7

24 7 2
                                    

Alexsa's POV

Wala na sigurong mas sasakit pa kung makita mo ang mga malalapit sayo ay unti-unting naglalaho.

Iba yung sakit na ang kaisa-isa mong kaibigang totoo ay namatay dahil sa kanila.

Sige, isa na nga siguro akong kriminal. Pero mas masama pa rin sila. Dahil pinapatay nila ang isang tao dahil sa mga salita at panghuhusga.

Masaya ako dahil naranasan na din nila sa wakas ang umiyak.

Masaya ako kapag nakikita silang nagdudusa.

Masaya akong bawiin ang lahat ng masasayang ala-ala na dapat kami ni Cleo ang nakakaranas.

Miss na kita Cleo, para sayo lahat ng ito.

Ipapaalala ko sa kanila ang lahat.

Igaganti kita sa lahat ng mga pang-aapi na ginawa nila sa'tin.

Matatagalan pa.

Hindi ko mamadaliin ito.

--

Kaycee's POV

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila Gabby ngayon.

Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko kay Cleo noon.

Ang pinagtatakhan ko lang. Ano ang meron sa cellphone ni Jay na napulot ko kanina nung pumasok ako. Hindi ko ito agad ipinakita sa mga pulis dahil gusto kong mag-imbistiga ng patago.

Tska, hindi nila ma-track kung sino talaga dahil walang fingerprint ang nadetect.

Binuksan ko ang cellphone niya. May isang unknown number ang nagtext.

Ito din yung number na nagtext sa akin a.

(09********)

(One down~)

Teka? Maaring ito din yung pumatay kay Jay, hindi ba?

--

Janven's POV

"Bok, grabe yung pagkamatay ni Jay noh. Sino kaya may gawa nun? " tanong sa akin ni Oshre.

Nagulat kaming lahat nung makita namin si Jay na may nakasaksak na kutsilyo sa leeg at may binasag na salamin sa may tiyan niya. Grabe! Parang isang dimonyo pumatay e.

Pinauwi kaming lahat kanina. Dahil iimbestigahan daw yung nangyari.

Speaking of nangyayari? Ano nga ba kasi talaga?

"Kaya nga e. Ano kaya ginawa ni Jay dun noh?"

"Kaya nga e. Tahimik lang naman si Jay a. Napakasama nung gumawa non. "

Napatingin kami ni Oshre sa cellphone ko na nagbuzz.

Yung unknown number na naman na nagtetext sa akin halos araw-araw ng mga weird messeges.

(09**********)

(Masyado ba akong masama? Ako ang tatapos ng mga sinimulan niyo. Kayo ang demonyo at hindi ako! )

"Sino yan?"

"Ala ito. "

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yun.

Pero kailangan ko rin sigurong alamin kung sino ba talaga itong unknown number. At konektado ba siya sa pumatay kay Jay.

---

Thankyou for reading! :*

VoMment ;)

Kung nagustuhan lang. Haha!~*

The Unpainted End (FOREVER HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon