Saturday
>Jenadyn POV<
*Booogsh*
"Good morning, Jen and...."
Hindi na natuloy ni Faye ang sasabihin niya kasi binato ko siya ng unan as usual dahil sa ginawa niya naman sa precious door ko.
"Ano ba naman yan mhen, masisira na talaga ang aking face kakabato mo ng unan." -Faye
"Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo na dahan-dahan lang ang pagbukas ng pinto."
"Ang O.A. mo mhen, but anyways, Congrats Mhen!" sabi ni Faye na halatang kinikilig at sabay yakap na din sa akin.
"We heard that you are going out with Chaze?! Lumelevel up ka na ah." Sabi ni Hazel.
"Yeah... it turned out that way..."
"Kelan pa naging kayo?" Pang-uusisa ni Hazel
It's been four days since we started going out ni Chaze.
"Nung Monday lang"
"We are so happy for you, kaya magbihis ka na at may imemeet tayo." -Faye
imemeet?? Boylet na naman nila for sure.
"I know what you are thinking, kwento na lang namin sayo sa next chapter ng buhay mo, hahaha...char...basta magbihis ka na lang, bilis girl!" -Faye
"K"
Nandito kami sa mall, to be specific nakaupo kami sa loob ng starbucks and we are waiting dun sa ka-meet daw namin. Oo hindi kayo nagkakamali ng nababasa may ka-meet kami at hindi ko alam kung sino ang imi-meet namin. Alam naman nilang may boyfriend na ako sinasama pa nila ako sa kalokohan nila. Ansaaabe ng may boyfriend na ako. Ai naku konsensya wag kang kumontra kundi sasamain ka sa akin. hahaha.
"Sino ba kasi yung imemeet natin?"
"Ai naku,maghintay ka lang diyan." -Faye
"Oh nandyan na pala sila." -Hazel
Lilingon na sana ako para tignan kung sino yung tinutukoy ni Hazel kaso may kamay na tumakip sa mga mata ko, pero siyempre kilala ko naman kung sino sa amoy pa lang ng pabango niya, kilalang kilala ko na tas nung hinawakan ko pa yung kamay na tumakip sa mga mata ko mas lalo ko pang napatunayan na siya yun. Alam ko namang pare-parehas tayo ng iniisip kaya sabay-sabay na nating sabihin ang pangalan niya.
"Chaze?" sabay tanggal ng kamay na nakatakip sa aking mga mata and siyempre ang bumungad sa akin ay ang boyfriend kong gwapo na nakakatunaw ang ngiti.
"Hi, Lovedrop." -Chaze
Lovedrop??? Saang lupalop na naman napulot yang word na yan. pero aaminin ko kinilig ako dun. Namula nga mga pisngi ko.
"Ayiee, pa-lovedrop lovedrop na ngayon ah,level up ka na talaga girl." Pang-aasar ni Faye.
"Faye?!" parang asar na kinikilig ko siyang sinabi. Basta ganun. Alam kong alam niyo yang feeling nay an kapag inaasar kayo ng mga kaibigan niyo sa crush niyo.
And by then tumawa sila and tumayo na kami
"But anyway pwede bang maya niyo na i-continue yang paglalandian niyo at manuod muna tayong sine." -Faye
At siyempre by pair kaming naglalakad papuntang sinehan, si Dale at Hazel, Renill at Faye and ofcourse Ako and si Chaze.
Pasmile smile pa si Chaze sa akin habang tuwang tuwang hawak hawak ang kamay ko. May mga nakakasalubong pa kaming mga babae at pinipisil ko talaga ang kamay niya kapag nagpapacute siya. Nakakainis!!! Talagang kailangan nananadya na nandito ako?? Malandi lang talaga?? Hello, nandito girlfriend mo?!
"Guys, anong movie gusto niyong panoorin?" Hazel
"ikaw, lovedrop ano gusto mong movie?" -Chaze
"uy!! lovedrop!!" naramdaman ko ang pagpoke niya sa braso ko. "lovedrop, ano gusto mong panoorin o gusto mo ako nalang panoorin mo?" I heard a sexy voice whispered dahilan para mapatalon ako sa pwesto ko.
"Chaze!! Bakit ba kailangan mong gawin yun?" all eyes on us tuloy sa amin.
"What?! Hahahaha... nagtatanong kasi ako. Ayaw mo naman akong sagutin." Biglang lumapit si Chaze at umakbay tapos nagpacute na parang batang inaapi. Peste!! Tao ba talaga 'tong si Chaze?? At kahit anong gawin ang gwapo pa rin!
"tsk! tama na nga yang pagpapacute mo, ayun gusto kong panoorin yung Taken 3" turo ko sa screen, tas nakita kong sumimangot si Faye. Kasi naman ayaw ng action niyan, gusto love story.
"Pangit yan. ito na lang oh Romance. The best of me." -Faye.
"Okay, ganito na lang tutal hindi tayo magkasundo-sundo maghiwa-hiwalay na lang tayo by pair ng panunuodin." Suggestion ni Dale
"Agree ako diyan bro." -Renill.
and by then naghiwahiwalay na kami.
After naming manuod ng movie ay nag-ayang kumain si Chaze sa North Park.
Sa dinami dami ba naman ng pwedeng kainan dito pa, kung saan kami laging kumakain ni Xander. Ish!
"Chaze, ayoko dito kumain."
Napahinto si Chaze sa paglalakad at tinitigan ako.
"Bakit? Masarap kaya dito. Try mo kaya kahit once lang." --Chaze
Hinila niya ako papunta sa isang bakanteng table. Pinaupo niya ako doon, Oh great same spot pa ng pinaguupuan naming ni Xander tas iniwan niya ako kasi nakalimutan daw niyang bilhin yung pinapabili ng mama niya, tas bahala na daw akong mag-order. Tsk! pwede naman yang bilhin later pagkakain namin. Hmp!
"I believe you're sitting at my spot." That person said in a sweet voice.
Nafeel ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko at ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. I slowly looked up at the person who spoke and I can't believe at what I'm seeing.
Oh My G! this can't be happening!
![](https://img.wattpad.com/cover/5510992-288-k699905.jpg)
BINABASA MO ANG
Only hope (cold-hearted)
Lãng mạnPrologue: For 19 years of existence I never experienced a serious relationship… All my Ex-Boyfriend Cheated on me…Mga PLAYBOY! But this one GUY that enters my life and made me felt that I should be treated in a special way… He’s the one who changed...