3

40 6 0
                                    

Wooh, maiiksi lang mga update ko sa una. Pasensya na, sinisingit ko lang kasi toh kapag bored ako at tinatamad na gumawa ng mga school projects. HAHAHHAHA!~Paalala, puro kalokohan lang muna ang isisingit ko bago kami magseryoso. ~ ^,^

--

Vans' POV

"Oyy, sorry na sa kanina hindi ko naman sinasadya na maging selfish kung minsan e. "

"Tssk. Oo na. "

Yes! Pinatawad niya na ako. Salamat naman! Nakahinga na ako ng maluwag! Hindi ko kasi talaga kaya na nag-aaway kami nitong si Sheloe e.

"E kasi naman ikaw e, pinipilit mong lumayo ako sa kanya. Grabe ka" sabi niya sa akin. Eh sino ba naman kasing matinong lalaki ang papalapitin ang girlfriend niya sa dating manliligaw nito. Hindi kasi nila kami naiiintindihang mga lalaki e. Hindi nila alam kung paano kami magmahal ng seryoso.
Minsan lang naman ako magseryoso e. --Maybe kaunti lang silang seseryosohin ko kasi yung iba ano-ano lang.

"Wag na nating pag-usapan, okey?"

"Osige na. "

"Tara, makapag-foodtrip."

"Ge."

Habang naglalakad kami ni Sheloe sa paborito naming kainan ng goto tuwing uwian. Bigla nagbuzz yung phone ko.

Isang unknown number nag nagtext. Sino kayang istorbo ang hayop na re?

baka akala ni Sheloe e.

[09**************]

[Masaya ka ba ngayon? Matapos ng lahat.]

~'~

Gabby's POV

"Oyy Aicelle, tara kay Mang Bobs." pag-aayaya ko kay Aicelle. Dapat kasi kami nila Jayjay e, kaso umuwi na agad yung isang yun kaya kaming dalawa na lang ni Aisce yung lalamon.

"Tara makapag kwek-kwek. "

"Ghad, Aisce, nakita mo ba kanina maglaro si Rafael?"

"Malamang, asawa ko yun e. "

Grabe, kasarap sapakin ng damuhong bwaya na re. Ibang bumanat e, sagad sa ilalim ng kuko ko e.

"Gutom lang yan."

Habang naglalakad kami ni Aice papunta kila Mang Bobs.

Nadaanan namin si Gael, yung super crush ko. Hahahha. Gusto ko ng magpakain sa tuka ng ipis e kaso syempre masyado akong malaki kaya di yun mangyayari. Anyway, seryoso na. Tiningnan ako ni Aisce ng kakaibang look at alam ko na ang ibig sabihin non.

Nagulat ako sa nangyari, bakit bigla siyang huminto sa harapan ko. Ehh? Ano ba naman yan Gabriella! Anyway, It's Gabrielle. But tho, ano? Panaginip ba toh. May sasabihin ba sa akin itong si Gael or bigla akong nakatulog habang naglalakad at biglang nanaginip. Pot* . Kasing pula ko na siguro ngayon ang isang sakong kamatis na hilaw.

"Gabby, Uwi ka na?"

Hindi pa nagfu-function sa utak ko kung ano na talaga ang nangyayari.

"H-Ha?"

"Ms. President, uuwi ka na ba kako?"

"Uhm Opo Kuya Gael. "

Grabe, nakakahiya yun a. Mukha siguro akong nanuno.

"Uhm, sabay na kayo sa amin ni Kert."

Nagkatinginan kami ni Aisce. What to do?

"Uhm, wag na po nakakahiya e. " pakipot kong sabi. joke,.

"Sige po, wala na din po kasi kaming pamasahe e."

Hayop si Aiscelle! Pero ayus lang din. Wohoo!

Ano bang nakain ni crush at bakit niya ako inayang iahtid sa bahay namin.

Pero ayus lang. Masaya ako ngayon, buo na naman ang araw ko.

--

[next: chapter 4]

The Unpainted End (FOREVER HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon