heart. Tristan Salviejo. CEO of Salviejo Empire. He loves her so much that even though he's been hurt, he chose to love again. Paano nga ba magmahal ang isang Tris...