Kaycee's POV
Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nung namatay na ang ilan sa mga kaklase namin. Hindi pa rin namin alam kung sino ba talaga ang nasa likod ng pangyayaring ito. Hindi na rin naman na ako nakakatanggap pa ng mga weird messages simula non. Siguro nga natahimik an ang killer at nakokonsensya na ito sa mga karumaldumal na pangyayari na ginawa niya. Sana nga tuluyan na siyang nakonsensya. Sana nga hanggang dun na lang lahat yon.
"Kaycee, saan na naman ba naglalakbay yang utak mo?" napatingin ako kay Sir Benz, hehe. napansin niya pala pagka-lutang ko ngayon. Tch, masisi niya ba ako, kung naaalala ko lang yung mga nangayri sa section namin last month.
"Naglalakbay po sa puso ni ano..." sabi naman ni April. Hay nako, timang talaga yung babae na'yon. Kalayo-layo ko sa upuan niya e nakuha pang-mangbalahura. Gaga talaga.
"Oo na, kung saan man naglalakbay yang si Kaycee, eh di wow, hehe, nga pala, ano masasabi niyo sa mga pangyayari sa section niyo last month?" napatahimik kaming lahat, baka kasi, natatakot pa rin kami, hindi pa rin palagay ang loob namin.
Hanggang sa nabasag ang katahimikang iyon ng mabasag ang hawak na inuminan ni Louise. (babasagin yun) Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kakaiba sa hindi malamang dahilan. Para kasing ---
"Sige na Louise, pulutin mo na yan, baka may masugatan at masaktan pa."Kakaiba ang pagkakasabi ni Sir nung mga "baka may masugatan o masaktan pa." ewan ko ba, bakit ba binibigyan ko ng kahulugan ang mga nangyayari ngayong araw.
**
Recess na namin, naglalakad ako ngayon sa may corridor dahil pinapatawag daw ako nung Filipino teacher namin sa faculty e. Habang naglalakad ako sa may faculty nakita ko s amay gilid ng discipline office sila Sir Benz at Louise na may seryosong pinag-uusapan.
"Hindi nga po ako ang pumatay kay Jasmine at Mae... bakit niyo po ba ako pinagbibintangan ng ganito?"
Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko, pero kinuha ko ang cellphone ko at balak kong i-record ang pag-uusapan nila. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko iisipin at tatanggapin na wala pa ring hustisya ang mga namatay kong kaklase.
"Wag mo na akong lokohin, akala mo ba hindi ko alam kung sino ka?"
"Sino nga ba ako?" kakaibang tono ng boses ni Louise.
Siguro siya nga.
"Ano? papatayin mo rin ba ako kagaya ng ginawa mo sa kanila? Sige, ituloy mo lang. Hindi maitatama ng isnag mali ang isa na namang pagkakamali, Hija."
"Pagkakamali man ang gumanti, wala na po akong pakielam kung mapunta na ako sa impyerno, dahil ang mundong ito... isang mundong puro makakasalanan ang nabubuhay. " Napatakip ako ng bibig. Siya nga, si Louise nga. Sabi na e, tama talaga ang kutob ko una pa lang.
"Hija, mali ang inaakala mo. " hindi ko sila makita, pero alam kong may mali e. May mali s amga nangyayari.
"Mali man ako, wala na akong magagawa, kailangan kong tapusin ang nasimulan ko na." sabi pa nito.
"Hija, patayin mo na ako." mahinahong sabi sa kanya ni Sir.
"Masusunod."
Napaiyak na lang ako bigla at lumayo na ako sa kinatatayuan nila. Hindi ko na alam ang nangyayari, bakit ba, bakit ba kailangan ako ang makarinig ng mga salitang iyon. Bakit ako pa?
Akala ko nung tahimik na uli at bumalik na sa dati ang lahat ay hanggang dun na lang yon. Pero hindi ko talaga maintindihan, bakit ba nagagawa ni Louise ang bagay na'yon, sino nga ba talaga siya? bakit si Sir Benson pa?
--
As you can see, na-miss kong mag-update sa story kong ito kaya naisip kong ipagpapatuloy at tatapusin ko na. Uhm i think mga hanggang 20 or 25 lang ito. Ayoko an kasing maon-hold uli e, kaya tatapusin ko na, sorry sa paghihintay.
BINABASA MO ANG
The Unpainted End (FOREVER HIATUS)
Mystery / ThrillerMay mga bagay at sitawasyon na akala mo tapos na, nagsisimula pa lang pala.