C35 - He's Back!!!

15 2 2
                                    



Saturday

>Jenadyn POV<

Oh My Gosh! this can't be happening!

Can someone tell me that I am just hallucinating and I'm imagining things?!

I can't control my heartbeat. Every second that passes lalong bumibilis ang tibok nito. I looked at the guy who spoke. I looked at him and memorized his features. Mabuti na lang nagshades ako ngayong araw na ito. Hindi niya nakikita na may namumuo nang luha. Nakikilala pa ba niya ako? Sinubukan kong pakalmahin yung tibok ng puso ko baka kasi naririnig niya. Hindi ako makapagsalita. I just looked at him. As in nakatingin lang ako sakanya. He still have that captivating black eyes, that pink kissable lips, at matangos na ilong, the brown almost blond hair. He is still Xander. The guy that I loved so much before. Ang lalaking iniwan at sinaktan ako ng sobra.

What now?

What shall I do?

Will I run away?

What will I say to him?

This is all sudden na hindi ko alam ang gagawin ko.

I took a deep breath twice and tried hard na alisin ang tingin ko sa kanya. This is stupid. Siguro hindi na niya ako nakikilala. Maybe he had forgotten me. I focused my eyes on my plate. I fumbled for my bag para hindi maibaling ang attention ko sakanya. I stood up. Humawak pa ako sa table kasi feeling ko matutumba ako anytime. My knees wobbled. I can't seem to steady myself. Nasosuffocate ako sa presence niya. He still have the same effect on me. gusto kong tanungin sakanya kung bakit niya ako iniwan but I can't.

I shouldn't feel this way. What I'm feeling right now and what I'm thinking right now are utterly stupid. I shouldn't act this way.

"Oh, I'm sorry about that."

I turned back bago pa tumulo ang luha ko. I turned my back before I made a stupid mistake of hugging him. Gosh, it hurts! It hurts so much seeing him after all these years. Seeing him and not doing anything.

I guess, he didn't recognized me at all and I didn't see any signs that he recognized me. I took a step away from him. On my second step tumulo ang luha ko. I was about to run when somebody stopped me by grabbing my wrist. Hindi ako lumingon kasi alam ko kung sino yun.

"Jenadyn wait." –Xander

"Let me go!" Pinipilit kong alisin ang hawak niya sa wrist ko. And people are now staring at us. Making a scene is the last thing on my mind.

"Please Jen, let me explain everything to you." Hinigpitan pa niya ang hawak sa wrist ko.

I want to hear it Xander but I'm not ready.

"What do you think you are doing to my girlfriend?!" and then Chaze pull me over to his arms and Chaze push Xander.

I can see on Chaze's face that he his angry and his black eyes narrowed ready to kill anyone. Kaya naman hinawakan ko yung kamay ni Chaze ng mahigpit dahilan para mabaling ang atensyon niya sa akin.

"Chaze I'm tired, let's go home."

>Chaze POV<

Hindi ko kayang makita na umiiyak siya. Mabuti nalang at malapit lang ang condo ko dito. hinila ko siya papunta doon. Kahit na malakas ang patak ng ulan, naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya. Sumakay kami ng elevator at bumababa sa 8th floor. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang.

*BLAAG!!*

Nakita ko na lang na nakahandusay na sa sahig si Adyn. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"JENADYN!!" inalog alog ko siya pero naramdaman kong mainit siya.

Binuksan ko kaagad ang condo ko at hiniga sa kama. Kinumutan ko siya. Aalis na sana ako para kumuha ng maligamgam na tubig nang biglang.

"XANDER, WAG MO AKONG IIWAN." Nakahawak siya sa kamay ko at umiiyak.

Pagkarinig ko ng pangalan ni Xander, parang kumirot bigla ang puso ko. Para bang ang sakit.

Lumapit ako sakanya at hinaplos ang noo niya.

"Hindi kita iiwan Adyn. Hinding Hindi." And I kissed her forehead.

SHIT!!! Ano ba kasing nangyayari sa akin?? Para naman akong Bakla!!

Pumunta ako sa banyo para makakuha ng maligamgam na tubig. Pagkabalik ko sa kwarto, nakita kong balot na balot siya ng kumot.

Tinawagan ko si ate para pumunta sa condo ko. Tumawag na din ako nanay ni Adyn para hindi sila mag-alala.

Wala pang thirty minutes ay nasa condo ko na si ate.

"Ate halika, Pakipunasan mo naman siya." Hila hila ko si ate papasok sa loob ng kwarto sa condo ko. (Nagets niyo ba?)

Tinanggal ko ang kumot at kitang kita kong namumula na si Adyn.

"Chaze! What did you do?!" –Ate Hikari

"I'll explain it later ate."

"Aish! Then get out of here." Halos ipagtulakan ako ni ate palabas ng SARILI KONG KWARTO.

After ilang minutes, bumababa na ng kwarto si ate.

"Oh walang aakyat." Pagpigil ni ate sa akin nung hinawakan ko ang handrail.

"Bakit, porket hinawakan ang handrail aakyat na kaagad? Di ba pwedeng hinihipo lang?!" Ganyan kami kasweet ng ate ko.

"Hoy CHAZE BUENEVISTA!! Alam ko ang tinatakbo ng utak mo!! You go to the living room!!"

Grabe talaga 'tong ate ko kung pagtabuyan naman ako parang hindi ko condo 'toh ah.

Ilang beses na ring nagpanik panaog si ate sa kwarto ko. Ako naman aligagang aligaga. Nag-aalala ako kay Adyn. Hindi ko naman kasi alam na tatablan pala siya kaagad ng sakit. Kamusta na kaya siya? Si ate kasi eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon