Kaycee's POV
"Okey Class! Galit na ako! "
Umagang-umaga na nagbabawal si Ma'am Fei. Kalakas ng tawa ng lahat nung binanggit na naman niya yung paborito niyang line. Bwahahahhaa! Ang epic kaya. Madalas kasi yan yung sinasabi niya pag hindi niya kami mabawal.
Ang mga kaklase ko naman ay nagdadaldalan pa din. Wala man lang pumansin sa teacher na nasa harapan. Though, eh kahit ako hindi ko din talaga papansinin yan. Grabe, wala siyang kakwenta-kwenta. Napakaboring niyang adviser. Okey, ang sama ko at ang hard, pero yun naman talag ang totoo e.
"Sige, wag niyo akong pansinin, may dalawa lang naman tayong transfer student e. " Napatigil kaming lahat sa pagiingay.
"Tapos ngayon natahimik kayo, pano kung sabihin kung joke lang yun. "
Wooh! Tae, sarap balibagin ng flatscreen ng tv a. Mukhang naka-high toh!
"Anyway, di naman talaga ako nagbibiro, may dalawa tayong transfer student. Uhm, pumasok na kayong dalawa. "
Napatingin kaming lahat sa pintuan. At isang tigyawat ang nagsimulang maglakad., Hahahahaha. Syempre joke lang, dalawang babae yung transfer student, at infairness magaganda ang mga ito, pero syempre mas maganda pa rin po ako.
"Oyy, Janven, alam na this. " Biglang sbai ni Jelo, pero binatukan naman siya ni Cara, girlfriend niya. Hayys, buti nga, lalandi pa e.
"Okey, Next target! " sabi naman ni Janven. Kalalandi talaga ng mga kaklase kong lalaki. Sarap balibagin ng flat screen tv.
Sa nakikita ko mukhang friendly at mababait naman pareho yung mga transfer e.
"Well, Introduce yourself in class. "
"I'm Mary Luise Samson" Sabay ngiti nung girl. Ehehe. Taray a, naka pustiso si Ateng!
"I'm Keila De Rayo. " Mukha siyang shy type. Pero sa tingin ko madami ang magiging kaibigan niya dito. Pero yung eyebags niya? HALATANG STUDY FIRST. Woaah. Asteg! Panibagong kokopyahan ito!
'Uhm, Class, magpakilala kayo isa-isa sa kanila, para makilala nila kayo,. "
Ayysh.
Syempre, dahil mahiyain pa kunyare ang mga kaklase ko, hindi nila ipinakita nag tunay nilang ugali. Hayys.
Isa-isa kaming nagpakilala. Nauna si Gabby, dahil siya yung class president at siya din naman ang nasa unahan.
"Gabby Vegas. "
"E-jay Alvaro."
"Rile De Vera. "
"Jessica Arceo"
"Mae Castro"
"Gayle Pasco."
"Jackie Yu"
"Ivan Miranda."
"Raven Salome. "
"Alliana Ortega."
"Jasmine Rosales. "
"Charles Fortez."
"Kaycee Chen."
"Fiele Perial."
"Trinity Marquez."
"Cara Santiago."
"Jelo Cruz."
"Oshrey Munoz."
"Janven Chavez."
"Vans Rodriguez."
"Seth Vasquez."
"Eron Sy."
"Danzel Lingat."
"Rob Vertoza."
"Aicelle Torres. "
"jayjay yusoff."
"Joree Fernandez."
"April Marzo.''
"Marie Fuentez."
"Ariel Mendez."
"Marcus Reyes."
"Lorenz Ryu."
Wohoo! At the end natapos na din ang pagpapakilala namin.
Kaines, kadaming alam ng teacher namin, bakit pa kasi kailangan pang magpakilala? E sooner makikilala din nila kami isa-isa. Napakadami talagang alam.
Umupo sa dalawang bakanteng armchair sila Luise at Keila.
Grabe ha, ang bilis kong naalala ang pangalan nila, anyway, madali lang namang tandaan at hindi gaanung unique.
Napatingin kami uling lahat ng biglang pumasok si Sir Benz.
Oo nga pala, Values na subject namin. Hayys. Abot-abot na naman ang sermon niya dahil siya din ang discipline coordinator ng school. Woah!
"So, naipakilala mo na pala ma'am yung mga magaganda nating transfer. "
"Wushu, magaganda eka, pinaritoke ilong ni Luise. " bulong sa akin ni Charles. Ibang humusga ang gago.
"Bugok, wag kang maingay, nasa likudan lang natin oh. " bulong ko. Syempre ayoko naman na isipin nila e napaka sama naming tao at masyado kaming judgemental.
Syempre, pinagsabihan lang niya kami ng mga dapat gawin. Tska isang oras na misahan.
Nung natapos na din ang ilan pa naming subject, nag-recess na din kami.
Syempre dating routine lang si Charles pa din ang kasama ko.
--
Trinity's POV
Nung natapos na ang recess. Umakyat na kami agad ni Fiele. kaso nagpaalam siya sa akin na mauna na daw ako sa room dahil mag-cr lang daw siya.
Habang naglalakad ako sa room. May narinig akong kausap ni Luise sa cellphone niya. Pero dahil hindi naman ako chismosa, di na lang muna ako pumasok sa classroom.
Habang naglalakad ako, may nakita akong yellow paper sa dinaraanan ko. At dahil mabait akong bata, pinulot ko ito at balak kong itapon sa basurahan, kaso nabigla ako sa nabasa ko.
"8-Unity must die!"
SINO NAMAN NAGSULAT NITO? MAY HATERS NA NAMAN ANG SECTION NAMIN. >¿<
__
Sorry sa matagal na paghihintay, nagbabalik na uli ang TUE ! ;*
BINABASA MO ANG
The Unpainted End (FOREVER HIATUS)
Mystery / ThrillerMay mga bagay at sitawasyon na akala mo tapos na, nagsisimula pa lang pala.