Kaycee's POV
"Okey, class dahil nga sa mga unexpected na nangyayari sa section niyo, mas better na matuto kayo sa paggamit ng baril para protektahan ang inyong sarili. So, simula ngayong araw mag-kakaroon na tayo ng Firing Lesson. " sabi ni Sir Erven. Yung magtuturo sa'min ng firing lesson.
Hindi ba parang mas delikado?
Martial arts pwede pa. Kaso? Baril? Di parang mas naatempt lang yung killer niyan? Hayys.
Nagsigawan naman sa tuwa ang mga kaklase ko. Hayys. Masaya pa ba sila non? Feeling ko nanganganib na ang buhay naming lahat. Kasi ako? Patuloy pa rin akong nakakatanggap ng mga weird messages na feeling ko e galing kay Alexsa, yung dati naming kaklase.
Napansin ko rin na hindi lang ako yung nakakatanggap ng mga ganun. Paano ko nasabi? Kanina kasi si Janven nung tingnan niya yung phone niya nung nasa byahe kami. Medyo nakakapagtaka yung reaksyon niya habang nakatingin siya sa phone.
Kaya feeling ko talaga may something na nangyayari e.
Hindi ko na talaga alam yung mga nangyayari sa section namin. 2 weeks na ding patay si Jay. At kakalibing lang niya kahapon. Hanggang ngayon di pa din ako makaget-over lalo na siguro si Gabby at Aisce na bestfriend ni Jay since elementary.
Speaking of them, nakatulala sila ngayon. Syempre namatay yung kaibigan nila e. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Napatingin ako kay Luise na papalapit sa akin.
"Kaycee? Pwede ka bang makausap?" Tumango naman ako. Ngayon kasi gusto ko talaga ng taong makakausap. Pano yung mga kaibigan ko nandun sa may field nag-aayos ng gamit at yung iba nagpipicture-picture. Talagang mga ewan e. Gusto kong lapitan sila Gabby kaso ramdam ko na hindi ako yung kailangan nila e. Tska simula nung namatay si Jay hindi na sila naging palakausap.
"Sige lang." Sabi ko naman.
"Bakit ba ganito yung nangyayari sa section natin?"
Napatingin ako sa kanya ng seryoso. Naaawa ako sa kanya. Baka pati siya madamay pa.
"H-Hindi ko din alam." At this time naiiyak na ako. Ewan ko eh kasi naman parang nasa deathline na buhay namin e.
Niyakap ako ni Luise, siguro yun lang yung alam niyang magagawa niya para comfort ako.
"Sorry ha."
Napatingin ako sa kanya bigla.
Bakit siya nagsorry?
"Kasi dapat h-hindi ko na tinanong, umiyak ka tuloy. "
Natawa ako sa sinabi niya. Akala ko kung ano na.
"Tara na dun sa field. "Pag-aaya ko.
I'm so happy na parang nagiging palagay na yung loob ko kay Luise.
Nung nakarating na kami sa mismong field kung saan nandun na lahat. Nag-line na kami isa-isa para makapagtry na i-baril sa target board.
Dumating na din yung magtuturo. Hindi naman sa pagmamayabang. Nasabi ko ba sa inyo na marunong at medyo sanay ako sa paggamit ng baril. Dahil pulis ang parents ko kaya gusto nila na kahit papank sanay akong protektahan ang sarili ko.
Nakakainis yung mga kaklase ko, pa-inosente e. Kunyari natatakot humawak ng baril. Pabebeee!~
Si Kenta yung nasa unahan ko. At siya din yung unang magta-try dahil siya yung kauna-unahan sa pila. Hayup? Marunong ba toh? Baka yabang lordsxz lang e.
"Marunong ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, gwapo e." Tch. Yabang.
"Hangin mo. "
"Bakit ganyan kayo? Pag-gwapo yung nagsabi ng gwapo siya sasabihin niyo mahangin, pero pag panget tatawanan niyo. Tch."
Napatawa ako sa sinabi niya. Oo nga naman noh?
"Di mahangin ka nga. "
"Sinabi mo bang gwapo ako?"
"Slow."
Parang clueless talaga ang loko. Hayys.
"Simulan na natin. "
Pagkakasabi nung teacher namin. Tumahimik na ang lahat.
"STAND STRAIGHT!~"
Dumiretso naman ng tayo yung mga nasa unahan.
"Tigasan niyo yung pagkakatayo."
Mahinahong sabi nung teacher.
"Kunin niyo na yung baril..then tigasan niyo yung pagkakahawak niyo dito para matamaan niyo yung target. "
Parang nanginginig yung kamay ni Kenta. Argh. Naiinis akong tingnan siya.
Dahil nga sa hindi ako mapakali.
Halatang-halata si Kenta na kinakabahan. Dahil sobra siyang pinagpapawisan.
Lumapit ako sa kanya at hinawan ko yung balikat niya. Kaya siguro nagulat siya bigla.
"A-ano yang ginagawa m-mo?" Tanong nya sakin. Nagulat siya siguro.
"Ito, tatagan mo yung kamay mo. Wag ka ngang kabahan. Tapos yung tayo mo ideretso mo. "
"Ha?"
Ewan ko pero kinabahan din ako sa ginagawa ko. Kasi magkadikit na yung ilong niya sa pisngi ko. Argh. Dapat pala di ko na ginawa e. Ka-tense tuloy.
"Ipuputok ko na ba?" Napatingin ako sa kanya bigla. Iba kasi yung dating ng pagkakasabi niya e.
"Oo, iputok mo na. "
Nagulat ako dahil ipinutok niya na yung baril. At wow! Saktong-sakto sa target.
Ngayon ko lang napansin na nasa aming dalawa pala nakatingin ang lahat. Argh. Kahiya.
"Ang galing mo."
Mahina kong sabi. Pero mukhang narinig naman niya.
"Sabi ko sayo e. Marunong ako e. "
Inirapan ko na lang ang loko. Magyayabang na naman kasi yan e kapag pinatulan mo yung kahanginan niya.
Napatingin ako bigla sa likod ko,nasa likod ko pala si Fiele.
"Ka-sweet a. "
"Timang. "
"Ayun e. Magaling pala siya humawak ng baril noh?"
"Ewan. "
Tapos ako na yung sumunod kay Janven.
At syempre, perfect sa target, as in saktong-sakto.
Ewan ko ba pero sanay na talaga ako sa paggamit niyan ng kaunti.
Nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw. Akala ko firing lesson lang e. Meron pa lang iba pa. Katulad na lang ng martial arts. Basta puro self-defense. Talaga sigurong makakatulong sa amin yun para protektahan ang sarili namin sa killer if ever na may target pa siyang iba.
Biglang tumayo si Vans na parang may problema.
"Tang*na! Kanina pa nawawala si E-jay nakita niyo ba?"
Nagulat ako. Si E-jay nawawala?
~
Hi! Hahaha~! Medyo mahaba at nagiging seryoso na yung story. Hahaha. So sana wag kayong maguguluhan. Bwegehehhewz~*
Btw. Suggest kayo kung sino magiging ka-love team nitong si Kaycee? Comment na matino.
BINABASA MO ANG
The Unpainted End (FOREVER HIATUS)
Mistero / ThrillerMay mga bagay at sitawasyon na akala mo tapos na, nagsisimula pa lang pala.