Gabby's POV
Ang aga-aga kong nandito sa school. At ngayon papaakyat na ako sa classroom namin.
Ewan ko, pero ngayon lang ako pumasok ng sobrang kinakabahan.
Bakit ba?~
"Aahhhhh!~"
Napatakbo ako sa room namin asad dahil may narinig akong sumigaw.
Parang yung boses nung transfer student e.
Si Luise?
Nang dumating ako sa classroom. Napaluhod na lang ako sa aking nakita at unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Si Jay?
Bakit ganito ang nangyari sa kanya? Bakit? Bakit ganito?
Hanggang sa unti-unti na ring dumating ang iba pa naming kaklase na nagulat rin sa nakita.
Hindi ko na alam ang gagawin ko? Paano nangyari ang bagay na ito.
~
Aiscelle's POV
"Aiscelle.. nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan kita, kayo ni Gabby. Nagpapasalamat ako na nakilala ko kayong dalawa.Ang swerte kong maging kaibigan niyo."
Ano ba yung sinasabi ni Jay? Napakadrama niya. Hindi ako sanay na ganito yung mga sinasabi niya.
"Wow. Mamatay ka na ba? "
Pamimilosopo ko.
"Siguro. "
Bigla akong kinabahan. Ano ba sinasabi ni Jay?
"Oyy, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Matagal ka pang mabubuhay, okey? "
Ngumiti lang siya sa akin.
"Mabuti ng malaman mo na masaya ako, kahit na ano pa yung mangyayari. "
"Wag kang magdrama, wala namang mangyayari e. "
"Aisce.."
Nagulat ako sa nakita ko dahil unti-unti na siyang umiiyak ng dugo at pati yung bibig niya may dugo na din.
Jay?
-
"Anak, gising na.. kanina ka pa umiiyak habang natutulog. " inakap ko na lang si Mama.
Akala ko totoo na yun, panaginip lang pala. Mabuti panaginip lang.
Malabong mangyari yun. Hindi ba Jay?
"Ano ba yung napaginipan mo Hija?"
"Si Jay po sa panaginip ko para siyang mamatay na. Tapos umiiyak siya ng dugo. "
"Wag kang mag-alala anak, hindi mamatay si Jay. "
Nakakatakot ang panaginip ko.
"Opo. "
"Kumain ka na dun may pasok ka pa. "
Tumango na lamang ako.
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na lunes nga pala ngayon.
Biglang nag-ring yung phone ko. Tumatawag si Tita Jenny, yung mom ni Jay.
(Excuse me Aisce? " )
(Yes po Tita?)
(Alam mo ba kung nasaan si Jay? Hindi na namin siya nasundo nung friday pa. Sabi nung guard sa school niyo may sumundo na daw. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Baka kako alam mo. Hindi kita natawagan nung weekend dahil kahapon lang kami umuwi. So kahapon lang namin nalaman. Alam mo ba?)
(Hindi ko po Tita alam e. Natanong niyo po ba si Gabby?"
(Tinatawagan ko siya kanina pero di naman siya sumasagot e. )
(Sasabihin ko po sa kanya kapag pumasok ako. )
(Thankyou anak. )
(Welcome Tita, wag po kayong mag-alala Tita, walang mangyayaring masama kay Jay. )
(Sana nga Hija. )
Asan ka ba Jay?
-
Nandito na ako sa school. Sobra akong hindi mapakali. Alam kong may nangyayaring something e.
Napatingin ako sa room namin sa 3rd floor. Bakit kadaming tao?
Pati yung mga nakakasalubong ko sa school. May something na pinag-uusapan e.
"Grabe yun. Parang pinatay ng dimonyo e. "
"May pagkabrutal yung pagkakapatay sa kanya."
"Ano ba nangyayari sa 8-Unity? "
Agad akong nagtatakbo paakyat sa hagdan ng marinig ko yun.
Sino yung namatay?
Hindi pwedeng si Jay.
Nung makarating ako sa room. Nagulat ako sa nakita ko. Parang unti-unti akong nanghina. Si Jay..
Si Jay nga? Pero bakit?
Nakita ko si Gabby na iyak na ng iyak at pati ako napaiyak na din ng todo.
Bakit si Jay pa? Ito ba yung panaginip ko?
--
#TUEsDiers
(Ang pagkakapronounce ay Tuesday-ers. ) Hahahaha!
Haness? ~>
(Ayan nakiuso na ako. May official hashtag na yung story. Feeler yung otor e. Wag ano!-: #TUEsDiers)
PS: Vote and Comment kung nagustuhan. ;p
BINABASA MO ANG
The Unpainted End (FOREVER HIATUS)
Misterio / SuspensoMay mga bagay at sitawasyon na akala mo tapos na, nagsisimula pa lang pala.