Jayjay's POV
"Jay..."
"Jay..."
Pamilyar na boses ang aking narinig at unti-unti kong iminulat ang mga mata. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Pero pamilyar talaga sa akin e. Kaso, masyado na kaisng magulo ang utak ko.
Marami akong tanong na gustong malaman kung bakit ako nadamay dito.
Madilim ang paligid. Ang sinag lamang ng buwan ang tanging liwanag na tumatanglaw sa madilim na kwartong ito.
Napatingin ako bigla sa kandila. May taong nagsindi ng kandila. At unti-unti ko ng nagets ang mga pangyayari.
Kaninang uwian. Habang nandoon ako sa men's cr. May isang taong nagtakip sa bibig ko. Bigla siguro akong nahilo dahil dun.
Napansin ko rin na nandito ako sa classroom namin.
Teka ano ginagawa ko dito?
Ano ba ang nangyayari?
Napatingin ako bigla sa babaeng nakatakip ang mukha na may hawak ng kandila at unti-unti itong lumapit sakin.
"Natatandaan mo ba ako?"
"S-Sino ka ba?"
"Alexsa, remember?"
Nanlaki ang mga mata ko.
Si Alexsa?
"Bakit mo ginagawa ito?"
"Wag kang mag-alala jay, walang kang kasalanan sa'min pero patawad, kailangan kitang idamay."
"teka, ano ba ang ginawa ko?"
~'~
Alexsa's POV
"Wag kang mag-alala jay, walang kang kasalanan sa'min pero patawad, kailangan kitang idamay."
"teka, ano ba ang ginawa ko?"
Hindi ko na pinatagal pa.
Binusalan ko na ng panyo ang bibig niya ng walang ingay ang marinig.
Pinipilit niyang magsalita. Pero wala siyang magagawa.
Kinuha ko na ang kutsilyo sa bag ko na nakalaan para sa kanya.
Hindi ko siya papahirapan pa, dahil wala naman siyang kasalanan, pero yun nga kailangan ko siyang idamay dahil kaibigan niya ang may kasalanan.
Isinaksak ko ito sa leeg niya. Hinila ko ang katawan niya sa sulok kung saan malapit sa salamin. Kinuha ko ang salamin na nakasabit sa dingding at binasag ito sa mukha niya. Bago ko siya iwan nilagyan ko muna ng limang karayom ang palad niya.
Iniwan ko na dun si Jay. Patay na for sure yon.
Patawad Jay. Pero kailangang mamatay ng dapat mamatay at isa ka na dun.
One down!
BINABASA MO ANG
The Unpainted End (FOREVER HIATUS)
Mystery / ThrillerMay mga bagay at sitawasyon na akala mo tapos na, nagsisimula pa lang pala.