10

23 3 0
                                    

Kaycee's POV

Nandito kami ngayon sa malawak na field. Hinahanap si E-jay. Nako! Baka nagtanan na yung mag- isa! Anong oras na oh!? Baka nan-trip lang yung damuhong kalabaw na yon!

Mabuti na lang at kasama ko itong si Trinity sa paghahanap. Para daw kahit papaano ay safe, ginawa ni Sir Benz na by pair ang paghahanap kay E-jay.

Masyado kasing maluwang yung field tapos sa gawing gilid pa nito maraming malalaking puno. So, hindi talaga namin alam kung saan hahanpin iyong si E-jay.

Kinakabahan na ako a.

Anong oras na oh? 7 na ng gabi. Argh. Asan na ba kasi talaga yung E-jay Alvaro na yun! Napaka - ano niya a.

"Kaycee, kukuha lang ako ng flashlight sa quarters a. " paalam ni Trinity sa akin. Sabagay, medyo madilim na din naman na e. Ang tagal na din pala naming naghahanap sa kanya almost 2 hours na.

Asan ka na ba E-jay?

Nagikot-ikot din ako sa field. Hayys. Ang sakit na ng mga paa ko. Umupo na lang muna ako sa field pansamantala tutal hinihintay ko pa si Trinity. Medyo malayo din kasi ang mga quarters e.

Ang ganda ng mga stars. Kahit na madilim ang kalangitan may mga liwanag pa rin na tumatanglaw sa amin dito.

Lord, sana naman walang mangyari kay E-Jay.

Napatingin na lang ako kay Kenta dahil bigla siyang umupo sa tabi ko.
Anong trip niya?

"Nasaan na kaya si E-jay?" Tanong sa akin. Nag-aalala siguro siya. Argh. E malamang, nasa iisang tropa lang sila e.

"Yamo, pag nakita ko tatanungin ko."

"Kailan kaya kita makakausap ng matino?"

"Ewan ko. Hahaha."

Nagulat na lang ako dahil bigla siya tumayo at hinatak ako kung saan mang lupalop.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Hahanapin natin si E-jay. "

"Pero si Trinity?"

"Hindi mawawala yun, kadaming nandun e."

Argh. Hindi ko maalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin.

"Sa tingin mo mahahanap natin si E-jay ng ganito?"

"Oo. "

"Sige, sabihin mo sa akin kung paano?"

"Paano? Kasi magkasama tayo. "

Ang tinde niya. Nakakaloka yung ugali niya ngayon. Arsh.

Ibang bumanat ng loko. Feeling ko namula ako ng kaunti, mabuti na lang at madilim ngayon, di niya makikita. Hindi masyadong nakakahiya.

"Ows? Talaga ba?" Pang-aasar ko. Para hindi masyadong seryoso ang usapan. Iba kasi yung atmosphere e.

"Oo nga, gusto mo patunayan ko?"

Napahinto ako sa paglalakad. Ewan ko, pero may naramdaman akong kakaiba.

"Bakit ka huminto?"

"Kasi naiiihi ako e. "

"Arsh! Akala ko naman kung ano. Sige, umihi ka na jan."

Tiningnan ko siya ng masama. Hindi naman ako nagjojoke e. Totoo na naiiihi na ako. Arsh. Nagpipigil na ng tawa ang loko.

Naiiihi na ako!

"Balik tayo sa quarters."

"Jan ka na lang umihi, tatalikod ako promise!"

"Promise mo?"

"Oo, promise. "

At ayun umihi na ako sa may malapit sa may punong malaki. Arsh. Kasarap ng feeling-- nakakakilig.

"Tapos ka na ba? Kalamok dito e. "

"Ayan na po!"

"Dalian mo nga, lilingon na ako in five, four, ----"

"Eto na nga e, bastos. Tch. "

"Mabuti nga di ako lumingon e. "

"Bumalik na nga kasi tayo sa quarters,di naman natin nahahanap si e-jay e. "

"Ayoko nga. "

"Maiwan ka jan, babalik na ako sa field. "

"Kaya mong bumalik mag-isa?" Ewan ko pero bigla akong napahawak sa mga kamay niya kasi natakot na lang ako bigla. Argh. Natatakot kasi talaga ako sa dilim e.
"Kita mo nga? Natakot ka na agad?"

"Oy Kent? Natatakot na talaga ako. Balik na tayo please?"

"Sige, pero may isang kondisyon.."
-_-

"A-Ano?"

"Hawak kamay habang naglalakad." Gago talaga re. Pasalamat talaga siya takot ako sa dilim, nako kung hindi!

"Hindi pa ba ako nakahawak sa kamay mo?"

"Oo nga noh. Hahaha, sige tara na. "
Tahimik lang kaming bumabalik ni Kent sa quarters.

"Kalamig noh. " sabi ko.

Nagulat ako dahil bigla niyang tinanggal ang jacket na suot niya at ibinigay sa akin. Aish. Ayoko sanang kiligin e. Inang re!

"Ayan,suot mo. "

"Paano ka?"

"Wow, Kaycee. Kelan ka pa naging concern sa akin?"

Inirapan ko na lang siya at idinoble yung jacket na binigay niya sa t-shirt ko.

Natigilan kaming dalawa sa paglalakad ng may marinig kaming putok ng baril.

Napatingin kami sa isa't-isa.

"Si E-jay.." sabi niya.

Oyy, Ejay ano ba nangyare sayo? T_T ligtas ka naman siguro hindi ba?

--

[A|N: Pagtyagaan nyo na po muna yung update na ito.

Sorry kung akala niyo nagiging romance na ang story, sinisingit ko lang naman yung romance e. Hahahaha!~♥◆ ;p

The Unpainted End (FOREVER HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon