5

28 6 0
                                    

Kaycee's POV

"Balak mo bang ligawan yang si Alliana?" - Me

"Bakit ano ba pakielam mo?" - Kenta

"Curious lang naman ako e. " - Me

"Bakit ka curious?" - Kenta

"Wala ka ng pake pa dun." - Me

"Selos ka?" -Kenta

"Hindi ah, ulul." -Me

"Wuuh, kunyari ka pa e. " -Kenta

"tigilan mo na nga ako, matulog ka na. "-Me

"Kung ayoko?"-Kenta

"De wag, bahala ka nga. B--"-Me

"Sige, Baby, Iloveyou! "-Kenta

"K, Daddy."-Me

"Arsh, bakit ba ang hilig mong mambara?"-Kenta

"Anong oras na oh?"-Me

"Hindi ka ba nagsasawang kausap ako?" -Kenta

"Sawang-sawa na kaya matulog ka na. " -Me

"Eh, seryoso kasi. "-Kenta

"Masyado akong gwapo tol." - Me

'Hanep ka, mas mabuti pang matulog na lang ako kesa maging lalaki ka. " -Kenta

"Eh di natahimik ka din. "-Me

"Ayoko kay Alliana. " -Kenta

"Di ko tinatanong."-Me

"Argh, kelan ba kita makakausap ng matino?"-Kenta

"Pag malapit na ako mamatay. "-Me

"Tulog na tayo, bes."-Kenta

"ge, Nighty Bes. "-Me

Ganyan kami palagi mag-usap sa phone. Ewan ko, pero nakasanayan na kasi naming dalawa na tuwing gabi e may isa sa amin ang tatawag. Hindi ako nakakatulog pag hindi ko nakakatawagan yang damuho na yan. Siguro ganun din siya.

2 am na ng madaling araw. Hindi namin namalayan ang oras. Kaya pala kanina pa ako naghihikab e. Makatulog na nga. Humiga na ako sa kama ko at unti-unti kong ipinikit ang aking mga magagandang mata. Choss.



Nang imulat ko ang aking mga mata. Isang napakadilim na paligid ang aking nakita. Hindi ko lubos malaman kung nasan ako, ngunit alam kong pamilyar sa akin ang lugar na ito.

Isang babaeng malungkot ang aking nakita na nakatalungko sa isang sulok ng silid na ito. Hindi ko alam ngunit kusang lumakad ang aking mga paa papalapit sa kinalalagyan nung babae.

Habang lumalapit ako sa kanya, unti-unti din nitong inaangat ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko nito. Mas lalong tumatayo ang aking balahibo. Gusto kong umatras papalayo sa lugar na ito kaso hindi ko magawang ibalik ang aking mga paa. Habang lumilingon din ako sa paligid, wala akong makitang kahit anong pinto o labasan.

Nananaginip ba ako?

Nakatingin na sa akin ang babae at lumuluha ito ng dugo, maya maya'y biglang may kumalabit sa aking likuran at paglingon ko nakita ko si Cleo. Natakot ako sa itsura niya, ngunit alam ko pa din na siya yun.

"Kaycee? Bakit mo nagawa yun? "

Naiiyak na ako, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

Bakit ko nga ba nagawa ang bagay na yun?

"C-Cleo... "

Bigla niya akong yinakap. Gusto ko siyang yakapin din ngunit hindi ko na magawa pa, wala man lang akong kahit anong Cleo na mahawakan.

At unti-unti kong nakita kung sino ang babaeng nakayakap sa akin.

"Aaa-ah."

Na-saksak niya ako sa tiyan.

Si Alexsa.

"Uunti-untiin ko kayong lahat. "

Bulong nito sa akin, samantalang ako ay hinang-hina na at wala ng pwersa pa ang bumbalot sa katawan ko.

--

"AAHHH!"

Mabuti at panaginip lang pala. Mabuti an lang at may mineral water ako sa may tabi ng kama ko.

Pagkatapos kong inumin yun. Napatingin ako sa cellphone ko na biglang nagvibrate.

Isang unknown number na naman ang nagtext.

[09************]

[Nakalimutan mo na siya? o kinalimutan na? Masaya bang maging sikat. Masaya ka ba sa mga nangyayari at sa mga mangyayari? Ciarene? "

Ciarene? isang babae lang ang tumatawag sa akin ng second name ko.

Si --Alexsa.

--

Kkk. Guise? Curious na ba kayo kung sino yang Alexsa na yan? Hahhaha. Btw, thankyou sa nagbabasa at magababasa nito.

















The Unpainted End (FOREVER HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon